•Rival's Date?

78 4 1
                                    

Hana's POV

Ayoko na! Ayoko na!!! Last subject na namin ito bago mag lunch break. Ew! Ayoko maki pag date sa gung-gong na yon. Tapos makikita pa kami ng mga tao na mag kasama at pag ka malang mag jowa. No way! Malapit na mag ring ang bell at wala parin akong maisip na paraan kung paano ako makaka pag skip sa date ng Cullen na yon.

Kriingggggg

Nang marinig ko na ang ring ng bell, agad-agad akong umalis sa classroom para hindi na ako masundan pa ng Josh Fucking Cullen. May naisip akong magandang idea. What if mag skip ako ngayon ng lunch at tumambay sa rooftop hanggang matapos ang lunch break, pero kaya ko bang hindi kumain? Psh, kaya ko yan pupunta lang naman kami ni kuya sa Club mamaya kakain nalang ako doon ng parang baboy. Agad-agad akong pumunta sa rooftop. Tiningnan ko sa likod ko kung may sumusunod sa akin o sinusundan ako ni Josh. Mabuti naman at walang sumusunod sa akin. Parang ako lang ang tao sa hallway papuntang rooftop, pero it's better kaysa may makausap nanaman akong peke kagaya ng bruha na si Gabb.

Pagbukas ko ng pintuan sa rooftop, agad akong pumasok at sinaraduhan ang pintuan. Naghanap ako ng upuan para hindi sumakit ang pwet ko kakaupo sa sahig. At dahil sine-swerte ako, nakakita ako ng old wooden chair. Hindi naman ako maarte at mas maganda nang ma upo sa sira-sirang upuan na ito kaysa umupo sa sahig. Nang umupo ako kinuha ko ang bag ko at kinuha ang isang Tupperware na may lamang cookies. Yes! Tamang-tama na mag baon ako ng cookies para hindi ako magutom ng kahit kaunti dito sa rooftop. Nagpapasalamat din ako na hindi mainit sa rooftop kasi parang uulan na nga eh. Sana hindi umulan kung hindi sakit ang bagsak ko nito hayst!

Hanbang kinakain ko ang cookies sa Tupperware ko. Hindi ko namalayan na may tao nang pumasok sa rooftop. Nagulat nalang ako ng may nakita akong mga sapatos sa harap ko, dahan-dahan kong itinaas tingin ko parang makita ko ang mukha niya. Mas nagulat ako nang makita ko si Josh sa harap ko. Agad kong tiningnan siya ng masama. Inayos ko ang aking mga gamit at tumayo ngunit, itinulak ako ni Josh sa wall at tuloy naka trap ako sa kamay niya. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para maka alis sa mga kamay niya pero grabe ang lakas niya hindi man lang siya kumibo ng sinusuntok ko ang dibdib niya naga gym ata tong si Cullen. Napagod na ako at tumigil sa pag susuntok.

"Ano ba naman yan! Sabi kong ayaw kong makipag lunch sayo. Hindi ka ba nakaka pag intindi?" sabi ko at tiningnan ng masama si Josh

Hindi na siya nag salita at hinawakan ang kamay ko. Bumaba kami sa rooftop at nasa hallway na kami. Nag titinginan ang mga fan girls ng Adik na toh. Inirap ko nalang ang mata ko ng tingnan nila ako ng masama, ganon din sa mga fan boys ko Haha! Oo, may mga fan boys ako dito may club pa nga silang ginawa ang weird at at the same time nakakatuwa. Kaya pala nag bubulungan ang mga tao sa hallway kasi naka interwine ang kamay namin, hindi ko alam pero biglang namula ang pisnge ko at tumingin ako sa sahig. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero kung may gawin man toh sa akin ang Cullen na toh, sisiguraduhin ko na siya ang unang mamatay sa aming dalawa.

Nagulat ako nang nasa harap na agad kami ng sinasabi niyang bagong cafè sa harap ng school. Hindi ko nga maalalang lumabas kami ng campus. Every free time pwede kami lumabas ng academy para mag lunch so wala namang masama lumabas. Hindi ko alam pero agad akong pumasok sa cafè. Ng pumasok kami sa cafè binati agad kami ng isang babae na parang nasa 50's niya na siya ata ang may ari nitong cafè. Nagtataka rin ako ng walang tao sa loob ng cafè at kaming dalawa lang sa loob. Parang binasa ni Josh ang utak ko

"Rineserve ko ang cafè na ito para walang ibang maka disturbo sa atin" sabi niya at pumunta sa isang lamesa para umupo. Nanatili ako doon sa aking pwesto hindi maka paniwala kung ano ang narinig ko. Bakit niya kaya toh ginagawa? Baka- ay yaks hindi! Binalewala ko nalang ang mga katanungan sa isip ko dahil baka mamaya hindi ko mapigilang itanong ito sa kanya at isipin niya na iniisip ko na may gusto ako sa kanya.

Rhythm of Love || • SB19 Josh •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon