CHAPTER 10

152 5 0
                                    

Chapter 10

I went to Baguio. Walang may alam na nandito ako, pati si Mark at Ashley ay walang alam. Ayokong malaman nila dahil sigurado akong pupuntahan nila ako dito. I want to be alone. I want to breathe. Sana pagbalik ko, hindi ko na maramdaman 'yung sakit. Sana pagbalik ko, mas matapang na ako para harapin ang lahat ng iniwan ko. Sana pagbalik ko, maayos na ang lahat.

Habang nasa bus ako ay nakatingin lamang ako sa labas, kahit na madilim pa. Hindi ako makatulog.

Umaga na nang makarating ako doon. It's not that hard to find a place to stay. Madaming hotel at wala naman masyadong turista sa ngayon. Maybe I will stay here for a week? I don't know. It might change kasi hindi ko naman kung ano'ng mangyayari. Maaaring mas matagal pa o kaya'y hindi aabot ng isang linggo. Wala pa akong maayos na plano basta ang mahalaga ay nakalayo na muna ako sa kanila. Kahit sandali lang...

Mabilis akong nakahanap ng hotel na pwedeng matuluyan. Malapit lang ito sa Burnham Park kaya hindi ako ma-bobored dito. Pumasok ako sa kwarto at nahiga sa kama. I'm tired. Pagod ako sa byahe at kagagaling ko lamang sa sakit.

Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko dito pero napakagaan sa loob na narito ako. Ilang minuto akong nakatitig sa pader hanggang sa nag-ring ang cellphone ko.

Tinignan ko ito.

Ralph's calling.

He probably just woke up without me beside him kaya tumawag na siya. Of course, I didn't answer. I turned off my phone instead. No one can call or text me.

Napatingin ako sa cellphone na pinatay ko. Should I call Mark? I want to be alone pero hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko at para akong mababaliw kapag mag-isa ako. Atleast with Mark, I might feel better.

Umiling ako sa naisip ko.

No, he's busy. Dapat at hindi ko siya inaabala. Wala akong karapatan para mag-demand ng kung ano-ano sa kaniya. I will be fine here alone. I will try to be fine.

Nang dahil sa pagod, nakatulog ako. Pag-gising ko ay gabi na.

Kinuha ko ang wallet at jacket ko. I searched for nearby restaurants, gutom na kasi ako dahil hindi pa ako kumakain.

Nang makarating ako sa restaurant ay madaming tao. It's my first time to be here alone. Hindi ako sanay.

When my order arrived, nagsimula na akong kumain. Ako lang ang kumakain ng mag-isa dito, lahat sila dito ay may kasama. But it's okay. Wala namang problema doon.

Pinagsisihan ko na iniwan ko ang cellphone ko sa hotel. Binilisan ko na lang ang pagkain ko para makaalis na.

Nang matapos ako ay naglakad-lakad lang ako sa Burnham Park at pagkatapos ay bumalik na din ako sa hotel.

**

Pag-gising ko ay ramdam ko pa din ang pagod ko. Pagod ako ngunit ayaw ko namang tumunganga lang sa hotel kaya tumayo ako para maligo. Lalabas muna ako. Should I go to the mall? Or should I go to the Burnham Park first since malapit lang ito sa tinutuluyan ko. Hindi din kasi ako nagtagal kagabi doon.

Pagkatapos kong maligo ay napag-desisyunan ko na pumunta muna sa Burnham bago pumunta sa mall. I have a lot of time, mapupuntahan ko ang lahat ng gusto kong puntahan.

When I got there, I sat on a bench. I watched the kids playing around. Some are riding swings and seesaws. And some are just running and playing with other kids. Napangiti ako sa nasaksihan. I really love kids kaya masaya ako na nakikita silang nag-eenjoy at masaya. Watching them makes me remember my childhood. I missed those times when I was a kid, walang mga problema at naglalaro lang kasama ang mga ibang batang nakilala ko lang sa playground. I will spend the day with them playing anything. It was fun.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon