Chapter 21

161 7 0
                                    

"Ligtas na ba na bumalik ako sa trabaho, Denver?"

Inaayos ko ang kumot ni Papa, umalis na si Senator at lumabas si Odette para makausap ang asawa naririnig ko ang pag-uusap nila sa may sofa.

"Isama mo palagi ang bodyguard mo at siguradohin mong nasa mataong lugar ka lang lagi Layla" Denver answer.

Umupo ako ulit sa upuan na nasa tabi ng kama, maayos na naman tignan si Papa at ilang besis na rin na pinalitan ang kanyang bandage walang naging problema.

Sabi ni Sam, pwede na siyang lumabas after masigurong maayos ang kanyang paghinga sa loob ng dalawang araw.

Hinilot ko ang aking noo, kailangan kong manatili dito ng ganun katagal, sinabi ni Tita kanina na sila na ang bahala sa lupa at ayos lang na manatili muna ako dito.

Ang problema ko nalang ay ang damit ko, may pera ako pero hindi ko alam kung papayagan ba ako ni Denver na umalis kahit pa sa mall lang ako pupunta..

Well pwede ko sigurong sabihin na isasama ko nalang ang isang guard.

"..minsan pakiramdam ko may nakatingin sa akin"

"Mahusay ang mga tao ni Greg Layla, kapag kasama mo sila hindi ka dapat mabahala"

Nilabas ko ang aking cellphone, may botique naman siguro malapit sa building na tinitirhan ni Denver.. napatingin ako kay Greg ng naglabag siya ng slice apple sa table na nasa gilid.

"Thanks" I smile a bit and continue surfing.

Marami naman palang shop dun, pwede akong pumunta dun ng mag-isa, mula sa pagtingin ng mga shop ay na padpad ako sa mga club na nasa paligid rin ng lugar.. nagpupunta kaya si Denver sa mga ito?

Siguradong kailangan marunong siyang makipag sosyalan sa ibang tao, naabos ko ang nilagay na prutas ni Greg sa gilid ko habang naka tingin sa screen ng aking cellphone.

"Gusto mo pa?"

Kumunot ang noo ko at nagdududang tinignan si Greg, hindi kami close kaya bakit niya ako pinagsisilbihan? Naka poker face siya ng kinuha niya ang pinggan.. pero may kung anong kislap ang kanyang mata ng magtama ang tingin namin.

"Are you trying to poison me?"

Hindi siya sumagot at naglakad na papunta sa table kung saan naroon ang mga pagkain, sinundan ko siya ng tingin last time we talk we didn't even agree on anything and now his acting like we knew each other..

"Lilian, let'g go gabi na"

Malamig na tawag ni Denver sa akin, tumayo na siya umismid ako at nilingon ulit si Papa.. yumuko ako upang halikan siya.

"I'll be back"

Hinayaan ko si Denver na magpaalam sa kanilang lahat nung lumabas kami ay sumunod si Greg at pasimple nila akong iniwan dahil may pag-uusapan daw sila.

Pareho kong pinagmamasdan ang dalawa na nakatayo sa gitna ng hallway habang naghihintay ako sa gilid ang elevator, tinext ko si Odette na hintayin kami sa ground floor dahil ihahatid namin siya sa kanila.

After ilang minuto ay sabay na naglakad pabalik ang dalawa, matalim ang tingin ko sa kanila pareho ngumisi si Greg ng makita akong nakatingin.

"Good night Lilian"

 Pumasok siya sa silid ni Papa, habang nagpatuloy naman sa paglalakad palapit sa akin si Denver. Hindi talaga niya sasabihin sa akin kung anong pinag-usapan nila..

"Hindi ba uuwi si Greg?"

Tanong ko ng pababa na kami, bahagya lang akong nilingon ni Denver.

"No"

Vicious LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon