•The beasts revenge

52 4 0
                                    

Hana's POV

Andito kami sa loob ng ShowBt entertainment company building. Kasama ko si Josh, Kuya, Stell at Sejun. Sumama lang naman ako kasi ayokong maiwan mag isa sa bahay since day off ang mga maids ngayon at nasa kay Olivia si Jogart. Nandito kami sa building para mapag usapan na ng CEO ba tawag doon? Basta head ng company kung kailan debut nila and other important information.

Nasa loob kami ng isang room. Dance room ata nila ito. Mag pa-practice rin sila ngayon para pag tiningnan na ng 'CEO' ng entertainment company ay maayos na. So baka nag tataka kayo kung bakit wala kami sa school ngayon, meron ngayong meeting ang mga parents pero as usual wala si Mom and Dad.

Narinig ko na nag simula na ang tugtog at pumunta na sila sa kani-kanilang pwesto. Napansin ko yung missing spot, sa tingin ko doon ang formation ni Justin. Na miss kong makita sumayaw si Justin, hayst eto nanaman tayo. Inalis ko sa aking isipan si Justin at nag focus sa pag nood ng sayaw nila. As far as I know, ang group name nila is SB19 may meaning rin daw toh pero hindi ko pa alam. Wala naman kasi sa aking nag sasabi. Tiningnan ko silang sumayaw at ang nakakuha ng aking attensyon ay si no other Josh Cullen Santos. Kaya naman pala top 1 siya sa dating dance academy niya kasi grabi ang passion and charisma ang binibigay niya sa pag sayaw. As much as I hate to admit it, pero mas magaling sumayaw si Josh kaysa sa akin.

Natapos rin ang ilang ulit ng practice at nakita ko na sobrang pawisan na ang mga ito. Narinig ko na tumunog ang cellphone ni Kuya kaya tiningnan ko ito, nakita ko na si Justin tumatawag kay Kuya.

Kinuha ko ito at lumapit kay Kuya. " Kuya tumatawag si Justin" sabi ko. Agad iting lumingon at sinagot ang tawag. Nararamdaman ko na parang naka tingin sa akin si Josh pero hindi ko lamang ito pinansin. Nag si lapitan silang tatlo ng mag video call si Justin. Agad akong umatras pa-palayo kasi baka makita ako sa video. Ayoko namang maging awkward yung situation kaya umiwas lang ako. Tiningnan ko lamang kung gaano sila kasaya kausap si Justin. Dati ako yung masaya kapag kausap siya, yung mga corny jokes niya. Pero ngayon parang kapag naririnig ko lang ang pangalan o boses niya agad akong nalulungkot.

Habang nag uusap sila bigla namang bumukas ang pintuan ng dance room nila. Nag si tinginan kami at nakita ko ang isang lalake nasa 40-50's niya na ata, singkit parang koreano, at may itim na buhok. Nang makita ito nila Kuya agad naman silang umayos at nasa gitna si Sejun. Ako naman na pumunta dito dahil bored ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanatili lamang akong tahimik at pinag mamasdan ko lang sila dahil ayoko mapansin ako ng koreano o kung sino man yan. Nag uusap sila nang biglang lumingon sa akin yung koreano. Agad naman akong nginitian nito, at ako naman na tanga ay nanatiling naka tingin sa kanya habang walang ginagawa. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

Humarap ito kila Sejun. "Who the pretty girl over there?" tanong nito at tinuro ako. Ah, halatang koreano, hindi pa masyadong magaling ang english niya eh.

Tumingin naman sa akin si Sejun. "Ah si Hana po yan Sir Robin, kapatid ni Ken" sabi ni Sejun. "At girlfriend ni Josh" dagdag ni Stell. Nakita ko ang reaction nung Sir Robin ng sabihin nila Sejun at Stell na ako ang kapatid ni Ken at girlfriend ni Josh, para siyang nagulat.

"Ooh, so you Josh have girlfriend?" tanong nito at tiningnan naman si Josh. Tumango lamang si Josh. Bakit parang kinakabahan siya?

"Ok. Let's talk about your debut. Miss Hana, can you please go out of room" sabi nito habang naka ngiti. Naintindihan ko naman kasi baka isipin niya baka ikalat ko ang debut nila so sumunod nalang ako.

Sejun's POV

Lumabas na si Hana at umupo kami sa upuan habang si Sir Robin naman ay naka tayo. Nanatili kaming lahat tahimik sa sobrang kaba.

Rhythm of Love || • SB19 Josh •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon