Chapter 13

130 6 0
                                    

"Oh God, Friend no"

Nagtakip ng mata si Odette, kanina pa niya napansin kung anong nangyayari, I mean mas una niyang napansin.. it's been months hindi ko man lang na imagine na mangyayari itong mangyayari ngayon.

It is deja vu

Sa kabilang table naka upo ang grupo ng mga babaeng minsan ko nang nakita at ganun pa rin ang eksena, sila naghahanap ng bakanting upuan samantalang ako na naka upo ang aking mga gamit sa isang upuan.

I think they notice it too dahil nagdadalawang isip silang lumapit sa amin. Good for them.

Nagbabasa ako ng libro nung napansin kong hindi mapakali si Odette.

"Pwede ba naming mahiram tong upuan?"

Lakas loob na tanong ng isang babae mula sa kanilang grupo, nilingon ko ang grupo niya na nakatingin rin sa amin at nginitian ko sila ng malaki.

"Ginagamit ko pa"

Napaawang ang bibig ng babae, pinagmasdan ko siyang hindi alam ang gagawin maybe wala siya last time, tumango siya at agad bumalik sa kanyang mga kasama.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa kanila.

Nag-usap sila sa mahinang bosis pero hindi ko kailangang marinig ang mga yun para malaman na minumura na nila akong lahat.

"You forget about what Denver said.. umiwas ka sa gulo" Odette whisper

Umismid naman ako, busy na siya dahil naghahanda na sila sa kanilang On-the-Job training kaya minsan ko nalang siya makita, I remember what Odette said na niloloko lang namin ang mga sarili namin, we both act like we're in a relationship already.

"Miss hindi mo naman ginagamit yang upuan eh, kukunin ko"

Nagtaas ako ng tingin at yung Jell girl na ang nakatayo sa likod ko, pinagmasdan ko ang pagkuha niya sa mga gamit ko at pabagsak na nilagay sa lamesa, hinila niya ang upuan papunta sa kanilang lamesa.

Not so fast..

Nung dumaan siya sa gilid ko ay hinarang ko ang aking paa, napatid siya at nagtangkang humawak sa upuan but the thing is plastik lang ang upuan kaya nagsama silang dalawa sa sahig.

Napatayo ang mga tao para tignan kung anong nangyari, mabilis ko rin naman na kinuha ang aking paa at kalmadong tumingin sa kanya.

Dahan dahan itong bumangon at nanlilisik ang matang lumingon sa akin. 

"Walangya ka!"

Hindi na ako nabigla ng marahas niya akong hinila, agad akong tumayo at hinarap ang babae bago paman ako dumapang katulad niya.

"Lampa" bulong ko.

"Ahh talaga!"

She tried to come and grab my hair when two of her friend held her, nagwala siya para lang makawala sa dalawa na pilit siyang pinapakalma.

I run a check in my mind if nangyari na ba sa akin ang ganyan because she look mental, furtunately wala pa naman yata.

"I did nothing to you, hindi ko kasalanan na lampa ka"

"Pinatid mo ako sira-ulo ka!" sigaw niya.

"Wala kang ibidensya, maybe sa susunod wag kang kukuha ng hindi sayo dahil mabilis ang karma!"

"Ano yan?" Someone asked

Tumalikod na ako dahil masyado na kaming nakakaagaw pansin, kinuha ko ang aking mga gamit sa table, nakatayo na si Odette, nilingon ko ulit ang babae.

Vicious LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon