Chapter 22

152 7 0
                                    

Pinilit kong alalahanin kung may nasabi ba si Papa tungkol sa naka relasyon ni Denver, siguradong nabanggit ni Papa kung meron man, pero sumasakit nalang ang ulo ko hindi ko maalala kung nagkaroon ba ng girlfriend ang lalaking ito.

His doing it again, invading my mind and then after he successfully mind fuck me his going to invade my system until his part of it.

Nakakairita.

Limang pares ng damit at dalawang dress ang binili niya nung inabot ko ang aking card ay umiling lang siya ng hindi yun tinitignan at inabot ang kanyang black and shiny card.

Ayaw ko na siyang kausapin kaya hindi na ako umangal. Lalo lang akong natatalo kapag nakikipag away ako sa kanya, pinanatili ko ang distansya naming dalawa habang naglalakad pumayag akong sumama sa kanya nung sinabi niyang mag go-groceries siya.

Pinipigilan ko rin na tumingin sa mga babaeng nakakasalubong niya dahil yun ang nagiging dahilan kung bakit tumataas ang BP ko.

He kept on asking me kung anong gusto kong brand or do I like eating this and that, I roll my eyes several times at him dahil obviously kinakain ko lahat ng niluluto niya.

Nasa counter na kami ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa aking bulsa, kumunot ang noo ko ng makitang si Roger ang tumatawag agad ko iyong sinagot

"Hello, Roger may problema ba?"

I saw Denver glance my way kaya humakbang ako palayo sa kanya, I can almost predict kung bakit tumatawag itong taong to, isang dahilan lang naman kung bakit siya tumatawag sa akin ehh.. nag-away sila ni Alice.

"Lily, na istorbo ba kita, narinig ko yung tungkol sa Papa mo"

Nagkamot ako ng noo.. alam na yata ng lahat ng taga doon ang nangyari kay Papa.

"Ayos na siya Roger, nagpapahinga nalang.. pero hindi pa ako makakabalik kasi sisiguraduhin ko pa na maayos siya"

Naririnig ko ang sunod sunod na paghinga ni Roger, kumunot ang noo ko.. I think he's nervous about something.

"Anong problema? Si Alice ba--"

"Yayayain ko na siyang magpakasal Lily"

Ilang sandali akong natigilan hanggang sa ma process ng isip ko ang narinig yayayain na niyang magpakasal si Alice? natutop ko ang aking bibig.

"Lily? Sa tingin mo magandang ideya yun?"

Pinakawalan ko ang hestirikal na tawa ko, I can't believe this.. I can almost imagine Alice hearing those words.. and thinking about Odette and how happy she is.. I want that for Alice.

"My God Roger, yan ang pinakamagandang ideya na narinig ko mula sa iyo"

Narinig ko ang pagpapakawala nito ng hininga at ang mahinang tawa, I think nakahinga siya ng maluwag ng marinig ang sinabi ko, pinahid ko ang namumuong luha sa gilid ng aking mga mata.

"Thanks Lily, malaking bagay na sumasang-ayon ka sa akin.. sa tingin mo sapat na ang nararamdaman niya para pakasalan ako?" pagdadalawang isip nito.

Roger is always like that so doubtful, natawa ako dahil wala siyang ideya kung gaano kalaki ang pagbabago ni Alice simula ng magkakilala sila.

"Yes I can imagine her saying yes too Roger, maybe you should be the one thinking about it more.. kilala mo si Alice.. she's a bit.. hard to spell"

This time sabay na kaming dalawang tumawa, we both remember having Alice around.

"Actually, ikaw ang nagbigay sa akin ng ideyang ito Lily, nung sinabi mong hiwalayan ko siya at na realize ko na mas gusto ko pang harapin ang mga paulit-ulit na pag-aaway namin kumpara sa hiwalayan siya.. sobrang mahal ko na pala ang babaeng yun"

Vicious LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon