Chapter 17

143 6 0
                                    

Isabella Arabella left but I return, Lily Arabella I got my father's face but Isabella's attitude, my first year in this place made me realize that if you put yourself in an impossible position with no other option but through it then you can either win or lose.

I think I win.

I've been here for almost six years now, now that I think about it masyadong maikli ang panahong yun pero pakiramdam ko buong buhay ko nandito na ako at ang tumira sa malaking syudad ay isang panaginip lang.

Sinusubukan akong tawagan noon ng Bella dahil gusto nilang surprisahin si Lolo Alfredo, they think that the only thing holding him to this world is me.. and they're right after my two months in here Lolo died in his sleep peacefully.

Yung huling mga araw niya.. 

I can't forget it, he was calling me Isabella.

Lola Isadora keep on thanking me for coming home at hindi ko alam nun kung matutuwa o malulungkot, I only known Lolo for few months and all he shown me is kindness. Kahit pa ngayon na naririnig ko sa mga tao kung gaano ka strikto si Alfredo Arabella noong kabataan nito pero hindi ko hinayaan na madungisan ang imahe ni Lolo sa pananaw ko.

They knew him that way and I met him another way.

Maybe his not perfect for them or for my Mother pero iba ang pagkakakilala ko sa kanya and I want to kept it that way.

While Lola Isadora spend her life visiting friends after Lolo died, I think she spent her remaining life in a way she wanted it.. kahit pa halos hindi na siya makakita ay pinupuntahan pa rin niya ang mga taong naging bahagi ng buhay niya.

Lola died three years ago.

Ang bilis ng panahon..

Ipinarada ko ang Ford Raptor ko sa harap ng bahay nila Lucia, magsisimula na kami sa pagtatanim ng hybrid corn sa harap ng bahay ay nagtipon tipon na ang mga tauhan.

Hays..

Hindi pa sumisikat ang araw at nakikit ko na si Alice na tinutulak si Roger, obviously nag-aaway na naman ang magkasintahan.

"Ang tagal mo"

Inis na salubong ni August sa akin, katulad ko ay handa na rin siyang mananim. Hindi katulad ng ibang may-ari ng lupa ay sumasama kami sa mga gawain.

Kinuha niya ang mga karga kong fertilizer sa likod ng pick-up. Lumapit na ako kay Roger na nagkakamot ng batok.

"Ano na naman to?"

"Yang sira-ulong yan, nakikipag text na naman sa Dea'ng yun!"

Sigaw ni Alice kahit pa hindi naman siya ang tinatanong ko, umiling lang si Roger at nilampasan ako. Ilang ulit ko bang aayusin ang relasyon ng babaeng to sa isang taon?

"Alice.."

"Oh wag mo akong ma Alice Alice Lily, kakampihan mo na naman yun! Magsama nga kayong dalawa letsi"

At iniwan nila akong dalawa, umiling nalang ako.

"Wag mo na ngang pansinin ang dalawang yun magkakabati rin sila"

Ivan said, bumuntong hininga ako at sumabay na dito papunta sa likod kung saan naghihintay ang binhi na itatanim namin ngayon.

"Mamumula na naman ang mga kamay natin ngayon"

Ngisi ulit ni Ivan, wala sa sariling napatingin ako sa mga palad ko.. makapal na rin ang kalyo nito, ipinilig ko ang ulo bago pa man ako magsimulang isipin ang nakaraan.

Magkatabi ang linya na inakupa namin ni Ivan at kapag siya ang kasama ko nakakalimutan ko ang mga alalahanin hindi dahil gwapo siya kundi dahil sobrang daldal ng lalaking ito daig pa si Rose kung makapag kwento ng mga bagay bagay. Majority of the time I just wanted to break his neck.

Vicious LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon