July 18,2020
"Fuck you, Lhara!" galit na sigaw ng lalaki bago padabog at naluluhang umalis.
Huminga ako ng malalim at naka cross arms bago tiningnan ang mga kaibigan ko na kararating lang sa naabutang eksena.
"Ano?" mataray na tanong ko.
"What just happened to Dandrix?" tanong ni Antoinette, kaibigan ko.
"Guess." sabi ko.
"You dumped him?" tanong niya bago sinundan ng "Pffft as usual." at tumawa.
I don't just dump guys you know. Nilalait ko muna sila bago ko sila i dump to make sure na hindi na sila babalik sa buhay ko para mang gulo or mag try pang muli. I mean, para sakanila naman yon! Para makapag move on na rin sila ng maayos. Yun nga lang, an saket ko talaga ata mag salita kaya each and everyone of them is now on my haters list. But i don't care! Isa lang naman silang mga piece of shit na sa una lang magaling tapos kapag nag tagal na gagaguhin ka rin lang naman.
That's just my opinion.
"You don't have to be so mean to your suitors, Lhara." paalala ni Rosiel
I just rolled my eyes.
Good girl naman kasi ko talaga dati eh. Yung tipong masyadong maingat sa mga sinasalita o ginagalaw. Yung halos hindi nagkakamali, sobrang nice tapos bait. Halos hindi maka basag ng pingan. Tawag nga nila sakin Ms. butterfly kasi maganda and at the same time nakaka relax raw ako tingnan, parang butterfly! But nah, that was me a year ago. I'm more like a... sabihin na nating dragonita ngayon and it's all because of shitty men who've been part of my life.
~
July 20,2020"Lhara, mag ggym muna kami ha." ani Antoinette.
"O sige, wala naman akong ginagawa ngayon so hintayin ko nalang kayo sa waiting Area."
"Sure, by the way buti naman at ni reject mo si Dandrix. Balita ko kasi, pinusta niya yung kotse niya kung mapapasagot ka niya." sabi ni Antoinette.
I knew it, as expected gago naman talaga yang mga lalaking yan.
Anyway, naglakad na sila papunta sa gym habang ako naman ay naiwan sa waiting area. I checked my phone, browse instagram and sa kasamaang palad, I saw a picture of my ex. He's quite successful now. I just rolled my eyes and shut my phone.
Lalagay ko na sana sa bulsa ko yung cellphone nang bigla itong nag ring.
"Ano yun beb?" tanong ko kay Antoinette.
"Naiwan ko pala yung water bottle ko dyan beb sa katabi mo. Pwede paki kuha? Hehe sorry na! By the way may pogi dito beb! As in WHOOOOOOOOO." ani niya. As usual, marami naman kasi talagang pogi sa gym na pinupuntahan nila eh, kasi don nag ggym mga varsity sa iba't ibang school, tapos mga CEO ng mga ganito ganyang kumpanya. Di na nakaka gulat. Umay na nga e.
~
"Ayan." sabi ko kay Antoinette at iniabot sa kanya yung water bottle. Hindi niya man lang to pinansin dahil nag lalaway sya dun sa kabilang banda ng gym. Kaya dedma yung water bottle sa kamay ko. Nyeta basta talaga pogi nawawala sa mundo tong kaibigan ko na to eh. Batukan ko kaya sya gamit tong water bottle na to?
"BEB! May sobrang pogiii!! Papunta siya dito gagi!!!" kilig na sabi ni Antoinette at niyugyog ako.
"Miss" ani ng lalaki.
Pag lingon ko, nanlaki ang mga mata ko.
Sobrang pogi talaga, as in. Tapos hot, basta kung babae ka imaginin mo yung guy na sobrang alam mo yun?! Tipo mo as in?! Yung parang out of the world. Tapos pawisan pa. Tapos-
"Water bottle ko yan" malagom na sabi ng lalaki at itinuro ang water bottle sa kamay ko.
Biglang umurong ang hormones at kumunot ang noo ko when I figured that HE'S SOMEONE I KNOW.
![](https://img.wattpad.com/cover/215326270-288-k732763.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Stuck with THE BOSS
RomanceSi Lhara ay isang runaway daughter ng isang napakayaman na CEO dito sa Pilipinas. Isang araw, bigla nalang sumulpot ang napaka guwapong demonyo slash filthy rich na si Van Newton, ang right hand ng kanyang tatay na kanya ring EX boyfriend noong high...