CHAPTER 5

159 11 0
                                    

Chapter 5

Labas tayo bukas? Susunduin kita. Good night, I love you.

Natigilan ako sa text ni Ralph. May usapan na kami ni Mark kaya hindi ako pwede bukas.

"Are you okay?" Tanong ni Mark at tumingin saglit sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Yes, I'm okay." Sagot ko. Hindi na siya nagtanong muli. Tinago ko naman ang cellphone ko at hindi na muna sinagot ang text ni Ralph.

Nakarating kami sa bahay nina Mark. Sinalubong kami ni Tita Irene. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"I missed you so much, hija." Aniya.

"I missed you too, tita. Ang tagal nating hindi nagkita." Sabi ko naman sa kaniya. Ilang sandal pa ay bumitaw na siya sa yakap. She's smiling at me.

"Tara. Pumasok na tayo sa loob." Masayang sabi ni tita Irene at nauna nang pumasok sa kanilang bahay. She looks so happy. Napangiti ako.

"Told you, she really missed you and she's happy to see you." Sabi naman ni Mark sa tabi ko.

"Kita ko nga." Sabi ko.

"Let's go inside." Ani Mark. Nauna siyang pumasok at sumunod naman ako. Napansin kong walang masyadong nagbago sa kanilang bahay. Matagal na noong huli kong punta dito ngunit natatandaan ko pa ang itsura ng kanilang bahay at ngayon ay masasabi kong walang halos pinagbago ito.

"Kumusta ka naman, hija?" Tanong sa akin ni tita Irene habang kumakain kami. It's just a simple family dinner.

"Okay lang naman po, tita. Medyo busy lang po sa law school, malapit na din po kaming grumaduate." Sagot ko sa tanong niya.

"Mabuti kung ganoon. Hindi ba't nakatapos ka din ng Business? Buti at nagpatuloy ka sa law school." Tanong ni tita.

"Opo, tita. It's really my dream to become a lawyer so I pursue it. Malapit na din po akong grumaduate." Sagot ko naman. Nag-aral muna ako ng business-related course dahil iyon ang gusto ng parents ko kaya nang natapos ako sa kursong iyon ay nag-aral muli ako para matupad ang pangarap ko. Matagal nang nakatapos si Mark kaya tinutulungan niya ang daddy niya sa pamamahala sa kanilang business.

"So, what are your plans after you graduate?" Tanong ni tita Irene.

"I'll review po and will take the BAR exam. After that, I'll work in our company and I might establish my own firm soon po." Sagot ko. Tumango-tango naman si Tita Irene. Hindi pa naman sigurado kung masusunod ang plano ko. It might change in the future.

"That's why I like you, Janine. I want my son to marry a woman like you." Aniya. Ngumiti lamang ako sa kaniyang sinabi dahil hindi ko alam kung paano ako sasagot.

"Mommy naman." Sabi naman ni Mark sa tabi ko.

"Why? Of course, gusto ko lang naman ay ang makakabuti sa'yo, anak." Sabi naman ni Tita Irene.

"Ilang taon ka na, Mark. When will you get married?" Tanong ng mommy niya sa kaniya. Natigilan si Mark.

"Mommy, why are you suddenly talking about marriage? I'm not even dating someone" Sagot naman ni Mark.

"Aren't you dating Janine?" Tanong niya kaya pareho kaming napatigil sa pagkain ni Mark. Nagkatinginan kaming dalawa saglit.

"We're not dating, mom. Let's stop talking about this." Ani Mark.

"Irene, tama na. We're eating. You're making Janine feel uncomfortable. They are no yet ready to talk about that." Ani Tito Leonardo na kanina'y tahimik lang at nakikinig sa amin. Natigil ang usapan kanina.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon