August 9,2020
It's monday and we're back at the office. Buti naman at okay na siya. I did the paper works as usual. I learned my lesson kaya chinecheck ko muna mga files bago ko ito pirmahan. Mamaya agreement to slavery na mapirmahan ko TSK.
I didn't join him for lunch today since may working lunch sila concerning the proposal that he submitted last saturday.
"Tara, kain tayo sa labas. Nakaka bagot dito sa office." Aya ni Owen.
"Sige tara asan si Dustin?" Tanong ko sakanya.
"Di pa tapos ang duty niya. San mo gusto? Jollibee, Mcdo, Cafe or ikaw bahala."
"Wow kung makapag aya kala mo libre mo ah."
"Libre ko na kawawa ka naman eh parang ikaw ang pinaka maraming ginagawa sa sating mga nag OOJT dito. Ayaw ba sayo ng boss mo? O baka naman... type ka nun kaya maraming pinapagawa?" Sabi niya. Muntik pa tumalsik laway ko sa pag tawa.
"Nakaka badtrip nga eh. Pakiramdam ko hate niya ko. Tsk. Tara sa cafe nalang." Aya ko sakanya.
Dumiretso kami sa pinaka malapit na cafe at nag order ng lunch.
"Masarap pala dito. Dito nalang rin tayo kain sa wednesday. Libre mo naman." Biro ni Owen.
"Oo naman ayoko pa naman sa lahat may utang na loob. Hahahaha." Sabi ko sakanya.
Maya maya, biglang bumukas ang pinto na malapit. Parang private room iyon. Iniluwa nito ang mga taong nag wowork sa kumpanya na pinag OOJT-han namin. Halata naman kasi sa uniform at ID nila.
"Ma'am!" Tawag ni Owen sa babaeng matanda. Ka department niya ata kaya naman napalingon din saamin yung iba dahil syempre di naman siya nag banggit ng pangalan.
Kasali sa mga lumingon si Van. PFFFFTTTT. Ma'am ka gurl? Natatawa tuloy ako. Di ko nalang siya pinansin. Kumain nalang kami ni Owen.
~
"Late ka" sabi ni Van pag pasok ko sa office.
"Ngayon lang naman. Ano to?!" Gulat na tanong ko sakanya.
"Paperworks." Simpleng sabi niya.
"Ba't dumagdag?!"
"Ganon talaga dito. Tsk. Mabait pa ko sayo eh striktohan kaya kita." Sabi niya tapos bumalik na sa pag ttype niya sa laptop.
Padabog naman akong naupo. Mag sosorry na sana ako tungkol dun sa laptop niya kaso nag bago isip ko. TSK.
~
Nang makauwi na kami sa bahay. Nag muni muni ako. Mag isa lang kasi ako eh since mayroon raw siyang dinner with some businessman.Ngayon kasal na kami, pano na ang life ko? Kailan kami pwede mag divorce? Sa papel lang naman yun diba? Pano kung ma meet ko na si the one tapos malaman niyang kinasal pala ako. Aghhhhh! Feel ko tuloy kinukuha na ng lahat sakin ng Van na yan! Pati ba naman pangalan ko?!
Hayst pero seryoso kasal kami. Di ako makapaniwala. kaaway parin naman kasi tingin ko sakanya. I still hate him. Pero ano ba naman kasi ineexpect ko? For sure ginawa niya lang naman iyon para maging parte siya ng Quings at para ilayo ako sa kapahamakan. Sabagay, yung nanay niya nga eh pumayag maging kabit. Parehas sila opportunista. Ugh! Ba't kasi napaka gago ng tatay ko?! Ako tuloy nahihirapan sa sitwasyon TSK.
*Dingdong*
Tumungo na ako sa pinto para pag buksan si Van. Nakakunot na kaagad ang noo ko. Pero hindi siya yung bumungad sakin. Nagulat ata yung lalaki kaya napa atras siya ng konti.
"Delivery po." Sabi ng lalaki.
"Ahhh para kanino ba yan?" Tanong ko sa lalaki.
"Kay Mr. Newton po."
"Ah okay."
"Ano po ba relasyon niyo kay Mr. Newton?" Tanong ng lalaki. Napakunot naman ang noo ko.
"Bakit ba?" Iritadong sabi ko.
"C-confidential po kasi yung laman ng delivery." Na utal na sabi ng lalaki.
"She's my wife. Pasok ko lang to sa loob Lhara, please sign the deliveries for me." Sabi ni Van bago pumasok bitbit ang mga plastic ng pagkain.
She's ny wife
Wtf?
"Ma'am pa sign na po." Sabi ng delivery man.
Kinuha ko na ang delivery sakanya after mag sign at pinatong sa lamesa ang deliveries. Ano naman kaya ito?
"Hindi mo ko wife." Inis na sabi ko sakanya.
"Eh ano pala?"
"I'm your enemy."
"I don't see you that way tho. Why don't you open the delivery?" Sabi niya.
Curious din ako kung ano yung laman ng delivery kaya binuksan ko naman ito.
"See?" Sabi niya habang nasa likod ko, nakikibasa ng mga papel na hawak ko.
It's our legal papers and proof of marriage and stuff. My jaw dropped.
"Mrs Newton." Sabi niya habang tinuturo yung pangalan ko.
Tumayo naman ako kaagad sa inis. I faced him.
"Papers lang naman yan. I'll still look for a boyfriend!" Sabi ko bago padabog na umakyat sa kwarto.
BINABASA MO ANG
I'm Stuck with THE BOSS
RomanceSi Lhara ay isang runaway daughter ng isang napakayaman na CEO dito sa Pilipinas. Isang araw, bigla nalang sumulpot ang napaka guwapong demonyo slash filthy rich na si Van Newton, ang right hand ng kanyang tatay na kanya ring EX boyfriend noong high...