Chapter 12

125 5 0
                                    

"Nangangati ako"

Inis na sabi ko kay Odette, nasa banyo kami ng girls at katatapos lang ng aming midterm, hindi ko alam kong bakit ako pumayag sa kalokohan ni Odette.

"Masasanay ka rin"

Dumilat ako para tignan ang aking sarili, kumunot agad ang noo ko mas mapula lang ang aking labi at mas mahabang tignan ang aking pilikmata dahil sa nilagay niya pero wala namang pinagbago.

"Remind me again why I need to wear this?"

Tukoy ko sa suot kong damit, it's a pastel yellow and off-shoulder knee length dress courtesy to Odette gift, this is not my normal school suits.

"Kasi birthday ni Tita at gusto mong maging kasing edad ni Denver tignan"

Tapos na ang midterm namin at nakilala na rin ni Odette si Tita mabilis nga silang nagkapalagayan ng loob kaya ito at sasama kami, Odette is also wearing a dress kaya ayos lang itong suot ko.

"Not to mention you want him to believe na matured ka na so he'll introduce you to his classmate"

I roll my eyes, Odette never failed to mention that part, nakakainis naman kasi na lage kong nakikita si Caren na kasama ang mga barkada ni Denver samantalang ako hindi man lang niya pinapakilala.

Not that it matter.. but I want to know kung sino-sino ang mga nakakasalamuha niya.

Nung na satisfied na si Odette sa itsura ko ay agad na kaming umalis, inaasahan kong nasa parking lot na si Denver dahil natagalan kami pero nung dumating kami ay wala pang Denver.

"Baka may exam pa?"

Sumandal si Odette sa kotse namin, nilabas ko naman ang cellphone ko para tignan kong ilang minutong late na si Denver.

fifteen minutes..

Naglakad ako sa harap ng kotse, just to be run by someone! Muntik na akong humalik sa seminto kong hindi lang niya ako nahawakan sa bewang.

"Sorry miss--"

Tumayo ako ng tuwid at tinulak ang lalaking hanggang ngayon nakatingin pa rin sa akin, kumunot ang noo ko ng makitang nakatulala siya sa akin.

"Nasa langit na ba ako? Bakit may anghel dito?"

Ngiti nito, namewang ako at tinaasan siya ng kilay.

"Umalis ka sa harap ko kung ayaw mong makakita ng totoong anghel" singhal ko sa kanya na lalo lang ngumisi.

Isang tingin palang sa lalaking ito alam ko nang babaero siya at hindi lang yun ang taas ng tingin niya sa sarili niya.

"Uh.. sadista, I like it" He wink

"Aki"

Parehas kaming napalingon ng lalaki sa nagsalita, madilim ang tingin ni Denver habang nakatingin sa lalaki hindi niya ako tinignan kaya hindi niya nakikita ang pagkulo ng dugo ko.

"Hey Albino.. may kailangan ka?"

The guy name Aki step closer to me, I saw Denver eyes flick to mine before he take a step toward me with that serious eyes of him bago pa siya makarating ay lumapat na ang kamay ko sa kanyang tagiliran at mariin siyang kinurot.

"Ang tagal tagal mo! You knew so well how I hate being late!"

Pilit inaalis ni Denver ang kamay ko, hanggang sa nagawa nga niya at hindi na niya yun pinakawalan ng hinarap ulit ang lalaking napaatras palayo sa akin.

"Ikaw Aki, may kailangan ka?"

Denver mouth curve into a smile, nagtaas naman ng kamay si Aki at umiling habang umaatras.

Vicious LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon