CHAPTER 31

168 4 0
                                    

Chapter 31

"Are you sure? Hindi ka talaga sasama?" I asked Mark again. I told him that we'll attend my friend's wedding pero hindi daw siya pwede.

"I'm really busy, love. Kailangan ko pang puntahan 'yung pinapagawang resort sa Bohol." He said, then he hugged me.

"Hindi ka uuwi mamayang gabi?" Sobrang busy niya din talaga sa business.

"Hindi. Doon muna kina mommy si Kenzo." He said. Sumang-ayon naman ako. I want to bring him with me pero sabi ni Mark na mas mabuting iwan na lang namin siya kay Tita.

"Okay." Then, I kissed him.

Sabay kaming pumunta sa kwarto ni Kenzo. He's still sleeping when we entered his room. I sat on the sofa inside his room while Mark sat on the bed.

"Ilang araw ba kayo doon?" He asked.

"Uuwi din kami kinabukasan pero baka gabi na kami makakarating." Sagot ko. Hindi ko sigurado dahil baka may pinaplano pa silang gustong puntahan.

"Okay." Aniya. Hindi din nagtagal ay gumising na si Kenzo.

"Good morning, daddy and mommy." Masayang sabi niya kaya napangiti ako at lumapit sa kanilang dalawa.

"Good morning, baby." I greeted back and I kissed him on the cheek. Mark greeted him too.

"Baby, you'll stay with Lola Irene muna, okay? Your daddy will be in Bohol and I will attend a wedding in Batangas." I said.

"Okay po." Aniya.

"Be a good boy, okay? 'Wag masyadong makulit." Paalala ko sa kaniya at tumango naman siya.

We ate breakfast together at nang matapos kami ay naligo na rin kami.

"Love." Mark called me. Kalalabas niya lang ng bathroom dahil kakatapos lang maligo. He's smirking so I rolled my eyes.

Nilapitan naman niya ako at niyakap.

"What?"

"I love you." He whispered. He started kissing my neck and then my shoulder.

"Seriously, Mark? I need to prepare, you know." I said but he continued kissing me.

"Mark."

"May tatlong oras pa bago ang flight ko." Aniya.

"And you already prepared everything last night, Ja. Saglit lang naman ang papuntang Batangas. You won't be late." Sabi niya pa. He's really great in convincing me so I gave in.

After that, naligo ulit kami. Nauna siyang maligo sa akin kaya paglabas ko ay bihis na siya.

"I'll just check kung kumpleto na 'yung kailangan ni Kenzo." He said then he went out of our room.

Mabilis akong nagbihis para ma-check ko kung kumpleto na din ba 'yung dadalhin ko sa Batangas. On the way na daw kasi sila, they texted me na sabay-sabay na lang daw kaming pumunta doon para tipid na din sa gas. Gagamitin daw namin 'yung sasakyan ni Anthony.

Dinala ko na ang mga gamit ko para bumaba na. Saktong paglabas ko ng kwarto namin ay lumabas din ang mag-ama sa kwarto ni Kenzo.

"Let me carry that." Ani Mark at kinuha ang dala kong bag.

"Asan na daw sila?" Tanong ni Mark. Sinabi niyang hintayin muna daw niya kaming makaalis bago sila umalis ni Kenzo.

"Malapit na. Pwede na kayong pumunta. Baka ma-late ka, Mark. Ihahatid mo pa si Kenzo kina tita." I said. Tinignan naman ni Mark ang kaniyang relo at pumayag siya sa sinabi ko.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon