•Old Scars

90 12 2
                                    

Hana's POV

"OMG?! Hana?! Long time no see Bestfriend!!" sigaw ni Gabb, ew! bakit ang peke niya, balibagin nga kita diyan makuha mo ang hinahanap mo, hindi ko na lamang siya tiningnan at pinansin na parang wala lang siya sa loob ng cafeteria

"J-Justin... bakit hindi ka sumabay sakin kumain ngayon?" tanong ko

"eh...kasi...ano uhm...k-" naputol nanaman ang kaniyang sinabi ng magsalita ulit ang bruha

"Kase nga, sinamahan niya ako mag lunch diyan sa bagong cafè sa harap ng school. Gusto mo isama natin si Hana sa sunod na punta natin sa cafè?" sabi niya habang nakatingin kay Justin panay ngiti

'Nginingitian mo pa bestfriend ko?! pati bestfriend ko aagawin mo pa?! ang plastic mo gHorL!'

"Huwag ka nga sabat ng sabat, hindi naman ikaw kinakausap ko" sabi ko at inikutan si Gabb ng mata, nag 'ppft' nalang siya at inikot ang kaniyang mata

'ako pa iniikutan mo ng mata?! Alisin ko nga yang mga mata mo'

Agad ko namang tinaasan si Jah ng kilay ibig sabihin hinihintay ko ang kaniyang paliwanag sa tanong ko

"Sorry Hana, nakalimutan ko kase eh hehe" sabi ni Justin habang kinakamot ang kaniyang batok

"Ah...ok...mauuna na ako ah" sabi ko sabay turo sa likod ko at umalis na ng cafeteria

Hindi ko ba alam kung bakit, dahan-dahang bumubuo ang mga luha sa aking mga mata, unti-unti ring bumabalik bumabalik sa utak ko kung paano ako iniwan at pinaluha ni Gabb, at dahil doon mas lalong tumindi ang aking pag iyak

Akala ko pa naman magiging maayos tong school year, first day of school umiiyak na agad ako, ano pa kaya sa mga susunod na araw, panay luha parin ako at hindi ko alam kung saan ko dinadala ang katawan ko at bigla nalang ako nakabanga sa isang poste, pag tingin ko sa aking harapan hindi pala poste lalaki pala

"u-uh *sniff* s-sorry ha m-mauna na ako" sabi ko habang naka tingin sa sahig para hindi niya makita ang itsura ko

'ano ba yan Hana! ang clumsy mo talaga, iiyak ka nalang nga makakabangga ka pa tsk tsk'

Ng aalis na ako bigla namang hinawakan ng lalaki ang kamay ko, hindi ko pa nakikita ang itsura niya kasi panay tingin ako sa sahig, ng mahawakan niya ang kamay ko agad niya namang hinawakan ang baba ko gamit ang kaniyang kabilang kamay ng mag ka tinginan kami, hindi ako maka paniwala kung sino yung lalake...kundi ang nag iisang...

Josh







Fucking.







Cullen

"Josh?!" "Hana?!" sabay naming sinabi, agad ko namang inalis ang aking kamay at agad niya ring inalis ang kaniyang kamay sa aking baba

"Hana, bakit ka umiiyak? ano ba nangyari?" tanong niya habang tinitingnan ang aking katawan kung meron akong mga pasa

"Wala, aalis nako" maiksi kong sinabi at tumalikod sakanya, hindi niya na ako hinabol kasi alam niya na kailangan kong mapag-isa ngayon

Hindi ko naman namalayan pero nasa rooftop na ako ngayon, agad naman akong pumunta sa may fence at sinigaw lahat ng galit na aking nararamdaman

una: dahil may katabi akong adik

pangalawa: hindi ako sinamahan ni Justin mag lunch at kinalimutan ako

pangatlo: bumalik ang nag iisang bruha na si Gabb

Rhythm of Love || • SB19 Josh •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon