•Mr. Knight in Shining Armor

64 10 1
                                    

Hana's POV

Nagising ako sa loob ng isang- wait! what?!
b-bakit nasa hospital room ako? Ano ba ang nagyare? Tinry ko isipin kung ano ang mga kung paano ako naka punta sa isang hospital room at nakahagi sa isang hospital bed

Flashback

Pagkatapos kong aminin lahat ng nararamdaman ko sa bestfriend, Oo, nakaka ewan. Sino pa namang tao ang magkaka gusto sa bestfriend niya, pero ang sakit eh. Ilang beses ko nang pinigilan ang sarili ko na huwag mahuhulog sa charms ng De Dios na yan kaso ako namang makulit ay tumuloy-tuloy lang na mahulog sa kanya at boom! Dumating na nga rin yung araw na kinaka-katakutan ko ang mailabas at aminin ang tunay kong nararamdaman para sa kaniya. Hindi ko mapigilang ma alis sa isipan yung reaction ni Jah nung nalaman niya matagal ko na siyang gusto, para bang naawa, nalulungkot at, at the same time nagulat. Ayaw kong mag sorry siya sa akin na hindi niya ako gusto dahil naawa siya. No! No! No! Ayoko ng mga plastic.

Habang dali-dali akong bumababa sa hagdan para walang makakita na umiiyak ako. Bigla akong nadulas sa at nakatama ang likod ko sa matigas na sahig

'ano ba yan Hana akala ko pa naman sine-swerte ka ngayong araw. Oh, bakit ba iyak ka ng iyak ngayon, yan kasi nahulog sa sariling patibong. Hinayaan mo namang mahulog ka sa bestfriend mo kahit alam mo namang masasaktan ka, kaya nga BESTFRIEND lang, kung gusto ka rin ni Justin edi sana matagal ng may kayo'

Dahan-dahan akong tumayo ng may nakita akong paa sa harap ko. Agad ko namang inayos ang damit ko para pumunta sa kwarto at doon mag mukmok, pero bigla akong niyakap ng lalake, hindi ko pa kilala kung sinong gung-gong na toh dahil agad-agad niya akong niyakap. Pero mas nag-tataka ako kung bakit ako niyakap ng ewan na toh at bakit hindi ako kumikibo habang nasa kanyang mga kamay. Hindi ko mapigilang isipin na ang warm ng embrace niya at nakaka relax pero dahan-dahan nang nanlalabo ang aking paningin, nang lalamig ang aking mga kamay, sumasakit ang aking ulo, at nanhihina ang aking mga tuhod.

End of Flashback

At yun na lang ang na-alala ko bago ko malaman na nasa loob ako ng isang hospital, habang iniisip kung sino yung lalaking niyakap ako hindi ko nalamayan na bumukas ang pintuan ng hospital room.

"Oh My God Hana baby, ok ka lang ba? May masakit ba sayo? Sorry, baby ngayon lang kami nakapunta ni Dad mo. Pinostpone namin lahat ng mga meetings para lang makapunta at tingnan kung ok ka lang. I'm sorry Hana, please forgive us" sabi ni Mom, habang umiiyak at niyayakap ako. Ako namang lutang ay hindi kumibo dahil hindi ko maintindihan kung bakit siya nagso-sorry sa akin. Nang tingnan ko si Mom, nakita ko si Dad at Kuya sa likod nila naka ngiti sakin agad ko namang binalik ang ngiti nila.

'Hahaha! Alam na ata nila ang iniisip ko. Kasi nung bata ako lagi ako nanhihina o nahihimatay, pero ever since, hindi pa nakakapunta si Mom at Dad sa hospital kung may ganitong nangyayari. Pero mas nagtataka ako kung bakit ngayon pumunta si Mom at Dad kasi lagi naman sakin nangyayari to eh'

"Mom, Dad... Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila at agad namang tumigil si Mom sa pag-iyak at tiningnan si Dad

"Hindi mo ba alam anak?" tanong niya sa akin habang tinitingnan ako na parang nakakita ng multo, agad ko naman ito sinagot ng 'hindi' at huminga ng malalim sa Dad



































































"2 weeks kang tulog anak..." sabi ni Dad, habang hinihintay ang magiging reaction ko, bigla akong nanigas at tinry kong bumuhat para makatayo pero mas lalong sumakit ang ulo ko at nanatiling nakahiga

Rhythm of Love || • SB19 Josh •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon