•Evil plan

40 3 0
                                    

Hana's POV

Nagising ako ng may maramdaman akong basa sa pisnge ko. Nakita ko na si Jogart pala yun. Agad ko naman siyang niyakap. Ngayon lang ako nakakita ng aso na ganito ka sweet, maliban sa mga cartoons. Tiningnan ko ang oras at mabuti naman ay maaga ako nagising. Yes, Monday nanaman ngayon. Bumuhat ako sa higaan at pumunta sa restroom.

Pag katapos kong maligo at mag bihis, kinuha ko si Jogart at sinama pababa ng hagdan. Pag dating ko sa baba nakita ko na naka handa na ang breakfast na hinanda ng no other Mr. Ken Suson.

"Good morning manok" bati ko habang ngumingiti. Inikot niya ang mata niya at linagay sa lamesa ang bagong luto na waffles.

"Good morning" bati rin nito. Haha! Wala siyang maisip na nickname sa akin. Kasalanan nila Mom and Dad kung bakit Ken pangalan niya tuloy parang chicKEN.

Binababa ko si Jogart at kinuha ang lalagyan niya at syempre linagyan ko ito ng dog food at water. Bumili na kasi kami kahapon ni Josh ng kailangan niya para di na kami mag abala. Pumunta na ako sa lamesa at umupo, nag simula na kami kumain. Grabe mag luto si kuya, ang sarap! Kaya ko atang kumain ng ilang plato nito. Specialty niya kasi ang waffles and pancakes. Pag katapos kong kumain tumayo na ako sa upuan ko.

"Aalis na ako kuya" sabi ko. Tumango lamang siya, busy kasi kaka-tuka. Hinanap ko si Jogart at nag paalam dito. Kinuha ko ang aking bag at umalis. Tumawag ako ng driver kasi, as always tinatamad ako.

Few minutes later...

Naka-rating na rin ako sa academy. Pag baba ko, agad akong dumeretso sa locker area kasi ayoko maka buo ng gulo. Binuksan ko ang locker ko at kinuha lahat ng mga kailangan ko para sa first lesson. Hindi ko pa nakikita si Josh, asan kaya ang lalaking yun? Pag sarado ko ng locker ko nakita ko si Cullen naka lean sa katabing locker may hawak-hawak na sunflower. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Sunflower for you" sabi niya at ibinigay sa akin yung bulaklak na hawak niya. Kinuha ko ito at ngumiti. Every week lagi siya nag bibigay ng flowers sa akin, sweet diba? I wish it could be him until the end.

"Thank you, bakit ba kailangan mo akong bigyan ng mga bulaklak every week?" tanong ko dahil sobrang curious ko. Tumawa naman ito ng mahina.

"Syempre para sa babaeng mas maganda pa sa bulaklak" sabi nito. Wow, didn't expect that coming. Tumawa lamang ako dahil nag babanat nanaman si Mr. Cullen.

"Sige na nga, ma-una ka na" sabi ko sa kanya. Agad namang kumunot ang noo nito.

"Diba parehas lang ang classroom natin, don't tell me nag lipat ka ng classroom?" sabi nito at nag pout. Shit! Ang cute, pinipigilan ko ang sarili kong tumili alam ko namang namumula na ako ngayon, sanay na nga ata ang mga mata ni Josh na makita akong namumula.

"Baliw! Hindi, bakit ba naman ako lilipat ng classroom? I'm ok with my class" paliwanag nito. Mas lalo pang kumunot ang noo niya.

"Eh saan ka pupunta?" tanong nito. Ay, kailangan pa ba talaga malaman?

"Pupunta lang ako sa ladies restroom" sabi ko at inikot ang mata ko.

"Alangan sumama ka pa sa akin sa loob" sabi ko. Tumawa naman itong tumawa.

"Bakit gusto mo?" tanong niya. Agad naman akong nanahimik ng ilang segundo ng bigla itong tumawa.

"Hahaha! Joke lang, eto ba naman hindi mabiro" sabi nito at yinakap ako ng mahigpit.

"Sige mauna na ako, dapat makita kita mamaya sa tabi ko" sabi niya at umalis.

Nag kibit balikat lamang ako at pumunta sa ladies restroom. Pag pasok ko sa isang cubicle, ginawa ko na ang aking business. Habang ginagawa ang aking business may narinig akong mga babae na nag sipasukan sa loob ng restroom. Natapos ko na gawin ang aking trabaho at lumabas ng cubicle. Pag tingin ko nakita ko na si Gabb at ang kaniyang mga buntot- I mean 'side kicks'. Hindi ko ito pinansin at nag hugas ng kamay kasi kapag pinansin ko toh siguradong isang malaking argument ang dulo nito. Habang nag huhugas ng kamay narinig ko na nag salita si Gabb. Ano ba nanaman ngayon?!

Rhythm of Love || • SB19 Josh •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon