Chapter 27

164 8 0
                                    

Gumaganda ang laban ng kaso namin, yun ang sinabi ni Denver after two days ng interview ng mga police sa akin sinabi niyang lahat ng sinabi ko ay tugma sa mga pinagtanungan nila.

Pati si Kevin ay masyado yatang natakot sa kakayahan kong bumaril kaya hindi na nagtangkang magsinungaling at sumunod sa kung ano mang sinasabi ng boss niya.

He said inutusan lang siya ni Mr. Dela Vega pero kahit pa umamin na siya ay makukulong pa rin siya ng mahabang panahon.

"Susunod ako right after mabisita ko ang site"

Denver murmured to my ears before leaving me in front of Greg and other security, uuwi na si Papa ngayon at ihahatid namin siya. 

"Tsk"

Napatingin ako kay Greg na umiiling sa gilid, nakangisi siya habang nakatingin sa daan na tinahak ni Denver at ng makitang nakatingin ako sa kanya ay lumaki ang ngisi niya.

"Kaya pala walang sineryosong babae yun ehh, may hinihintay palang bumalik"

My eyes widen at that, he smirk at my reaction.

"Tanga lang ang hindi makakahalata--"

"What do you mean babae? Marami siyang babae?"

Napaawang ang labi ni Greg at unang pagkakataon ko siyang nakitang hindi sigurado sa sarili, tumingin siya sa dalawang guard na parehong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Ilang babae ang sinasabi mo Greg!?"

Humakbang ako papunta sa kanya handa na siyang sikmuraan kapag nag-iwas siya ulit ng tingin.

"Babae? Wala akong sinabing babae-- Magandang araw Sir"

Napabaling agad ako sa pinto, hindi ko man lang namalayan na bumukas ang pinto at nakangiti si Papa habang tinutulak ni Hailey ang wheelchair nito, pinaningkitan ko ng mata si Greg bago sinalubong sina Papa.

Hindi pa man kami in talking term ni Hailey pero hindi ko na iniinda ang presensya niya sa paligid, minsan pinapansin ko ang mga sinasabi niya at kung nasa mood ako sinasagot ko rin siya.

Mukang nasasanay na rin siya sa presensya ko, nakakagalaw na siya habang nasa paligid ako hindi katulad nung una naming pagsasama sa iisang silid halos gagalaw lang siya kapag nasa dulo ako ng silid.

Well, it's an improvement.

"Hindi na ako makapaghintay na maka uwi"

Ngiti ni Papa, pilit rin akong ngumiti.



INAASAHAN ko na ang pagbabago ng bahay kapag bumalik na ako, yung garden namin mapupuno na iyon ng mga bulaklak na hindi ko alam kung ano, yung pinto magkakaroon ng mga naka sabit na masyadong corny, yung couch, sofa and table will be different, the paint, curtain and furniture will be at Hailey's taste.

And then the pictures, my pictures and my Mother will be upstairs with other old things..

But I didn't expect this..

The same house.. the same people..

"WELCOME HOME, ATTORNEY AT LILY"

Manang Ceziel and Aiza with her family greet as when we enter the door, napasinghab ako ng makitang ito pa rin ang bahay na iniwan ko noon.. hindi nagalaw ang malaking larawan ni Papa at Mama nung kinasal sila sa pader.. my picture since I was a baby is still in their places, as if I never left.

"Lily!"

Bago pa ako makaiwas ay kinulong na ako sa yakap ni Manang Ceziel at sumama na rin si Aiza, alam kong pinagmamasdan ako ni Papa ngayon..

Vicious LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon