Chapter 14

127 7 0
                                    

"Do you have any plan this coming vacation Lilian?"

Papa ask, inaayos niya ang kanyang kwelyo naghahanda para sa trabaho, inayos ko ang aking mga gamit na nagkalat sa table dito ako sa sala nag-aaral since distraction ang aking kama.

"Wala"

I should ask Odette kung may family gathering ba sila para makapag plano kami ng event or anything to do this summer.

"Well, I'm thinking we should have a vacation in Cebu.. maraming magagandang pasyalan doon at masarap ang pagkain.. what do you think?"

Kumunot agad ang noo ko, hindi ba siya nagsasawang pumuntang Cebu? Well..

"Titignan ko pa"

We've been to Batanes nung Senior High palang ako, maybe Cebu is a good idea... Err of course not, hindi ko makikita si Denver kapag nagkataon.. or I can somehow convince Papa na isama si Denver, we can spend summer together..

"I think you should consider it, after all you deserve a vacation"

He smile watching me with all my books, he bend down and kiss me on my hair before going out, bumuntong hininga naman ako.

I can do this--

Napatingin ako sa hagdanan ng marinig ang nagmamadaling yapak ng paa, si Manang Ceziel habang may kausap sa cellphone.

"..Oo teka lang, andito na"

Kumunot ang noo ko ng makitang cellphone ko yun I intentionally left it on my bed para hindi ako maistorbo.. but well nagmamadaling lumapit si Manang sa akin.

"Hinahanap ka, Alice daw"

Pinigilan kong umikot ang mata, kinuha ko ang cellphone kay Manang at nilagay sa tenga ang aking cellphone.

"Hello--"

"Is this Lilian Pavellon?"

Kumunot agad ang noo ko, bosis babae.. shit, wala sa sariling sinuklay ko ang buhok gusto ko nalang tapusin agad ang tawag na ito kung hindi lang nakatingin sa aking si Manang.

"Oo, bakit?"

"Hello there! One million years na kitang tinatawagan bakit hindi mo sinasagot?" singhal nito.

What the hell?

Umayos ako ng upo at iniwasang tignan si Manang.

"Bakit ko naman sasagutin, sino ka ba sa tingin mo?"

Tawa lang ang narinig kong sagot niya, I'm positive pinagtitripan lang ako ng babaeng ito, then I heard other voices in the line, so naka speaker pa ako great.

"My dear cousin, hindi mo ba ako gustong makilala--- aray letsi"

Huminga ako ng malalim.

"Look wala akong panahon sa mga walang kwentang bagay kung wala kayong importanting ginagawa pwes ako meron!"

Mabilis kong tinapos ang tawag, binalingan ko si Manang.

"Wrong number Manang"




Inismiran ko si Odette na kanina pa ako ginugulo, last exam nalang namin at officially tapos na ang semister na ito.

"Gutom na ako! Let's eat muna"

Hmp, binuksan ko ang aking bag at hinanap ang granula bar kinuha ko iyon at binigay sa kanya.

"Kailan ka pa kumakain ng ganito?"

Irap ni Odette ng tinanggap niya ang bar, pinagpatuloy ko ang pagbabasa kahit pa tama nga si Odette hindi sapat ang granula bar para sa akin.

Vicious LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon