Chapter 30

316 14 3
                                    

WAKAS

"Grabe ang gwapo"

Bulong ni Alice, nasa bakuran kami ng bahay ni Lola, ngayon ko lang nakita na naging ganito ka aliwalas ang buong bahay pati ang bakuran nagkalat dito ang mga bilog na lamesa with pink table cloth and a long table at the side for the food tomorrow, maraming mga kapitbahay na tumutulong sa paghahanda para bukas.

Actually wala na naman talagang kailangan ihanda, ayos na lahat kaya ito at nag didinner kami habang nag-iinoman naman ang mga pinsan namin.

"Hoy ikakasal ka na bukas" iling ni Lucia.

I continue eating ignoring them, I like my food and I'm hungry.

"Ikakasal nga ako pero hindi ako bulag, kita mo yang mga muscle na yan? Kaya kang kargahin niyan kahit anong pwesto sa kama-- Arraaayy"

"Ang bibig mo! Ang dumi dumi!" sita ni Rose

Lalo akong yumuko para itago ang mainit kong mukha, damn Alice. 

"Asus, tignan mo nga yang si Lily, guilting guilty ehh hoy Lily hindi ka na dapat mahiya no ikakasal na rin naman kayo next year"

What ever, nanatili akong naka yuko at kumakain, nagsimula silang mag-usap tungkol sa mga pweding mangyari bukas at lahat yun napupunta sa magic kung saan hindi natutuloy ang kasal nila Alice at Roger.

Ang malala si Alice ang may pinaka imposibling idea sa mangyayari, ewan ko ba kung gusto talaga niyang makasal o ano.

"Ayan na si Ivan"

Kanta ni Alice, tapos na rin akong kumain kaya nag-angat na ako ng tingin at palapit nga sa amin ang kakarating lang na si Ivan malaki agad ang ngiti niya ng mamataan ako.

Kanina pa kami dumating ni Denver dito at hindi pa ako nakakagala.

"Lily!"

He lean down and hug me na ginantihan ko rin naman.. 

"Akala ko hindi na kita makikita ahh" umupo siya sa tabi ni Lucia.

"Kapag hindi ako pumunta dito isusumpa ako ng isang yan"

Nguso ko kay Alice, tumawa si Ivan at hinarap na si Lucia samantalang kinalabit naman ako ni Rose.

"Yung boyfriend mo, hindi ka maiwan ng tingin.. ang haba ng hair mo te"

Tumawa siya at nakipag apir pa kay Alice, ang walangyang Alice kumaway pa kay Denver. Nakita kong umayos sila ng upo at pinipigilang tumawa. Hindi na ako nagulat ng maramdaman ang kamay ni Denver sa balikat ko.

"Ivan.. ito nga pala si Denver boyfriend ni Lily"

Pinaningkitan ko ng mata si Alice, kung makangiti siya para bang ang sama ng binabalak niya.

"Fiancee.." 

Denver said and held his hand in front of Ivan, sumulyap muna sa akin si Ivan bago tinanggap ang kamay nito at kilala ko siya kung hindi lang nakatingin sa kanya si Denver siguradong tinaasan na niya ako ng kilay.

"Ex boyfriend"

Ivan said which is a wrong thing, hindi niya alam na kilala na siya ni Denver dahil kinwento na siya ni Papa dito noon at hindi pa niya yun kinakalimutan.

Sa totoo lang, lage niyang pinapaalala sa akin ang bagay na iyon.

Hinila ni Denver ang katabing upuan ko at mas lalong nilapit sa akin bago umupo, tuwid akong umupo samantalang ang mga traydor kong pinsan ay kanya kanyang usap, kahit pa alam ko na binabantayan naman nila ang bawat galaw ko.

Vicious LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon