Chapter 9

142 8 0
                                    

Umismid ako habang pinagmamasdan si Denver na nagluluto ng hapunan, tinutulungan niya si Aiza habang nag kukwentohan sila.

E'di siya na ang magaling magluto..

Hmm..

Speaking of, hindi ko pa rin nakakalimutan ang cake na binigay niya sa akin, ganun ba kasarap ang mga cake sa kanila? Maybe I should really visit that shop again..Odette said Carol is studying in one of the Community College near that place.. kung nag papart time siya sa shop nung High School palang kami.. siguradong nandoon pa rin siya.

"Anong oras matatapos ang klase mo bukas?"

Nag-angat ako ng tingin kay Denver, mukang tapos na sila sa ginagawa nagpupunas na siya ng kamay samantalang nililinis naman ni Aiza ang mga ginamit nila, naka upo naman ako sa High chair kaharap ang dalawa.

"Hmm.. three"

Wala sa sariling sagot ko, pinaglalaruan ko ang cellphone ko habang nakatitig sa kawalan.. ano kayang feeling na mag trabaho?

Kahit part time lang?

"Alas tres din matatapos ang klase ko bukas, hintayin mo nalang ako kapag una kayong natapos"

Kumunot ang noo ko at tinitigan si Denver, tinaasan naman niya ako ng kilay.. pinilig ko ang aking ulo tsk kung saan saan napupunta ang iniisip ko. 

"Anong hintayin? Saan ka ba nag-aaral?"

"Hah, ito talagang si Lily, Schoolmate kayo nitong si Denver hindi mo alam? Buti pa pala ako"

Sinulyapan ko si Aiza na umiiling pa habang nagpupunas.. alam niyang schoolmate kami? At ngayon ko lang napansin masyado na silang malapit sa isa't-isa.. ni hindi na nga tinatawag ni Aiza na Sir si Denver.

Nang binalik ko ang tingin kay Denver ay nakataas ang gilid ng labi habang pinagmamasdan ako, umirap ako at pinagpatuloy ang ginagawa sa cellphone.

Kumuha ng mga pinggan si Denver at naglakad na papunta sa labas, tumayo na rin ako at sinundan siya..

"Diba dapat graduate ka na?"

I asked him while his arranging the plate, umupo ako sa pwesto ko habang nakatingala sa kanya.

"Oo.. nag loko ehh"

Lihim na tumaas ang kilay ko, yung achievement sa files niya puro yun nung High School pa siya, ibig sabihin.. nag loko siya nung nasa college na siya.

"What happen?"

"Wala"

Yung inaayos niyang pinggan ay hinila ko paalis sa kanyang harap, natigil siya at tinignan ako.

"Ano ngang nangyari?" inis na tanong ko.

Manghang nakatingin siya sa matalim kong mata hanggang sumilay ang kakaibang ngiti nito.. uminit ang mukha ko at binitiwan na ang pinggan.

"Hindi ka rin mapilit ah" tawa niya.

"Sasagutin mo ba o--"

"O? Babalatan mo ako ng buhay? Susuntukin mo ang kabilang panga ko.. ano pa ba?"

Nag-asta siyang nag-iisip, kinagat ko ang aking labi para pigilang ngumiti.. but I failed when he make face which made me laugh.

I grab the plate in front of me

"Babatuhin kita ng pinggan" I warn still smiling.

But his not making face anymore, he's just staring at me with unreadable expression that made me blush..

"Ito, hapunan na!" Aiza announce with the food in her hand.



Vicious LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon