CHAPTER 11

193 6 0
                                        

Chapter 11

Nagising ako dahil sa pag-galaw ng aking kama. Minulat ko ang aking mata at ang una kong nakita ay ang nakangiting mukha ni Mark.

"Good morning." Masayang bati niya.

Ngumiti din ako, "Good morning. Ano'ng oras na?" Tanong ko sa kaniya. Tinignan naman niya ang cellphone ko na nasa gilid ng kama.

"7:00 am." Sagot niya. It's still early. Kadalasan ay alas otso na ako gumigising dahil wala pa naman akong pasok ngayon.

"Ang aga pa. Let me sleep for another 30 minutes." Sabi ko at nagkumot muli. It's cold here.

Tumawa siya sa ginawa ko at pilit na inagaw ang kumot. "No. Mamamasyal tayo. Bumangon ka na d'yan at maligo. Kakain tayo sa labas." Aniya at tumayo na. Umalis na siya sa aking kwarto. Hinei ko siya sinunod at nanatiling nakahiga. Ang sarap kaya matulog dito. Napaisip tuloy ako kung lilipat ako dito sa Baguio at dito na lang tumira.

I slept for I don't know how many minutes. Nagising na lang ako dahil kay Mark.

"I told you to wake up and take a bath. Bakit ka na naman natulog?" Tanong niya. Tumawa lang ako. He's back at nakaligo na siya.

"I also told you to let me sleep for another 30 minutes." Sabi ko naman. He smiled and he pinched my cheeks.

"Fine. Pero maligo ka na. Dali!" Aniya at pinagtulukan ako papunta sa banyo. Halos 30 minutes ata ako sa banyo bago natapos. Sinuot ko ang aking damit at lumabas na. I saw Mark sitting on my bed. Nandito pa din siya?

"Finally! Ang tagal mong maligo." Aniya.

"Hindi kaya. Ano? May na-plano ka na ba? Saan tayo mamamasyal?" Tanong ko habang nag-aayos.

"Yes. I already planned everything. So, hurry up."

Binilisan ko ang pag-aayos at nang matapos na ako ay bumaba na kami.

We went to eat our breakfast first. Sa pagkain namin ay patuloy kami sa kwentuhan.

"I really misses you." Napatingin ako kay Mark dahil sa sinabi niya

"Huh? Bakit bigla-bigla ka namang nagsasabi ng ganyan?" Tanong ko. We were talking about our goals in life a while ago tapos bigla siyang magbibitaw ng mga salitang 'yan.

"You know, sobrang tagal nating nagkahiwalay. I miss hanging out with you. Hindi ko magawa sa Florida ang mga ginagawa natin dito. Ibang-iba talaga dito, 'no?" Aniya. Totoo nga ang sinabi niyang matagal kaming hindi nagkasama, ilang taon din 'yon. Noon kasing mga bata kami ay halos araw-araw kaming magkasama at naglalaro. Our parents are friends since they were high school. They are really close kaya mag-kaibigan din kami ni Mark.

Napangiti ako, I suddenly remembered our childhood together.

"Hey, remember our promise to each other before?" Tanong niya.

"What promise? Madami tayong pinangako sa isa't isa." Natatawang sabi ko naman.

"The promise that we will marry each other when we grow up." Sagot niya. Natigilan ako saglit. Yeah, we made that promise. Pero bata pa kami noon. It's just nothing. Wala pa kaming kaalam-alam noon kaya nasabi namin iyon.

"Of course. How can I forget about that, Mark? We were so innocent back then." I said. He looked at me seriously.

"I gave you a ring, right? Nasa sa'yo pa din ba ang singsing?" Tanong niya. I tried to remember where I put the ring. Ang alam ko kasi ay tinago lahat ng mga binigay niya sa akin noon.

Tumango ako, "Yes, I still have the ring. Tinago ko iyon noon." Sagot ko. Napangiti siya dahil doon.

"Good." Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin."

If We Never Met [Alfaro Series #1]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon