August 24, 2020
My alarm rang ruining my deep sleep. It's definitely one of the best sleeps that I had for so long.
Van was still beside me. I was enveloped in his embrace, my face buried on his chest. I felt him move upon hearing my alarm clock. A part of me wanted to stay a little longer that way.
"Good morning" he said in a husky voice and checked my temperature. Who wouldn't fall for someone this caring?
"Mhm." I just said.
"May fever ka pa. Anyway, I gotta go to work. Mag rest ka lang dyan, papapuntahin ko rito si mama para alagaan ka." Sabi niya at tumayo na galing sa kama.
"Kaya ko naman-"
"No, stay." He said.
"Ano ako aso..."
"May lagnat ka na nga pilosopo ka pa rin tsk. Just rest okay? I gotta go." He said and kissed my forehead before leaving.
~
Di ako makabangon sa kama ko dahil sa lagnat. Nagpaalam na rin si Van na aalis na siya nang makarating na sa bahay sila Veronica (nanay niya).
Pinagluto niya ako ng breakfast, di ko alam kung paano mag rereact. Na aawkward ako. I mean, na mention ko naman na diba na sila ang dahilan kung bakit nasira yung pamilya namin.
"Kaya mo ba kumain? Gusto mo subuan kita?" Tanong niya.
"Ah, hindi na po kaya ko naman." Ani ko tapos nag simulang kumain.
Masarap ang luto niya, magkalasa sa mga luto ni Van kaya hindi rin naman nakakapanibago.
"Asan po si baby?" Tanong ko, breaking the ice.
"Nasa kapatid ko."
"Eh si papa?"
"May inaayos lang na papers. Alam mo naman yun' maraming lakad. Sobrang busy na tao." Ani niya.
Nang matapos na ko kumain, nanood ulit ako ng netflix. Nasa tabi ko lang si Veronica naka upo at nanonood rin. From time to time, chinecheck niya temperature ko. Sakanya ba ni Van na mana yung pagiging caring?
"By the way... Galit ka pa ba samin?" Tanong ni Veronica. Di ko alam kung pano sasagot. Eto talaga yung pinaka iniiwasan kong moment tho inexpect ko na to.
"Nevermind. Just rest." Ani niya tapos ngumiti habang inaayos yung kumot ko.
"I don't know. But, I can't hate you." Ani ko.
"Alam mo ba, napaka bait mong bata." Ani niya tapos hinimas yung buhok ko na parang nanay ko siya.
"I'm sorry about everything. I hope that you can forgive me and your dad for falling inlove with each other. And... please don't hate Van... He really loves you ever since you two started dating years ago. I know you two broke up dahil sa amin ng tatay mo but he didn't do anything wrong. He just loves you, till now."
~
August 26, 2020
I'm back at the office. Absent ako nung monday kaya kailangan ko mag overtime ugh 8 hrs rin yung nawala sakin HUHU.
"Don't overwork yourself, baka magkasakit ka nanaman." Ani Van.
He just loves you, till now.
Those words kept repeating in my head. Di ko alam kung papaniwalaan ko o ano. Hayst. Mas lalo lang ginulo yung utak ko eh. UGH. Basta, kahit ma fall pa ako dyan sa Van na yan, aalisin ko nalang yung feelings na yun. Mind over heart. Di ako papayag na pati ako angkinin niya tsk.
Anyway, the day just went on. Everything was the usual except that, medyo light lang ang work ko ngayon dahil naging considerate naman si Van sakin.
"Where are you going?" Tanong ni Van nang mapansin na papalabas ako sa opisina niya.
"Kukuha lang ng snacks." Ani ko.
"Ako nalang. Ano ba gusto mo?"
"No, I'm good. Malakas naman na ako kaya ko na nga kahit mag marathon pa ko eh." Sabi ko sakanya. I know that he's trying to be nice but he seems tired. Siguro dahil ilang araw rin siyang nakulangan sa tulog kaka bantay sakin.
"Sige, pasabay na rin ako ng coffee. Ask mo nalang si Mel na siya gumawa." Ani niya.
~
"Oy Lhara ba't ka nag absent?" Tanong ni Owen. Nag ssnack rin siya. Buti pa siya napaka chill lang.
"Nagkalagnat ako eh." Ani ko.
"Okay ka na ba?" Tanong niya.
"Oo, nga pala asan si sir mel?" Tanong ko sakanya.
"May ginagawa eh. Bakit ba?"
"Wala naman sige Owen una na ko ah." Ani ko.
Ako nalang nag timpla ng coffee para sakanya. He likes his coffee strong at hindi siya mahilig sa gatas at asukal. Kabaliktaran ko naman siya dahil ako gusto ko mga 1% coffee lang tapos 99% gatas.
Syempre inayos ko yung pag timpla. Gusto ko makabawi sakanya kahit papano.
Pumasok na ako sa office namin, magsasalita sana ako kaso naabutan ko siyang tulog sa upuan niya. Naawa tuloy ako, feel ko kasalanan ko nanaman.
Anyway ipinatong ko nalang yung kape sa lamesa niya. Sayang naman di niya maiinom, effort pa naman ako dito tsk.
Pagkalapag ko sa lamesa niya, nagulat nalang din ako bigla eh kasi pinagmasdan ko ang mukha niya. Tulog naman siya kaya di niya naman mapapansin. Mahaba na ang buhok niya, at mukhang di na rin siya nakakapag shave sa sobrang dami ba naman ng ginagawa niya pero, hindi naman siya madumi tingnan gwapo naman kasi talaga siya. Hinawi ko yung buhok niya para mas matanaw ko ang mukha niya. Gumalaw siya unti pero buti nalang at di siya nagising. Ang haba rin ng pilik mata niya tapos matangos ang ilong niya. Tapos yung lips niya defined na defined. Napalunok ako bigla.
"Hayst ba't ba ang init, lakasan ko nga aircon." Ani ko nang mapansin na natagalan pala ako kamamasid sa lalaking yan.
Nagulat nalang ako nang bigla niya ako hinawakan.
"G-gising ka?" Tanong ko.
"Sino bang hindi magigising sa tapang ng kape na yan?" Ani niya.
Napakunot naman ang noo ko. Nilalait niya ba yung kape ko? Tsk.
"Ayaw mo? Edi wag." Inis na sabi ko tapos kinuha nalang yung kape.
"Ikaw ba gumawa niyan? Galing dito si mel sa opisina ko kanina eh." Tanong niya.
"Oo."
"Dito mo lang yan sa table ko, iinomin ko yan. Thanks, hun." He smirked.
"Hun?!"
"Bakit? Asawa naman kita baka nakakalimutan mo na?" pangaasar niya.
"Babawi sana ako sayo sa pag alaga sakin nung mga nakaraang araw kaso nagbago na pala isip ko wag nalang." Inis na sabi ko. Aalis na sana ako kaso hindi niya binibitawan ang kamay ko.
"Sige hintayin ko yang pagbawi mo." Nakangiting sabi niya. Yung ngiting mala demonyo na parang may binabalak na masama. I felt shivers down my spine. Dapat pala di ko na sinabi yon.
BINABASA MO ANG
I'm Stuck with THE BOSS
RomanceSi Lhara ay isang runaway daughter ng isang napakayaman na CEO dito sa Pilipinas. Isang araw, bigla nalang sumulpot ang napaka guwapong demonyo slash filthy rich na si Van Newton, ang right hand ng kanyang tatay na kanya ring EX boyfriend noong high...