Chapter 29

178 6 0
                                    

Hindi nga mana si Damon sa kanyang ina, masyadong matalino ang batang yun para magmana sa kanya. Ilang ulit na tinawag ni Caren si Damon kapag lumalapit sa akin, kung napansin man iyon ni Denver ay hindi siya nagsalita.

Nakita ko kung gaano ka-close ang dalawa, pinagmasdan kong ilang ulit kargahin ni Denver si Damon sa kanyang balikat at kung paano tingalain ni Damon si Denver na para bang ito ang taong gusto niyang maging kapag lumaki na siya.

Tama nga si Carol.. bagay silang maging isang pamilya.

Hindi ko pinansin ang pagtatagis ng bagang ni Denver tuwing titingin siya sa akin dumidilim ang kanyang tingin at nanonoot sa buto yun, hindi ko alam kung para saan yun.

Imposibling narinig niya ang usapan namin ni Caren.

Nung nasa kotse na kami syaka ko napatunayan na may problema nga, masyadong stiff ang pagkakahawak niya sa kamay ko malayo sa paraan ng pagkakahawak niya sa akin kanina na papunta palang kami.

Hindi ako nagtanong o nagsalita.

Sasabihin rin naman niya kapag may bumabagabag sa kanya kaya maghihintay nalang ako, gusto ko sanang umangal ng papunta na naman kami sa kanyang bahay pero base sa kanyang itsura.. well mas mabuting sumunod nalang sa kanya.

"Denver" Malalaki ang hakbang niya ng makapasok na kami sa bahay diretso yun papunta sa kusina, bumuntong hininga ako at sumunod nalang sa kanya.

Naabutan ko siyang naglalagay ng ice sa ice bag huminto ako sa paglapit at pinagmasdan ang seryosng mukha niya habang ginagawa yun, wala sa sariling hinawakan ko ang aking pisngi. 

"Come here" he command

Napalunok ako, hinila niya ang isang high chair at nilingon ako, gusto ko sana siyang lokohin na hindi ko kailangan yun pero.. may kung ano sa tingin niya na nakakapagpasunod sa akin.

Umupo ako sa upuan, hinawakan niyaa ang aking pisngi at inangat.. nung lumapat ang malamig na bagay sa pisngi ko ay napapikit ako.Damn it. Mahapdi ahh.

Gumaling na nga ang sugat ko sa braso tapos ito na naman, well.. sa katunayan dapat sanay na ako sa mga ganitong sakit, madalas kaya akong nasasalang sa gulo noon.

"Anong nangyari?"

His cold voice is the reason why I open my eyes and stare at him. it's been so long since I hear him used that in front of me.

I was just staring at his eyes while his staring at my cheeks.

"Are you mad?"

I watch him carefully and his careful not to show anything. I wonder if I hit Caren ganyan pa rin ba ang reaksyon niya.

"Yes Lilian, I'm mad.. I made a promise to myself when I saw you in that clinic that I won't let anything or anyone hurt you.. and now, here you are sa sarili ko pang bahay" he spit

I'm about to roll my eyes at him but think better of it. This is not his fault.

"It's nothing.. nagalit lang siya--"

"Because?"

Nag dalawang isip ako kung sasabihin ko ba, I mean.. it's about him and I don't want him to tell me na wala lang iyon that I don't need to worry about Caren because it's nothing, maybe hindi niya ako paniwalaan.. Tumingin na siya sa mata ko, kukunin ko sana mula sa kanya ang ice bag pero hinuli lang niya ang kamay ko at binaba.

"Forget it--"

"Just promise me, umiwas ka sa mga bagay na makakasakit sa iyo, hindi ko gustong nasasaktan ka"

Wala sa sariling napatango ako..Habang nakatitig sa seryoso niyang mukha may na realize ako.. ayaw ko ring masaktan hindi ko gustong masaktan.

Tumango ako ulit, this time nodding to myself.

Vicious LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon