Chapter 16
Si Ashley nga ang naghatid sa akin. Habang palabas kami ng bahay nila ay hindi ko man lang nakita si Ralph. Hindi ko alam kung nandito pa ba siya o kaya ay umalis.
We were quiet on our way home. Walang nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin. Hindi muna ako bumaba sa sasakyan ni Ashley.
"Ash, what should I do? Hindi siya nakikinig sa akin." Naiiyak kong pahayag. Ilang beses ko na siyang tinatanong kung ano ang gagawin ko. Hindi kasi talaga ako mapakali hangga't hindi ko siya nakakausap.
"I already told you to give him time. He won't listen to you hanggang nasasaktan pa din siya. Sobra mo siyang nasaktan sa nagawa mo. Hayaan mo muna siya. Give him the time he needed." Aniya. Siguro nga dapat hayaan ko muna siya hanggang sa handa na siyang makinig sa akin.
But the thought na hindi kami okay, na hindi maayos ang relasyon naming, bothers me. Paano kung habang hinahayaan ko siya ay unti-unti din akong napapalitan sa puso niya?
"What if I'll lose him while I'm letting him have the time he needs." Tanong ko sa kaniya.
"Paulit-ulit na lang ba tayo, Ja? You know that I can't answer that. Nasa kaniya pa din ang desisyon at hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Pero kung ano man ang desisyon niya, maging handa ka lang. Prepare yourself for the worst. You should've thought of the consequences bago mo ginawa 'yun." Sagot niya. Tama naman siya, si Ralph lang ang makakasagot ng mga tanong ko. Dapat nga na ihanda ko ang sarili ko. I might lose him.
Tumango ako sa kaniyang sinabi, "Thank you, Ash. Sorry at naabala ka pa." Sabi ko.
"It's okay. I'll try to talk to him but I can't promise you anything." Aniya at lumabas na ako ng sasakyan.
"Aalis na ako." Paalam niya at tumango lamang ako.
Pagkapasok ko sa bahay ay nandoon nga si Mark, nakaupo sa sala. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin.
"Shit. Ang init mo." Sabi niya nang hinawakan niya ako.
"Okay lang ako. Magpapahinga lang ako. Sige na, pumasok ka na. May trabaho ka pa 'di ba?" Sabi ko naman. Maglalakad na sana ako palayo sa kaniya ngunit nakaramdam ako ng pagkahilo. Agad naman niyang hinawakan ang bewang ko nang muntikan akong natumba.
"Okay ka ba sa lagay na 'yan? Ano ba ang nangyari?" Tanong niya.
"Naulanan lang. I'm fine, really. I just need to rest. Pumasok ka na." Sabi ko.
Umiling siya, "I won't go to work. We need to go to the hospital. Tignan mo nga 'yang sarili mo, namumutla ka. Kumain ka na ba?" Tanong niya. Saka ko lang naalala na hindi pa nga pala ako kumakain dahil agad akong pumunta kina Ralph kanina.
"Hindi pa." Sagot ko.
"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Jaja? Kakagaling mo lang sa sakit kahapon tapos nagpaulan ka na naman at hindi ka pa kumain." Hindi siya sumisigaw pero ramdam ko ang galit sa kaniyang boses.
"Okay lang naman ako." Sabi ko.
"Anong okay? Stop saying you're okay when you're obviously not." Mariin niyang sabi. Napabuntong hininga ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kusina.
"Sit there. I'll cook, kumain ka." He said. Tumango na lamang ako dahil alam ko naman na hindi ako makakatanggi.
I watched him cook.
"Kapag hindi pa maayos ang pakiramdam mo mamaya, we'll go to the hospital." Sabi niya habang nakatuon ang buong atensyon niya sa niluluto niya.
When I stood up, he looked at me. "What are you doing? Umupo ka lang d'yan." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
If We Never Met [Alfaro Series #1]
Roman d'amour[Alfaro Series #1] Janine Adalee, a future lawyer who already planned the future with his long-time boyfriend, Ralphael Easton. Pero biglang nagbago ang lahat. Their relationship was unbreakable, not until the ex-girlfriend, Maria, and the childhood...