CHAPTER 27

212 4 0
                                        

Chapter 27

"Good morning, love." He greeted. Nandoon siya sa may study table ko. I looked at him, mukhang kagigising niya lang din at hindi pa handa para pumasok sa opisina.

"Why are you still here? Hindi ba sabi mo kagabi maaga kang papasok?" I asked. Hindi ko alam kung anong oras na pero ang sabi niya kasi kagabi ay maaga siyang papasok sa opisina.

"Sabay tayong pupunta sa office." Simpleng sagot niya. Humiga naman ulit siya sa kama at niyakap ako. Simula noong naging kami ay lagi na siya dito sa bahay.

"Mark."

"Yes?"

"Wala ka bang balak umuwi sa inyo? Ilang beses ka pa lang umuuwi sa bahay niyo." It's not that I don't want him here, nagtataka lang ako, hindi ba siya hinahanap sa kanila?

"You know that my home is wherever you are." Aniya at niyakap pa ako nang mas mahigpit.

"And my parents are always busy, wala din lang naman akong kasama doon. I'd prefer to stay here kasi alam kong may naghihintay sa aking umuwi." I blushed on what he said. Alam na alam niya talaga kung paano ako pakiligin.

"I can't wait to marry you. I'm excited with the thought of you and our children waiting for me to come home." He kissed me after saying that.

"Hindi ka pa nga nagpo-propose, iyan na agad ang nasa isip mo." Sabi ko naman at tumawa.

"Ayaw kong madiliin ang lahat. I told you, we'll start right this time." He said.

I looked at him, "I know. Pero sigurado ka na ba sa akin?" I asked. I just want to hear his thoughts.

He gave me another kiss before he answered, "Of course. Hindi pa nga tayo noon, siguradong sigurado na akong ikaw ang papakasalan ko. How about you? Sigurado ka na ba sa akin?"

I stared at him. Hindi ko akalain na mahuhulog ako nang sobra sa lalaking ito. I liked him before when I was still in a relationship with another guy. Hindi ko inakala na mamahalin ko siya nang sobra ngayon.

I thought I'd never love again after what happened but I was wrong. He proved me wrong. I'm glad that he waited for me. And I hope that he'll be the last one. Sigurado na ako sa kaniya. I can't imagine life without him anymore.

"Why? Nagdadalawang isip ka ba?" Tanong niya nang hindi ako nakasagot agad.

I smiled and kissed him, "No. Siguradong sigurado na ako sa'yo." I answered.

"Bakit ang tagal mong sumagot?" He asked kaya tinawanan ko siya.

"I just thought of the things that I never imagine to happen. Mark... I love you so much." I replied and that made him smile.

I'm so happy with him. Sana ganito na lang kami palagi.

"Let's eat breakfast?" Tanong niya. Tumango ako at bumaba kami para kumain. Maaga pa naman pala kaya hindi namin kailangang magmadali.

"Good morning." Masayang bati ni mommy pagkababa namin ni Mark. We usually eat breakfast together pero pagdating ng dinner ay madalang na lang kami kumain ng magkakasama.

"Good morning mommy and daddy." I greeted back.

"Mark, hindi ka na ata umuuwi sa inyo." Sabi ni mommy kaya napatigil sa pagkain si Mark. Totoo naman, hindi na siya halos umuuwi sa kanila.

"Busy po lagi sina mommy kaya wala din naman po akong kasama doon. Atleast here, nandito si Janine." Sagot niya. Napangiti ako.

"Anyway, how's your parents, Mark?" Tanong naman ni Daddy.

If We Never Met [Alfaro Series #1]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon