Chapter 11

141 6 0
                                    

"Lily kakain na!"

Hindi ko pinansin si Manang Ceziel, nagtalukbong ako ng kumot at pumikit ng mariin Saturday itong araw lang na ito ang pagkakataon kong magpahinga dahil may klase kami kahapon.

Naka tulog ako ulit, nung magising ako ay alas onse na, mukang hinayaan talaga nila akong magpahinga ahh.. bumangon na ako..

Kung hindi lang ako gutom hindi ako bababa.

I'm rubbing my eyes as I enter the kitchen, nahinto lang ako ng makita kung sino ang nasa kusina it's been three days nung huli kong nakita si Denver.

Napatingin silang tatlo ni Aiza at Manang sa akin ng pumasok ako.

"Lily kanina pa naghihintay si Denver sa iyo, may usapan pala kayo tapos ang bagal bagal mong kumilos"

Kumunot agad ang noo ko sa sinabi ni Manang, pinagmamasdan ako ni Denver samantalang iniiwasan ko namang tumingin sa kanya.

"Wala kaming usapan" malamig na sagot ko

Naglakad na ako papunta sa sink.

"Sabi ko na nakalimutan niya ehh, dapat hinayaan mo nalang ako na gisingin siya kanina"

Narinig kong bulong ni Aiza, hindi ko sila tinignan habang naghahanap ako ng kape.. Err.. mag ju-juice nalang ako. Wala ako sa mood na magtagal dito sa kusina. Pagharap ko para sana pumunta sa may ref ay nakaharang na si Denver sa likuran ko.

"What the hell! Umalis ka nga diyan"

Tinulak ko siya paalis sa daan ko buti nalang tumabi siya kundi sa mukha niya mababasag itong basong dala ko, padabog kong binuksan ang ref.

"Sinabi ko sa Papa mo na may lakad tayo ngayon"

Hindi ako makapaniwalang ganito kalakas ang loob ng lalaking ito para harap-harapang magsinungaling kay Papa, parte ba ito ng Denver na sinasabi niyang nagloloko noon? Ganito ba siya?

Umiwas ako sa kanya ng matapos kong lagyan ng juice ang baso ko, naglakad na ako papunta sa pintuan.

"Nasa hapag na ang agahan mo Lily, kumain ka na.. may lakad pala kayo ngayon eh" sabi ni Manang

"Wala akong lakad" irap ko bago lumabas.


"Lilian.. tungkol sa nangyari nung isang--"

Nilapag ko sa lamesa ang basong dala katabi ng mga pinggan na may takip bago ko hinarap si Denver, nanliliit ang mga mata ko habang tinitigan ang kanyang mga mata na kumikislap sa kung anong emosyon.

"Wala akong pakialam sa nangyari nung isang araw Denver, at yung nangyari nung isang gabi wala rin akong pakialam dun.. lasing ka kaya matatanggap ko ang katangahan mo at nabigla ako.. done! We should forget about it"

Of course it was nothing, just like spending the whole night thinking about it is nothing. 

Tatalikud na sana ako ng hawakan niya ang siko ko at hinila ako paharap sa kanya, umigwas agad ang aking kamay para sampalin siya ngunit mabilis niya itong nahuli sa kanyang kabilang kamay.

Shit inaasahan talaga niyang sasampalin ko siya.

"Kababata ko si Caren.. matalik kong kaibigan, katulad ng pagiging magkaibigan niyo ni Odette"

Parang batang paliwanag niya sa akin, nagtagis ang bagang ko, pero kahit anong sabi ko sa sarili kong wala akong pakialam ay nararamdaman kong nawawala ang nakakainis na nakadagan sa dibdib ko simula palang nung magyakap sila sa harapan ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito dahil lang sa sinabi niya.

"..yung nangyari nung isang gabi.. Lilian, alam mong hindi yun madaling kalimutan"

Vicious LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon