Naalimpungatan ako sa gutom.
Ilang sandali kong pinakiramdaman ang aking sarili, inalala kung anong nangyari.. hindi ako makapaniwalang hindi pa nag-iisang araw simula ng dumating ako dito.
Feeling ko ang daming nangyari.
Nasa poder ako ni Denver the architect at wala akong ibang choice kundi sundin ang sinasabi ni Denver kaya makakuha ng impormasyon.
Bumangon ako..
Masyadong malambot ang kama at kapag hindi pa ako kumilos sa loob ng limang segundo siguradong magpapahila na naman ako sa kama at matutulog.
Pero gutom ako.
Hinubad ko ang aking pulang sneakers at binuksan ang bag ko, gosh.. wala akong nadalang shinelas.. pinakiramdaman ko ang malambot na carpet sa aking paa..
Hindi na masama.Kunti lang ang dalang damit ko, hindi ako marunong maglaba kaya kailangan mag tipid ako, nilabas ko ang isang malaking tshirt at panty, well.. this will do.
Pumasok na ako sa banyo at mabilis na naligo, hindi na ako sanay sa mainit na tubig at nakalimutan ko na rin ang hatid na sarap nito sa katawan, isang oras yata akong nag shower siguradong ubos na ang hotshower.
Tinuyo ko ang aking buhok gamit ang towel at nagbihis na sa loob ng banyo, kinalkal ko ang aking bag at hinanap ang aking cellphone.. Lowbat na naman.
Kailangan kong tawagan sina Tita.. at si Odette, thinking about her made me feel a bit excited hindi ako nakapunta sa kasal niya dahil namatay si Lola nun..
Ngayon lang kami magkikita ng personal sa loob ng anim na taon.
Chinarge ko ang aking cellphone bago lumabas ng nakapaa, sabi ni Denver dito lang siya sa labas pero wala naman siya sa sala.. mga papel at laptop lang ang nasa center table, mukang hapon na rin naman kaya siguro tapos na siya sa ginagawa?
Hays..
Naglakad ako papunta sa dulo ng hallway.. at tama ako kusina nga iyon.. mas malapad pa keysa sa kwarto ko, may center isle, this is the dream kitchen of every one na mahilig mag luto, good thing mahilig lang akong kumain.
Walang tao.
Nag bukas ako ng ref, hindi ako mahilig magluto pero kaya kong mag pakulo ng tubig at may itlog, ayos na iyon. Mabilis akong kumilos dahil gutom na gutom na ako, anong oras na ba?Dalawang itlog ang pinakuluan ko.
Napa mura ako ng makitang walang kanin. Anong silbi ng itlog at anong silbi ng magandang kitchen kung walang kanin? Hindi ako marunong magsaing.
Kinalkal ko ang mga hanging cabinet, cereals and chips ang nakita ko, yung ref puno ng proteins and instant food.
Nakasimangot ako habang tinitigan ang mga yun, si Denver na kilala ko mahilig yun magluto.. nakakapanghinayang na hindi na kuha ng Denver the architect ang katangiang yun.
Buong durasyon habang hinahanda ko ang cerials ay nakasimangot ako.
May glass dinning table sa gitna ng kusina pero mas pinili kong kumain sa counter, umupo ako sa high chair at nagsimula nang sumubo sa nakakaawang pagkain ko.
Pangatlong subo ko ng wala sa sariling nagtaas ako ng tingin.
Naka sandal si Denver sa hamba ng pinto habang mataman akong pinagmamasdan, agad siyang naglakad palapit sa akin ng magtama ang tingin namin.
Nilapag niya ang dalang itim na styrofoam sa harap ko.
"Bumili ako ng pagkain"
Umismid at pinagpatuloy ang pagkain, humugot ng malalim na hininga si Denver at binuksan ang pagkain na binili niya agad kong naamoy ang pagkain.. may tempora pa at pork chop.
BINABASA MO ANG
Vicious Lily
RomanceShe's the opposite of good and she knew it, hindi siya ang ideal daughter, ayaw niya na binabangga o ginagalit siya at alam rin iyon ng mga tao. Anong meron kay Denver Albino na gusto niyang patunayan dito na hindi lang siya isang Lily na kilala ng...