Chapter 22
After I sent the message to Ralph, I opened my facebook account.
I promised that I won't open my social media accounts pero hindi ko napigilan ang sarili ko. It's been almost five months after Ralph and I broke up.
I know I'll be over this pain. What happened in the coffee shop made me realized that some things can not go back to what they are used to be. Wala na talagang pag-asa. And that was the sign that I should move on and free myself from the pain.
When I opened my facebook, mga post ni Maria ang nakita ko. Puro iyon pictures ni Ralph. Tinatag ni Maria kaya nagpapakita sa news feed ko. Dapat ay masanay na ako na makakita ng mga bagay na may kinalaman kay Ralph. I can't avoid him forever. Hindi maiiwasan na magkita kami in the future kaya kailangan kong sanayin ang sarili ko na wala na siya sa buhay ko.
I closed the app. That's enough for today. I will take it slowly. This will be over. I know that.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig lang sa ceiling. Hindi ako makatulog. Akala ko okay na ako. I mean, I'm fine during the day but I can't deal with it at night.
Bakit ganon?
Kapag mag-isa na lang ako, bumabalik lahat ng sakit? Iyong pakiramdam na konti na lang makakamove on na pero pagdating ng gabi at mag-isa na lang ako ay parang bumabalik lang ako sa umpisa.
Fuck.
Unti-unti na namang bumubuhos ang mga luha ko. Ganito na lang ba ako lagi? Hanggang dito ba naman? Malayo na ako sa kanila pero 'yung sakit, hindi man lang nabawasan. Siguro nga, sa umaga, kapag may kasama ko,nagpapanggap lang ako na kaya ko, na okay ako. Maybe it's because I don't want them to know how weak I am and how broken I am.
**
The next day, I woke up early kahit na late na akong nakatulog.. Sinunod ko ang sinabi ni Mark na gumising ng maaga para ma-check ko kung may nakalimutan pa ba ako. That was the first thing I did as soon as I woke up.
After checking my things, I went to the bathroom to take a bath. 7:00AM na kaya hindi ako pwedeng magtagal sa pagligo.
Pagkatapos kong maligo ay nakatanggap ako ng text mula kay Mark. Sabi niya ay malapit na siya. Mabilis akong nag-ayos ng sarili and when I'm satisfied, lumabas na ako ng aking kwarto dala ang maleta at isang bag ko.
I went downstairs. Naabutan ko naman sina mommy na nakaupo sa sala.
"Ngayon na pala ang alis niyo." Aniya. Tumango na lang ako.
Hindi rin nagtagal ay dumating na si Mark. He smiled when he saw me.
"Hindi na ba kayo kakain muna?" Tanong ni Dad.
"Hindi na po tito, we'll just eat on our way to airport." Sagot naman ni Mark.
"Alright. Mag-ingat kayo, ha?" Tumango kami pareho ni Mark tsaka niya ako tinulungan sa nga gamit ko.
Pagkasakay namin ng kaniyang sasakyan ay inabot na niya sa akin ang isang paper bag.
"Breakfast." He said and he started the car.
Tinignan ko ang laman ng paper bag. May dalawang sandwich doon kaya kinuha ko ang isa.
"Here." Abot ko sa kaniya ng isa.
"Can you drive while eating? Gusto mo subuan na lang kita?" I asked.
"Kaya ko. Kumain ka lang d'yan." Aniya kaya tumango ako at tahimik na kinain ang sandwich.
Mabilis naman kaming nakarating sa airport.
"Excited?" Tanong niya.
"Yeah. It's my first time there. Nandoon si ate Mia, 'di ba?" Sabi ko. Matagal ko ng hindi nakita ang ate niya, hindi naman kasi siya sumamang umuwi kina Mark. She said that she wants to stay in Florida.
BINABASA MO ANG
If We Never Met [Alfaro Series #1]
Romans[Alfaro Series #1] Janine Adalee, a future lawyer who already planned the future with his long-time boyfriend, Ralphael Easton. Pero biglang nagbago ang lahat. Their relationship was unbreakable, not until the ex-girlfriend, Maria, and the childhood...
![If We Never Met [Alfaro Series #1]](https://img.wattpad.com/cover/217665536-64-k632489.jpg)