Chapter 28
"Love, labas muna ako." Pagpa-paalam ko kay Mark. I want to meet my friends – sina James, Anthony, Joseph at Ashley. Nabalitaan ko kasing nakabalik na si Ashley galing Florida kaya nagkaayaan ang barkada. Wala naman ulit akong gagawin ngayon kundi ang tumambay sa opisina ni Mark kaya naisip kong sumama na lang sa kanila.
"Where are you going?" Tanong niya. Nalipat ang atensyon niya sa akin, kanina pa kasi siya seryoso sa laptop niya.
"Going out with friends." Sagot ko. Tumayo siya at umupo sa tabi ko sa sofa.
He hugged me, "Sinong friends?" Tanong niya.
"Friends ko noong nag-aaral pa lang ako-" He cut me off.
"Those boys?" Tumango ako. Tinitigan niya lang ako.
"Kasama si Ashley." Sabi ko naman, alam ko naman na hindi niya ako papayagan kung 'yung tatlong lalaki lang ang kasama ko. Siguradong magtatalo lang kami, parang noon sa Florida.
"Okay. Anong oras ka uuwi?" He asked, still hugging me. Stress na stress na siguro 'to dahil marami siyang tinatapos na trabaho.
"I don't know yet but I will be home before dinner. Sabay tayong magdi-dinner." I said.
"May meeting pa ako mamaya. I can't have dinner with you at sa bahay ako uuwi mamaya." Sabi niya. I looked at him.
"Okay. Tawagan na lang kita mamaya. Text me when your meeting's done." Sabi ko naman.
"No, I'll call you." Bumitaw na siya sa yakap at tumayo. Hinila naman niya ako patayo at hinalikan.
"Kailangan ko nang bumalik sa ginagawa ko. Text me, okay? Sige na, you can go." Aniya.
Tumango naman ako, "I will."
"Ingat ka. I love you." Sabi niya bago ako lumabas ng opisina niya.
Napag-usapan naming magkita sa coffee shop kung saan ako madalas magpunta noon.
"Jaja!" Agad akong napatingin sa tumawag sa akin. It's Anthony. Nandoon na sina James at Anthony pero wala si Joseph. Ashley was not here yet but she said that she's on her way.
Lumapit ako sa pwesto nila at umupo sa bakanteng upuan. Ang tagal na simula ng huli ko silang nakita. Noong graduation pa ata noong huli kaming nagkita-kita.
"Mas lalo kang gumanda, Jaja!" Masayang sabi ni James.
"Yeah, what happened? Ang tagal ka naming hindi nakita." Sabi naman ni Anthony. Wala silang balita sa akin dahil si Ashley lang naman ang nakakausap ko. Hindi naman sa masama ang loob ko sa kanila, I just want to move on. Baka kasi kapag may communication pa ako sa kanila noon ay hindi lang ako makakamove on.
"I was in Florida. Bumalik lang ako for BAR talaga." Simpleng sagot ko.
"So, Ashley was right, you didn't take the BAR last year." Ani James.
"Why? Hindi kayo naniwala sa kaniya?" Tanong ko.
"Yeah, akala ko nagjo-joke lang siya. Iniiwasan mo kami, 'di ba? Kaya naisip namin na baka ayaw mo lang ipasabi." Sagot naman ni James.
"Si Joseph?" Tanong ko naman.
"Hindi siya pupunta." Sagot ni Anthony. Akala ko pa naman maku-kumpleto kami ngayong araw.
"Kailan ka ikakasal, James?" Tanong ko. Madami na akong hindi alam sa kanila kaya madami akong tanong.
"Next year? I don't know." Sagot niya. Tuloy na tuloy pa din talaga ang arranged marriage niya. Uso pa ba 'yun ngayon? Kami din naman ni Mark noon pero hindi naman natuloy 'yun. We are starting for real, hindi na iyon dahil sa arranged marriage.
BINABASA MO ANG
If We Never Met [Alfaro Series #1]
Romantizm[Alfaro Series #1] Janine Adalee, a future lawyer who already planned the future with his long-time boyfriend, Ralphael Easton. Pero biglang nagbago ang lahat. Their relationship was unbreakable, not until the ex-girlfriend, Maria, and the childhood...