•Plan what?

59 5 0
                                    

Hana's POV

Ngayon ay nasa loob na ako ng classroom, ako lang mag isa. Bakit? Pinapunta ako dito ni Josh para sabihin yung plano chuchu. Bakit pa kasi ako pumayag. Hayst! Pero yun na rin ang sukli ko sa kanya dahil tinulugan niya ako sa projects so yeah. Naka upo ako sa seat ko at hinihintay si Josh Fucking Cullen. Ang tagal niya naman mga 30 minutes na ako naka upo dito ah. Note, lunch break namin ngayon so halos lahat ng mga students ay nasa loob ng cafeteria. Kinuha ko ang airpods ko sa bag and nag pa music muna habang naghihintay. Pinikit ko ang aking mata at tumingin sa direksyon ng bintana. Hindi ko namalayan na may tao na pumasok sa classroom kasi panay kinig ako sa bagong song ng Itzy na "WANNABE". Nagulat ako ng idilat ko ang aking mga mata. Nakaharap sa akin si Josh sa unahang upuan at nakatingin lamang sa aking mukha habang naka lagay ang kaniyang mga kamay sa kaniyang pisnge.

"Hey" sabi nito at tumawa ng mahina. Nakita niya ata ang reaksyon ko nang makita ko siya sa aking harapan. Bigla ko itong sinamaan ng tingin.

"Bakit ngayon ka lang? It's been nearly 30 minutes since I'm here." sabi ko sa kanya. Nag kibit balikat na lamang ito.

"Whatever. So ano ang plan?" tanong nito sa akin. Oo, ako pa ang pina plano niya. Gumawa ako ng listahan ng mga bagay kung paano makuha ang puso ng mga babae or for short opinion ko kung paano mabihag ang puso ng babae Haha!

"Ok, so ang unang plan is...If you like a girl be confident pursue her and make an effort. So for short, ipakita mo sa kanya na gusto mo talaga siya at lagi kang nag aalala sa kanya." sabi ko at tumawa ng malakas si Josh. Tinaasan ko ito ng kilay.

"What's so funny?" tanong ko sa kanya at mabuti naman ay tumigil na ito sa pag tatawa.

"It's to simple. Lagi ko siyang mine-message  na mag ingat lagi huwag mag papa stress pero hindi naman siya naga reply." sabi nito sa akin at ngumuso.

"I know what's the problem. Ang mga babae kasi ngayon ayaw nila ng puro sa text lang, may iilang babae gusto na galing mismo sa labi ng lalake ang pag aalala." sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Oh" ang kaniyang masasabi. Hindi ata talaga ito marunong makuha ang puso ni Olivia. Base by her attitude and looks, she's the kind of girl who would love to be honest and stuff.

"Ok, so that's all for today. Aalis na ako." sabi ko sa kanya at tumayo kinuha ko ang bag ko at aalis na sana pero tinawag niya ko.

"Hana" sabi nito sa akin. Agad akong lumingon habang hinihintay ang kaniyang sasabihin.

"About doon sa tutor sabi ni Ma'am, kahit huwag na daw kasi naka catch up kana sa lessons." sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko. Pero parang yung lungkot kinakain ang katawan ko. Eh dapat naman masaya at naga celebrate na ako ngayon pero hindi ko magawang ngumisi. Tumango na lamang ako sa kanya at umalis. Narinig ko siyng sumigaw ng 'Thank You' pero hindi na ako lumingon. Habang nag lalakad sa hallway para pumunta sa gym area kasi maga practice daw para sa pageant ay biglang nag tumunog ang phone.

You received a message from Mr. IDK pero nakakakilig...

Hi Hana! Kamusta ka? Kumain ka na ba? May practice kayo diba? Galingan mo! Alam kong kaya mo yan. Ang ganda at talented mo pa naman sayang naman kung hindi ka napili, pero sine-swerte nga ako nun. Excited na ako makita ka sa stage next week. Just looking at you in your normal school uniform makes my heart skip a beat, paano pa kaya pag makita kitang naka gown. Hayst, Hana kung alam mo lang kung gaano ang kaba ko pag nandyan ka. Syempre hindi ko sasabihin sayo kung sino ako. Ingat ka lagi! Lagi mong aalahanin na andito ako! Bye! I love you hehe <3

Rhythm of Love || • SB19 Josh •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon