•Monthsary (2)

62 3 0
                                    

Hana's POV

Papa-uwi na kami ni Josh pag katapos ng date namin, well yun ata ang tawag doon. Ansaya ng mga pangyayari kanina.

Flashback...

Nasa kotse kami ni Josh habang nasa lap ko naman si Jogart, natutulog. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Josh pero sabi niya magugustuhan ko daw eh. Hindi ko mapigilang ipikit ang aking mata kasi feeling ko medyo malayo-layo pa kami and palubog na ang araw kaya medyo madilim na dito. Dahan-dahan kong pinikit ang aking mata at sinamahang matulog si Jogart.

Josh's POV

Dadalhin ko ngayon si Hana sa lugar kung saan alam kong magugustuhan niya. Alam ko kasing mahilig si Hana sa mga tahimik at kalmadong lugar kaya dadalhin ko siya kung saan ako lagi pumupunta kapag nalulungkot ako.

I glanced at her at nakita ko na mahimbing na natutulog siya habang nasa lap si Jogart. Natawa nga ako ng sinabi niya na tatawagin niya itong Jogart. Ibinalik ko ang attensyon ko sa pag mamaneho baka may mangyari pa sa aming masama.

Few minutes later...

Andito na kami sa secret place ko. Tiningnan ko si Hana at walang pinag bago, tulog na tulog parin siya kagaya ng kanina. Bumababa ako ng kotse at pumunta sa car side ni Hana. Binuksan ko ang pintuan at ginising siya.

"Hana, gising na" sabi ko habang inaalog ang katawan niya. Medyo mahihirap ako nito ah, napaka heavy sleeper nitong si Hana.

"Hoi, gising na andito na tayo" pangungulit ko ulit. Gumalaw ito ng kaunti pero hindi niya parin iminulat ang kaniyang mga mata. Hayst, paano kaya ako tatagal sa babaeng toh.

"Hoi Hana gising na!" hindi ko na napigilan eh. Wala akong choice kundi sumigaw para gisingin siya. Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang mata at tumingin sa kaniyang paligid.

"Asan na tayo?" tanong niya.

"Basta halika na at baka maabutan pa tayo ng dilim" sabi ko at hinila ang kaniyang kamay. Dinala niya naman si Jogart na ngayun ay gising na.

Hana's POV

Nagising ako ng may marinig akong sumigaw. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata at tumingin sa aking paligid. Hindi ako familiar sa place na toh asan kaya ako dinala ng Cullen na toh.

"Asan na tayo?" tanong ko sa kanya.

"Basta halika na at baka maabutan pa tayo ng dilim" sabi niya at agad na hinila ang aking kamay. Dinala ko naman si Jogart alangan iiwan ko siya dito kawawa naman ang baby ko. Bumababa na ako ng kotse at hinila ako ni Josh kung saan mang parte ng makahoy na lugar na toh.

Ilang minuto na kami ni Josh nag lalakad dito at sumasakit na ang mga paa ko. Habang nag lalakad hindi ko nakita yung malaking bato sa daanan kaya na tapilok ako.

"Hana ok ka lang?" tanong ni Josh habang pinapa tayo ako. Si Jogart naman ay nasa tabi ko. Ti-nry kong tumayo ng maayos pero hindi ko kaya sa sobrang sakit. Napa upo na lang ako sa makahoy na sahig.

"Argh! Sumasakit paa ko" sabi ko habang dahan-dahang hinihilot ang aking paa. Nakita ko nalang na tumuwad si Josh sa harap ko. Hindi ko alam kung ano ang pina-plano niya pero sa tingin ko hindi toh maganda.

"Ano pa ba hinihintay mo? Sakay na" sabi niya. Alam ko namang pipilit-pilitan lang niya ako kaya I have no choice but to obey. Dahan-dahan akong sumakay sa likod niya. Maayos na naka sakay ako at tumayo ito na parang papel lang ako. Wow, ganyan ba ako kagaan?

"Hindi ka ba nabibigatan?" tanong ko kasi nahihiya ako na baka tinatago niya lang na sobrang bigat ko pala. Tumawa ito ng mahina at nag simula nang mag lakad habang si Jogart naman ay nasa leash niya hawak-hawak ko.

Rhythm of Love || • SB19 Josh •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon