•Locked

48 5 0
                                    

Hana's POV

Ugh! It's Saturday morning and it's so boring! Wala na ata ako magawa sa buhay ko. Ang tahimik ni kuya ko since kagabi, I feel sympathy towards him. Isang mabait na tao kuya ko deserve niya ba yun? At akala ko pa naman magiging okay sila ni Ate Coleen but I guessed wrong. Mahal na mahal ni kuya si Coleen at pangarap rin ni kuya na magkaroon ng anak, pero yubg sa kanya lahat ang responsibility? No way! Hindi ako papayag na maging ganyan ka miserable ang buhay ni kuya. Kailangan ko mag-isip ng atleast isang magandang paraan para matulungan si kuya. May pangarap pa si kuya eh, hindi yun pwede masira dahil lang sa kagustuhan ng babaeng yun. Hindi lang si Ate Coleen ang masisiraan kapag nalaman na may anak siya kundi si kuya rin, kapag nalaman ng fans niya if maga debut na sila probably hindi nila yun magugustuhan. Kailangan ko talaga mag isip ng malalim. Hindi rin pwede na ipamigay nalang yung bata, kawawa naman. Kailangan toh malaman nila Mom and Dad. Baka mamayang dinner sabihin ni kuya sa phone yung balita. Inalis ko na muna yun sa utak ko at kinuha ang aking cellphone.

While scrolling on my phone, may nag pop-up na e-mail sa  yahoo account ko. Na-curious ako so tiningnan ko ito. Nang buksan ko ito galing pala toh sa school. Binasa ko nang maigi at inintindi ito at nalaman ko na about ito sa isa pang performance na kailangan namin gawin by group, but ang ka-partner ko naman si Josh.

Sorry for bothering you but the performance task that is given to you or your groupmates is cancelled or it maybe postponed because of the incoming event next week. It's still not confirmed if it's postponed or cancelled, but we will inform you right away when the head said something about this. The performance task might be replace by something else but again we are still not sure about this. Thank you for understanding!

ShowBT Dance Academy.

Ano ba dapat maramdaman ko? Diba dapat masaya ako kasi wala na kaming performance task at lalong-lalo na hindi ko makaka partner si Josh. Pero it's all the complete opposite. Hayst, baka may mental disorder na ako. Dahil sa nabasa ko ngayon nasira ang mood ko.

First of all;
I love performing. Dancing or performing is my dream and passion. Ang gaan sa feeling na napapakita mo sa ibang tao ang talento mo hindi lamang sa iyong sarili.

Second of all;
Wala akong magawa kaya nakaka bad trip lang hindi ko nga alam kung bakit.

Third of all;
Gusto ko atleast makasama si Josh mag perform. Gusto ko sana makita siya sumayaw o mag perform. Don't het me wrong ha!

Pababa na ako para kumuha ng pagkain. Ano ba, yun ang unang pumasok sa isipan ko na gawin total wala naman akong magawa. Habang pababa na sa hagdan may mga narinig ako malalakas na tawanan galing sa sala. Sino naman kaya dinala ni kuya dito sa bahay. Lagi yan si kuya, kung sino-sinong nga kaibigan niya ang pumupunta samantalang ako wala naman akonv pinapa pasok dito kundi si Justin, kung nandito lang siya nanonood na kami ng netflix at naka Mcdo delivery lang. Yun ang lagi naming ginagawa pag Saturday eh, kasi pareho kami free every Saturday so we decided na gumawa ng sarili naming trip. I miss Justin, ano na kaya ginagawa niya ngayon? Masaya na ba siya doon? May bago na ba siya doon na bestfriend na mas higit pa sa akin? May girlfriend na ba siya? Naka adjust na ba siya sa sorroundings niya? Hayst, andami kong gustong itanong sa kanya pero wala akong lakas na loob na i-text siya pagkatapos ng mga nangyari. Sana miss niya na rin ako.

Naka baba na ako sa hagdan at pumunta sa sala. Nang pumunta ako dito nakita ko si Kuya Chicken, Stell, Sejun at
















Josh.

Hm, ano kaya ginagawa nila dito? Baka maga practice sila sa studio ni kuya? Yun lang naman ang ginagawa nila dito sa loob ng bahay.

Nang naka punta ako sa sala. Tumahimik ang buong bahay at lahat naka tingin sa akin. Ha? Bakit sila lahat naka tingin sa akin? Ganyan ba ako ka attractive? Nakita ko na namula si Josh, tumingin sa sahig si Stell at umubo naman si Sejun sabay tingin sa sahig, habang si kuya naman ay naka tingin sa akin ng masama. Ano ba mga problema nito? May gusto ba yung tatlo sa akin? Bakit sila ganyan? May sakit ata ang mga ewan na toh. Tinaasan ko si kuya ko ng kilay.

"Miss Hana Suson" sabi nito sa akin at tumayo. Lumapit ito sa akin at ngayon ay nasa harapan ko na. Kinunot ko naman ang noo ko. Ano ba problema ng manok na toh?

"Yes Mr. Ken Suson? Is there something bothering you?" tanong ko sa kanya. Uso makisabay sa peg. Wala talaga ako maalala na may ginawa akong masama. Ano ba ginawa ko na ganito maka tingin sakin si kuya na parang naka patay ako ng tao.

"Yes Miss Suson. Do you know what's bothering me?" sabi niya. Aya aba! Englishan na kami nito ni Manok ah. Baka wala sa oras makita mo na dumudugo na ilong ko sa kaka English.

"Nop Mr. Suson. May I know what's bothering you?" tanong ko sa kanya. Susko, wala talaga ako maintindihan kung bakit siya ganyan ka galit. Baka pinag titripa  ako nito dahil bored hayst.

"Can't you see Miss Suson?


















































































Your wearing a tank top with some very short shorts. It's very inappropriate if my bandmates would see my sister walking inside our house almost half naked with her belly exposed" sabi ni kuya at sanhi ng pag hinto ko sa pag hinga. Para bang may nakita akong tao na pinatay sa harap ko mismo, ay oo meron pala AKO. Mamatay an ata ako sa kahihiyan. Tiningnan ko damit ko at tama nga si kuya. Kaya naman pala ganyan ang mga reaction nila ng makita nila ako. Bakit ba hindi mo napansin Hana? Ang tanga tanga mo talaga kahit kailan. Kailan ka ba matututo sa mga pinag gagawa mo?

Tiningnan ko yung mga kaibigan nila kuya at hindi parin nag bago ang kanilang reaction, nag-sorry ako at pumunta sa kusina habang tumatakbo. Hayst, hindi ko naman kasi alam na andito sila at hindi ko rin napansin noh na ganito yung damit. Gusto ko lang naman kumuha ng pagkain at bumalik na sa kwarto. Pumunta ako sa food cabinet at kumuha ng isang malaking bag ng Lays at pumunta sa kwarto.

Pag dating ko sa kwarto ay pumalit agad ako ng damit na sobrang layo sa sinuot ko kanina. Ang init kasi kaya yun sinuot ko, hindi ko kasi in-on aircon ko si kuya lang kasi ang marunong. Sumuot ako ng oversized light brown t-shirt at leggings. Oh diba balot na balot na kahit mainit. Humiga nalang ako sa higaan at nanood sa laptop ng anime habang kumakain ng Lays


Few Hours Later...

Ilang hours naba ako nanonood ng anime? Hala! 3 hours na ako nanood. Andoon pa ba sila? Ano na kaya ginagawa ng nga ewan na yun. It's already 3 pm so baka andoon pa ang mga yun. Bumababa ako ng hagdan.

Pag tingin ko sa hagdan nakita ko na walang tao sa sala. Pumunta ako sa kitchen pero wala. Pumunta rin ako ng restroom pero wala rin. Pumunta na rin ako sa studio ni kuya pero ni isa nila wala eh. Pupunta sana ako sa garden kaso nakita ko si Josh na pinu-pukpok ang door papunta sa aming garden. Linapitan ko ito.

"Hoy Mr. Cullen. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Sisirain mo ba yan na pintuan namin?" sabi ko sa kanya. Tinaasan ko ito ng kilay. Humarap naman ito sa akin at pawis na pawis. Agad namang kumunot ang noo ko. Napa-ano kaya ang ewan na toh.

"Ano nang yare sayo?" tanong ko sa kanya pero medyo cold. Ayoko kaya ipakita na may paki alam ako sakanya baka pag tripan lang ako nito and for your information as if may pakialam ako diba? Tumingin ito sa sahig at huminga ng malalim.








































































































































































Linock tayo ni kuya mo dito sa bahay niyo....... Mag isa"

Rhythm of Love || • SB19 Josh •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon