•Them

68 5 2
                                    

Josh's POV

Nasa cafeteria na ako ngayon naka line para dalhan si Hana ng lunch. Yes, it's my goal to win her heart ONLY ME. Binilihan ko siya ng fried chicken syempre w/ rice, and Sprite for drinks. Nalaman ko na gusto niya pala ng sprite, huwag niyo na tanungin kung kanino ko nalaman ok? I'm not in the mood to eat my lunch so maga skip nalang ako. Hindi ko nga alam kung bakit ako busog na wala naman akong kinain. Nabusog na ata ako dahil nakita ko lang si Hana. Haha! She's so adorable.

Kinuha ko na ang lunch na inorder ko para kay Hana at pumunta sa gym. Nang pumasok ako sa loob nakita ko na si Hana nalang ang natitira. Ano kaya ang problema nang babaeng toh, na parang ang lalim ng iniisip. Haha! May naisip akong gawin. Dahil hindi niya naman napansin ang presensya ko, it's fun kapag gulatin ko siya. Dahan-dahan akong pumunta sa kina-uupuan niya ng bigla itong nag salita.

"Ayoko maki pag laro Mr. Cullen" sabi nito at hindi pa rin inaalis ang kaniyang titig sa sahig. Ano ba, dapat ako lang tinitingnan niya. Hindi pa kami, alam ko, pero ano bang pake mo? Liniligawan ko naman ah.

"Haha! Sorry na Miss Suson. Oh heto, lunch sigurado ako gusto mo" sabi ko at hinarap ang brown paper bag na may lamang pagkain sa mukha niya.

"Ano naman ulam ko?" tanong ni Hana sa akin. Ay, wala ata tong tiwala sa akin. Tsk tsk.

"Favorite mo, bakit?" sabi ko. Agad namang tumaas ang isang kilay niya at kinuha yung paper bag sa akin. Binuksan niya ito at ngumiti. Sabi ko na, gusto niya oh.

"Ok, thanks" sabi nito. Hinanda niya na ang kaniyang posisyon at linapag ang pagkain sa lamesa. Tiningnan ko lamang ang bawat kilos niya. Napansin niya na kanina ko pa siya tinitingnan agad naman kumunot ang noo niya.

"Gusto mo?" sabi niya sabay turo sa pagkain niya. Sa totoo gusto ko kasi magagamit ko yung kutsara na nagamit niya pero ayaw ko rin kasi baka hindi siya mabusog.

"Nop" sabi ko at ngumisi ito. Ako naman ang kumunot ang noo. Mag sasalita na sana ako ng kinuha niya ang kutsara na ginamit niya na may pagkain sa taas at parang ginagawang airplane yung kutsara.

"Weeee! Yewwwws! Oh mag lalanding na yung airplane. Bilis buksan mo ang bibig mo kung hindi mamatay lahat ng mga pasahero kawawa naman. Yywwwweee! Vvshhg!" sabi niya sa akin. Napatawa ako sa kalokohang ginagawa ng babaeng toh. Fuck, ang kyut niya. Dahan-dahan kong binuksan ang akin bibig at ilinagay niya ang kutsara. Ngumisi ito sa akin at nag patuloy sa pagkain. What the heck? Si Hana ba yung nakikita ko ngayon. I was used to her cold aura. Pero mas maganda na ganito siya sa akin kaysa hindi niya ako pansinin diba?

Tapos na kumain si Hana at nasa hallway na kami papalabas building para pumunta sa parking lot. Wala kaming school ngayon na hapon kasi maga meeting ang teacher's at mag aayos ng decorations para sa event next week. Excited na ako makita si Hana na mag lakad sa stage suot-suot ang magandang gown kung ano man yun, lahat naman sa kaniya bagay eh. Nababaliw na ata ako kay Hana. Ang taning ko lang sa sarili ko, na kung bakit hindi niya ako naalala. Kinalimutan niya ba ako kasi hindi ko natupad ang aking pangako? O umalis ako sa kanya ng walang paalam. Nung dumating ako sa academy na toh, parang hindi niya ako na kilala kahit isa dahil sinalubong ako ng malamig na tingin. Kaya ngayon kailangan kong bumawi at siguraduhin na akin lang siya.

Hana's POV

Talagang ginagawa ni Cullen yung trabaho niya ha, gusto niya ba talaga ipanalo ang puso ko kahit wala naman siyang kaagaw? Lately, lagi na akong naka tulala dahil sa sinabi sa akin ni Olivia. May nakalimutan ba ako? Bakit hindi ko matandaan si Josh ni isa na tandang-tanda ko pa si Justin. Is it true na ako ba talaga yung babae na kinabaliwan ni Josh? O isa lang yun sa mga plano nila Olivia at Josh? Andaming tanong lumilitaw sa aking isipan. Mabuti naman na walang pasok ngayong hapon para matanong ko ng maayos si kuya. Siya lang naman ang matatanungan ko eh, lagi namang wala si Mom and Dad. Hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng kotse ko.

Rhythm of Love || • SB19 Josh •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon