Chapter 15

143 7 2
                                    

Hindi ako madalas pumupunta dito, last time kong naka sama kay Papa is two years ago no wonder ang dami nang nagbago.

Lalo na sa mga empleyado.

Third floor yung office ni Papa, nung lumabas ako mula sa elevator ay wala man lang lumingon sa akin I think busy ang lahat ng tao.

Well..

Naglakad na ako papunta sa cubicle kung nasaan si Papa pero walang tao dun, pwede ko naman siyang hintayin habang palapit ako doon ay nilabas ko ang aking cellphone, I should text him na nandito ako.

Malinis ang opisina nila sa kabila ng maraming papel sa bawat lamesa, may mga cubicle na naka hiwalay sa ibang table kabilang na doon kay Papa, may naka harang na salamin pero kita pa rin ang buong silid.

Nagkibit balikat ako at pumasok sa cubicle, hinubad ko ang aking bag at pabagsak na umupo sa swivel chair ni Papa, nag compose ako ng text telling him na sasabay akong maglulunch sa kanya.

"Excuse me Miss"

Nag-angat ako ng tingin sa isang lalaking nakatayo sa pinto, tumaas ang kilay ko habang siya naman ay alanganing nakangiti sa akin.

"Yes?" Tinuro niya ako sa naguguluhang mukha.

"May kailangan ka ba kay Atty. Pavellon? Mamaya pa siya babalik so.."

Uhh.. so may lakad si Papa? Ibinaba ko ang aking cellphone at nilapag sa lamesa.

"Where is he?"

He's so freaking busy! Bumuntong hininga ako maybe I should text him na hindi nalang ako tutuloy para hindi siya magmadaling bumalik dito, makakaistorbo pa ako sa kung anong trabaho niya.

Nilingon ko ang aking cellphone but something caught up my attention.

"May family lunch sila ni Hailey, nasa malapit lang na restaurant mula dito lumuwas kasi mula sa Cebu ang family ni Hailey kaya sinundo nila"

Nakatingin ako sa isang picture frame kung saan malaki ang ngiti ni Papa yakap ang babaeng may maikling buhok, parehas silang dalawa na may hawak na champagne glass at magkahawak ang mga kamay sa camera.. showing her finger with an engagement ring.

Hindi ko na naririnig kong ano man ang sinasabi ng lalaki, nanlamig ako.. hindi ko maramdaman ang ibang parte ng aking katawan.

What is this?

A dream?

A nightmare?

Suminghap ako para makahinga ng maayos, even my heart stop beating for awhile.

"--miss? Ayos ka lang?"

The guy started looking around maybe asking for help, they don't know me here.. kung meron mang nakakakilala then hindi pa nila ako napapansin.

I can't fucking believe this!

"D-did you say malapit lang dito ang restaurant kung nasaan sila?"

He seems hesitant to tell me specially I'm not good to look at now, maybe he think I'm a murderer maybe I will be.



Kinuyom ko ang aking palad, limang minuto na akong naka tayo dito, the guard is staring at me as if I'm going to do something.

Sa isang Italian Restaurant.. very elegant and classy, my father's arm is resting at Hailey's back, naka talikod silang dalawa mula sa akin but my father keep on glancing at her kaya nakikita ko kung paano siya ngumiti at tumawa sa kung ano mang sinasabi nila.

Vicious LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon