Chapter 29
"Mommy!" Napangiti ako ang makita ko si Kenzo. Kakauwi ko lang galing sa mall, nag-grocery ako at bumili na din ako ng mga pasalubong para sa mga kaibigan ko sa Pilipinas.
"Hi, baby!" Masaya kong sabi at nilapitan ang anak ko para buhatin. Napaka-gwapong bata talaga ng anak ko, kamukhang-kamuha ang tatay.
"Mommy, Daddy said we're going back to the Philippines." Excited niyang sabi. Ngumiti ako sa kaniya. Matagal ng binabanggit ni Mark na uuwi kami sa Pilipinas. Mark will finally manage one of their business pagbalik namin kaya nagbabalak na talaga siyang umuwi na kami.
"Yes, baby. Are you excited?" I asked him. Nakangiti siyang tumango sa akin.
"Where's daddy?" Tanong ko. Tinuro naman ni Kenzo ang kitchen kaya pumunta kami doon. Naabutan kong nagluluto doon si Mark. Napangiti ako, ang cute niya kasi kapag nagluluto. Mas magaling na talaga siyang magluto sa akin dahil siya ang madalas magluto noong buntis pa lang ako.
"Mark..." I called him, napatingin naman siya sa amin. Lumapit siya at hinalikan ako at si Kenzo.
"Are you hungry, baby?" Tanong niya.
"Yes, daddy." Sagot naman ni Kenzo.
"Si mommy hindi mo tatanungin?" Tanong ko kay Mark kaya natawa siya.
"Mamaya ka sa akin, mommy." Aniya at kinindatan pa ako. Aba!
Bumalik naman siya sa niluluto niya at umupo naman kami ni Kenzo para panoorin siya habang nagluluto.
"Love, nasabi sa akin nina mommy na tapos na ang bahay natin. Gusto mo na bang lumipat agad doon pagbalik natin? Or should we stay in our condo muna?" He asked. Habang nandito kasi kami sa Florida ay napag-desisyunan naming magpatayo na ng bahay sa Pilipinas.
"Doon na tayo. Okay naman na, 'di ba?" Tumango siya. Excited na din akong umuwi sa Pilipinas, parang kasing dito na kami talaga nakatira sa tagal namin dito, eh.
"Excited na silang makita si Kenzo." Sabi pa niya. Hindi pa nila nami-meet si Kenzo sa personal dahil noong pumunta sila dito ay noong buntis pa lamang ako. At sa video call pa lang nila nakikita si Kenzo.
"I'm excited to go home, Mark." Sabi ko. Madami akong gustong gawin pagbalik namin sa Pilipinas. I want to start working too, hindi kasi ako pinayagan ni Mark na magtrabaho dito dahil ayon sa kaniya, alagaan ko na lang daw si Kenzo.
"Kailan tayo uuwi, love?" I asked, wala pa kasing final na sinasabi si Mark kung kailan pero nabanggit na niya sa amin na uuwi kami.
"Tomorrow." Simpleng sagot niya, nagulat naman ako. Shit? Seryoso ba siya?
"Seryoso?" Tanong ko, he looked at me and he nodded.
"We'll celebrate Christmas there." Aniya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Buti na lang at bumili na ako ng mga pasalubong." Buti na lang talaga at naisipan kong bumili kanina. Hindi ko naman ineexpect na bukas na pala kami uuwi. Akala ko ay next week pa gano'n.
He just shrugged, "Let's eat." Aniya. Naamoy ko naman agad ang niluto niya kaya nagutom ako lalo.
"Masarap?" Tanong niya.
I nodded, "Sabi ko sa'yo, love, sa bahay ka na lang para ipagluto mo kami ni Kenzo lagi." Sabi ko at tumawa pa.
"I will cook for breakfast and dinner, don't worry. Alam ko namang mas gusto ng anak natin ang luto ko. Right, baby? Daddy's better in cooking than mommy, right?" Tanong niya sa bata.
Masaya namang sumagot si Kenzo, "Yes, daddy."
Inasar ako lalo ni Mark dahil doon. I just glared at him at pinagpatuloy na ang pagkain. Bahala silang dalawa, magsama sila!
BINABASA MO ANG
If We Never Met [Alfaro Series #1]
Romance[Alfaro Series #1] Janine Adalee, a future lawyer who already planned the future with his long-time boyfriend, Ralphael Easton. Pero biglang nagbago ang lahat. Their relationship was unbreakable, not until the ex-girlfriend, Maria, and the childhood...