Sept 8,2020
Van: Kumain ka na, if you need anything you can ask my mom.
He doesn't use facebook but last night, he decided to open it for me. It's been a week. And I admit that I miss him Nag sstay ako ngayon sa mansion nila papa. Alam niya namang di ko gusto na mag stay dito. Pero pinilit niya ako dahil baka raw kung mapano ako.
Ako: K. simpleng reply ko.
Van: Ang iksi naman ng reply mo. Yun lang?
Ako: Ano ba gusto mo i reply ko?
Ang corni niya pala kausap sa social media.
Van: Yung mas mahaba, tapos may emoji.
Ako: Nakakabaliw ka.
Nagulat nalang ako nang bigla niya ako tawagan sa video call. Tumatawag naman siya sa video call nung mga nakaraan pero hindi sa gantong oras. 4:30pm palang kasi at kakauwi ko lang.
"Ano nanaman?" iritadong sabi ko.
"Wala na miss lang kita. Nakauwi ka na ba?" tanong niya.
"Oo."
"Ba't antipid ng sagot mo? Nakahanap ka na ba ng iba?" tanong niya.
"Ano ba nangyayare sayo? para kang hayskul!" ani ko. Pero hindi ko naman maitatangi na gusto ko naman ang mga naririnig ko sakanya.
I'm almost forgetting that this entire thing is just a promise. A contract between him and my dad. This marriage is set up. I don't even have the slightest idea if he's really into me. Or baka ng dahil lang sa kasal kaya siya ganyan kasi feel niya responsibilidad niya na mahalin ako. Ewan ko ba. I don't know if he's just a good actor or what.
"I'm just worried. Anyway andito ako sa shanghai. May gusto ka bang ipabili?" tanong niya.
"Wala."
"Eto gusto mo ba to?" tanong niya at ipinakita ang isang bag.
"Hindi ako mahilig sa bag." ani ko.
"Oo nga pala hindi ka materialistic. I'll just buy a bunch of treats then." sabi niya at ibinaba ang bag.
"Anyway, kamusta naman so far ang pag hahandle ng kumpanya?" tanong niya.
I face palmed.
Because of this entire thing, nalaman na nila Owen na sarili namin tong kumpanya na to. I begged him to keep it a promise. Of course, it's not for free. He asked for a favor.
"What's the matter?" tanong niya nang mapansin ang pag face palm ko.
"Wala. Stress lang." sabi ko.
"Andon naman si Mel ah, he told me wala ka naman masyadong ginagawa." ani niya.
"Kapal! Halos ako nga sumasalo ng mga trabaho mo dun eh!" inis na sabi ko.
"Just kidding. Good job by the way. Pero next time wag ka basta basta mag tatapon ng mga bond papers dyan. Yan tuloy napa over time ka ng isang araw kasi naitapon mo yung isa sa mga liquidations."
"Ayoko naaaa." Naiiyak kong sabi.
"Masanay ka na. You're my wife you'll be handling that company after you graduate."
"Anong ako?! Eh trabaho mo to!"
"Well... tayo."
"Tsaka as if naman asawa mo parin ako few years from now." sabi ko. Then i realized that I said it without thinking.
"Bakit makikipag break ka ba?"
"May tayo ba?I rolled my eyes.
"Obvious ba, asawa kita." he said.
"Sa papers." i backfired.
"Hun." he teased.
"Shut up." iritadong sabi ko. He laughed from the other side of the line.
"Anyway, pupunta diyan si Violet. May i hahand in siya sayong proposal and she will talk about a bunch of things. Make sure to take note of it." ani niya.
I don't know why but medyo naging matabang ang mood ko nang marinig ko ang pangalan ni Violet.
~
Sept 9(wednesday)
I walked in the company still pretending na nag OOJT lang ako. Thank God naman at si Mel at si Owen palang ng nakaka alam. Tho as usual mayroong mga rumors na nag cicirculate sa kumpanya na nilalandi ko raw ang right hand ng CEO dito. Mas okay na yon kaysa isipin nilang samin tong kumpanya. Besides sa tatay ko naman yung may ari at anak lang naman ako non eh.
Also, kinausap at binayaran na rin naman ni Van ang mga nakaka alam tungkol sakin. Yung mga lumaang employees nasa lima lang naman siguro iyon.For safety purposes. Mahirap na. Ba't ba kasi nag iinvolve pa yung tatay ko na yon' sa illegal na mga ka shittan.
So far, wala naman ibang pumupunta dito sa office except si Mel.Di kasi basta basta nakakapasok ng mga empleyado dito sa office ni Van kasi napaka istrikto nong boss na yon. That's probably one of the reasons why he made it this far, kasi lahat takot sakanya.
"Ma'am, andito na po si Madaam Violet." ani Mel. Ni hindi ko napansin na kumatok siya sa lalim ng iniisip ko.
"Good evening po." Ani ko at tumayo sa upuan ko na siyang usual na inuupuan ni Van.
Pagkapasok ni Violet, umalis na si Mel.
She didn't even greet me. Marunong ba siya mag good morning, good evening, thank you and the likes? Kasi the last time na binigyan ko siya ng juice don sa event hindi man lang siya ang thank you e.
"These are the files." ani niya at inilapag sa mesa ko ng files. She sat in front of me.
"Thanks, uh... anything else? May sasabihin ka raw sabi ni Van eh." sabi ko at kinuha yung notebook sa gilid. Sabi ni Van i take note ko raw e.
"I heard he's in China." mataray na sabi niya. Ibang iba siya pag si Van ang kausap niya. Nakangiti lagi. Pero pag ako kala mo binagsakan na siya ng mundo.
"Yes." sabi ko. Di ko alam sasabihin eh.
"We dated each other back in college." she said.
I didn't know that. Ba't parang bigla sumikip yung dibdib ko?
"Ah... ganon ba how was it?" tanong ko sakanya.
"Very nice until... i figured everything out. He did it para mag invest kami sa company niyo. I'm not here to compete with you. Just here to warn you that he's that kind of person." ani niya. I felt fear. Fear and confirmation sa lahat ng mga doubts ko. I think he's just a really good actor. Pero bakit parang totoo?
"He'll leave you soon after niya makuha ang kumpanya. I know it. Napaikot niya ako ng anim na buwan. I'm smart pero nagawa niya iyon. He'll surely come to me again after some time because of the file that I handed you. Malaking proposal at pera yan. So be ready. My brother Red likes you, he's still open about marrying you so... you can call me or him anytime. You should do it before you end up with nothing." ani Red.
"Thanks Violet..." nanghihina kong sabi.
"And... I love him so I will gladly accept him." She said, looking straight into my eyes as if it's a warning. My eyes widened. She loves Van?!
"I-is that so..." ani ko sa kanya, trying to sound unaffected.
"I know your marriage with him is pure business, Lhara. That's why I haven't given up on him yet."she said.
"I'm not competing with you.... Violet." Walang hana kong sabi.
"That's good then, please support me Lhara. Anyway, I got to go. Red will be here in a few days for another file. Alam naman na ni Van yan. I don't personally hand files to your company but sakto may business trip ako dito sa area niyo and I wanted to tell you something." ani Violet.
I just nodded. Ni hindi ko na naisip na magpaalam sa kanya ng maayos sa sobrang gulo ng isip ko.
BINABASA MO ANG
I'm Stuck with THE BOSS
RomanceSi Lhara ay isang runaway daughter ng isang napakayaman na CEO dito sa Pilipinas. Isang araw, bigla nalang sumulpot ang napaka guwapong demonyo slash filthy rich na si Van Newton, ang right hand ng kanyang tatay na kanya ring EX boyfriend noong high...