CHAPTER 17

129 4 0
                                    

Chapter 17

Masakit. Sobrang sakit.

Pero hindi sapat ang sobra para ilarawan ang nararamdaman ko ngayon. Oo, nagkamali ako. Aaminin ko iyon pero hindi ba pwedeng itama ang pagkakamaling iyon? I thought we're mature enough to handle things like this. Hindi ba dapat ay pinapakinggan namin ang side ng isa't isa.

I really want to fix this. Nagsisisi naman ako sa ginawa ko. That was my biggest mistake. Gusto kong ayusin ang lahat pero paano kung ayaw na niyang ayusin ito?

When he went to our house, it gave me hope. It gave me hope that he's willing to listen to my explanations.

I plan to go to Ralph's place again. Kung kailangan kong gawin iyon araw-araw, gagawin ko. Gusto ko lang naman mapaliwanag ko nang maayos ang side ko.

Pagkarating ko sa bahay nila ay nanatili ako sa labas. His car is not here yet, ibig sabihin ay wala pa siya. He must be taking care of Maria right now because of what happened.

Nanatili ako sa labas, hinihintay ang pagdating niya. I waited for hours. Gabi na pero wala pa ring Ralph na dumating. Hindi ba siya uuwi? Kung hindi, saan siya matutulog?

I checked my phone. I got a text from Mark. He's asking me where I am. Hindi ako nag-reply. Siguro nasa bahay na naman siya ngayon at naabutan na wala ako doon kaya nag-aalala na naman siya sa akin.

I tried calling Ralph but he didn't answer.

Madami pa akong babasahin para bukas pero nandito ako, hinihintay ang pagdating ni Ralph. Damn. Napapabayaan ko na ang pag-aaral ko dahil dito.

It was 12 AM when Ralph arrived. Nang bumaba siya sa kaniyang sasakyan ay agad niya akong nakita. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Ralph..." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Do you really want to get sick again?" Malamig niyang tanong. Alam kong may ideya na siya na matagal na akong naghihintay sa kaniya dito.

"I just want to talk to you. Kailan mo ba ako pagbibigyan na makausap ka? I thought everything will be okay after you went to our house. Akala ko simula na 'yun para maayos tayo." Sabi ko naman. Tinignan niya lang ako. He's so cold, it's different from the Ralph who took care of me when I was sick.

"Ano pa bang pag-uusapan natin?" Tanong naman niya.

"Tungkol sa atin. Ayusin na natin 'to, please? Nagsisisi na ako sa mga ginawa kong mali. Gusto kong bumawi sa'yo." Sabi ko. I'm really desperate to fix our relationship.

"I don't think we can still fix everything. Siguro pwede, pero hindi na tayo babalik sa dati." Aniya. Masakit. Sobrang sakit ng mga salitang iyon na nagmula sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang sabihin iyon sa akin.

Napatingin ako sa baba at napapikit. This is so hard.

"Umuwi ka na." Sabi niya at binawi ang kaniyang kamay.

"Ano bang sinabi sa'yo ni Mark at bakit ka nagkakaganyan!? Ha!?" I asked, shouting.

"I already know everything. Okay na?" Aniya at pumasok na siya sa loob ng bahay nila. He's so cold. Hindi niya ako sinigawan ngayon pero ramdam ko ang sakit at galit sa kaniyang boses. Unti-unti na namang bumuhos ang mga luha ko.

Kay Mark, nakinig siya pero sa akin hindi niya magawa?

Paano ko malalaman kung tama ang sinabi ni Mark? Paano kung puro kasinungalingan ang sinabi sa kaniya?

Hindi ako umuwi. I went to have a drink instead. I know that this is not the solution for it. Alam ko na walang magbabago kapag uminom ako pero I just want to forget for a while.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon