•Miss Rank #1

225 11 5
                                    

Hana's POV

Nagising ako sa ingay ng manok namin, este ang nag iisang Ken Suson oo, kuya ko siya. Nakakainis umagang-umaga tumitiktiklaok sarap balibagin, manok talaga ang ugali nito

"Hanaaa gumisingg kaa naa! First dayy mooo sa ShowBT Dance Academy!" sabi ni kuya na parang manok na kinakatay sabay tapik at alog sa katawan ko, hindi naman sa first day ko sa school, first day ko as Senior High, lagi ako rank #1 sa buong academy since pumasok ako sa SDA at wala pa sakin nakakatalo.

"mmmh" sagot ko sabay takip ng kumot sa buong katawan ko, ano ba yan umagang-umaga bina-badtrip ako ng chicken na toh, kapag kinatay ko toh baka tumahimik rin.

"ah ganyan pala ah, gigising ka o hindi kita papanoorin ng anime sa TV" takot sakin ni kuya.

Agad-agad naman akong pumunta sa CR ng kwarto ko at nag-ayos ako ng aking sarili. Pagkatapos, pumunta ako sa walk-in closet ko. Oo, mayaman kami ang Dad ko ay isang business man at ang Mom ko naman ay isang sikat na Fashion Designer, hindi naman sa bina-brag ko.

Kinuha ko ang uniform ko at sinuot ito,
'ay ang ganda naman ng uniform ng senior high, taray may pa neck tie pang nalalaman'

Kinuha ko ang uniform ko at sinuot ito,'ay ang ganda naman ng uniform ng senior high, taray may pa neck tie pang nalalaman'

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(ps: si Coleen Trinidad po talaga yan. Yes! siya po ang gaganap na Hana sa story na toh)

tiningnan ko ang aking itsura sa full body mirror at nag thumbs-up sa aking sarili.

Bumaba naman ako ng hagdan nagulat ako ng makita ko si Mom at Dad naka-upo sa dining area ng bahay namin

Dali-dali naman akong pumunta sa kanila at hinalikan ang kanilang mga pisnge sabay upo sa right side ni Dad

"oh Mom at Dad bakit kayo dito kumain? Akala ko may work kayo ngayon sa office niyo?" tanong ko sabay tingin sakanila.

"eh syempre first day mo as senior high, at pambihira na rin namin kayo nakakasama kumain pag breakfast" sambit ni Mom sabay ngiti sakin.

Tumango na lamang ako at kinain ang waffles na linuto ng manok ng tahimik, ay i mean ng kuya ko, pagkatapos kong kumain tumayo ako at hinalikan ang kanilang pisnge at nagpaalam.

'hayst, na miss ko yung mga times na araw-araw sabay-sabay kami kumain ng almusal'

Pumunta ako sa garage namin at hiningi ang susi sa maid ng Ferrari ko. Yap, may sarili nakong kotse sa edad na 16, pinag ipunan ko toh at hindi ko ito hiningi sa Mom ko or sa Dad ko, ayokong inaabuso ang pagka yaman nila at mas maganda nang may nakukuha kang maganda dahil pinag paguran mo ito mag isa.

Nang ibigay na sakin ng maid ang susi, dali-dali akong sumakay sa kotse at tiningnan ang oras '7:10 na, it's okay, 10 minute drive lang naman ang house papuntang school' pinaandar ko na ang makina ng car ko at pumunta na sa academy.

Rhythm of Love || • SB19 Josh •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon