Chapter 26

149 6 0
                                    

"Odette, alam kong may gusto kang sabihin kanina pa, ano yun?"

Natutulog na si Papa kaya nagbubulungan nalang kami, umuwi muna si Hailey, si Greg naman may kailangan pa raw gawin at si Sam.. well may trabaho.

Alanganing gumala ang tingin niya, sinisiguradong walang tao.. mas lalo lang akong naiinip sa ginagawa niya.

"Sasabihin mo ba o--"

"Friend, alam mo ba na may paratang si Mr. Dela Vega tungkol sa'yo?"

I clench my jaw, I know that and I can't still figure out of anyone buying that bullshit.

"Sinabi ni Alice.. anyway it's not true and I don't care what people say"

Hindi pa man ako tapos sa pagsasalita ay umiiling na si Odette, ngayon ay desidido ang kanyang tingin sa akin tuluyan na siyang humarap sa akin. Okay..

"Hindi ganun yun Friend, sinisira ni Mr. Dela Vega ang credibility mo kapag nag bigay ka ng statement pweding hindi ka paniwalaan! Pinapalabas niya na matagal na kayong magkakilala ni Kevin Marcelo--"

"na hindi totoo" putol ko sa sinsasabi niya, what's the big deal?

"Hays! Gusto niyang palabasin na ikaw ang master mind ng lahat pati ang pagbaril sa Papa mo"

"WHAT?"

Sabay kaming dalawa na lumingon sa kama ng bahagyang gumalaw si Papa, kinalma ko ang aking sarili kahit pa imposobling mangyari yun, obviously wala ring alam si Papa tungkol dito.

"Alam ng lahat na umalis ka dahil nag-away kayo ni tito years ago, may dahilan ka para gawin ang krimen.. Friend, maraming makakapagpatunay na masama ang ugali mo"

Kinuyom ko ang aking kamao, no.. of course not, we're the victim here kahit anong gawin ng kalbong yun hindi niya mababago ang lahat wala dapat akong ipag-alala.

"Matagal na kaming nag-uusap ni Papa--"

"Friend, pwede nilang sabihin na nagkukunwari ka--"

"Damn it, so ano tong mga sugat at galos na nakuha ko? Anong sasabihin niya ginawa ko ito sa sarili ko!"

Umikot ang mga mata ni Odette.

"Sinasabi ko lang sa iyo na ito ang gustong palabasin ni Mr. Dela Vega, Friend.. and I don't think it's a good idea to have a relationship with Denver" she sigh "or anyone else sasabihin ng iba na defensive ka"

Ginulo ko ang aking buhok, I thought this is just simple issue! And now.. there's Denver, Denver who's not here. Who want to kept this thing from me. A very familiar feeling threaten to burst from a very safe place deep within me. 



ALMOST midnight when someone knock on the door, nag-angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang guard na nagbabantay sa labas, sinigurado kong tandaan ang mga mukha nila kanina.

"Mam, si Architect" ni lahad niya ang kanyang cellphone.

Kumunot ang noo ko, ilang sandaling tinitigan ang cellphone bago tumayo mula sa upuan at kinuha ang cellphone, naglakad ako palayo sa kama ni Papa at narinig ko naman ang pag sara ng pinto.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"I'm just going to change, sasamahan ki--"

"Wag na, matulog ka nalang diyan.."

Ngayon pa siya naka uwi? Ano bang emergency yun? Ilang sandaling wala akong narinig sa kabilang linya bago ang malakas na buntong hininga niya.

"Lilian--"

Vicious LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon