•Be Mine (Warning)

106 4 0
                                    

Josh's POV

Nasa studio kami lahat ngayon para mag practice. Malapit na debut namin, so kailangan na talaga namin mag prepare. Si Justin lagi namin siya ka-video call so nakakasama parin namin siya. Uuwi si Justin kapag maga debut at kung ok na si Hana. Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Did I really see Hana in an outfit like that? She has a nice body. Shit! nagiging manyak ka tuloy. Hayst, alisin muna natin sa isip si Hana at ayusin ang practice.

Few Hours Later...

So tapos na kami mag practice ngayon. Naka upo kami ngayon sa sahig, nag papahinga. Grabe ang practice namin ngayon, kailangan na kailangan talaga namin ma-perfect toh para makita ng fans namin ang perfect choreography ng dance. Tumayo sila Ken, Stell at Sejun. Nag taka naman ako kasi bakit sila nag si tayuan.

"Oh, saan kayo pupunta?" tanong ko at ininom ang malamig na tubig sa tabi ko. Nang itanong ko sa kanila ito parang naging tense sila.

"U-uh kukuha lang kami ng tubig sa baba. Uhaw na uhaw na kami eh." sabi ni Pinuno Sejun. Tumango lamang ako dahil tinatamad na ako mag salita. Wow, mag sasalita na lang tinatamad pa ako. Eh syempre!

Lumabas na ang tatlo at na iwan ako sa loob ng studio. Ang laki ng bahay nila Hana, malaki rin naman sa amin pero mas malaki sa kanila. Isang Engineer ang Dad ko at sikat na model naman ang Mom ko. I don't have any siblings, nag iisa lamang akong anak nila Dad so medyo na spoiled nga ako. Nasa Amerika sila ngayon, so wala laging tao sa bahay kundi ako. Minsan pumupunta naman sila Olivia at Auntie para bisitahin ako, parang sila na nga halos mag pa laki sa akin kapag andito ako sa Pilipinas. Kinuha kasi ako nila Mom at nanirahan sa States ng ilang years, hindi ko na ma-alala pero matagal. Bata pa lang ako gusto ko na talaga maging performer, alam toh ng parents ko at hindi naman sila tutol dito masaya pa nga sila na yun ang pangarap ko eh.

One Hours Later...

Hala! Antagal naman ng tatlong yun. Kukuha lang ng tubig inaabot ng isang oras. Na-iinip na ako kaka-hintay sa kanila, ilang oras na kaya ako na-iinip dito kaka-hintay sa tatlong yun susko. Kinuha ko ang tubig ko kasi mag lalagay rin ako ng tubig at bumababa ng hagdan.

Pag baba ko wala ako narinig kundi tahimik lamang. Ano kaya ang pinag-gagawa nang mga ewan na yun. Pumunta ako sa sala pero wala sila. Pumunta ako sa kusina pero wala rin, dapat andoon sila kasi kukuha lang naman sila ng tubig. Pumunta ako sa CR nila pero kahit isa sa kanila wala ako nakita. Pupunta sana ako sa likod o garden ng bahay nila Hana nang may narinig akong mga tawanan. Sigurado ako na sila yun, ano kaya ang pinag-tatawanan nila? Lumapit ako kung saan ko na rinig ang mga tawanan at nakita sila Ken, Sejun at Stell na nasa pintuan ng daan papuntang garden. Lalapit na sana ako ng makita ako ni Stell, mukhang nataranta. Kumunot naman ang noo ko ng nag si lakihan ang kanilang mga mata ng makita nila ako. Ano ba ang problema nila? Lumapit ako pero agad nilang sina-rado ang pintuan. Nag-panic ako kaya lumapit agad ako sa pintuan pero ng naka lapit na ako na-saraduhan na nila ito. Kina-katok ko at pinu-pukpok ko ang pintuan at sumisigaw na buksan nila ang pintuan kung hindi bubugbugin ko sila. Narinig ko na lang na linock nila ang pintuan sa labas at parang may linagay pang isang lock kasi mabubuksan ko rin naman ito sa loob.

"Hoi! Mr. Suson, Mr. Ajero, at Mr. Nase. Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?!" sigaw na tanong ko. Nag si tawanan sila at nag salita si Stell.

"Aalis muna kami ha? Doon na kami matutulog sa apartment ni Sejun, goodluck Josh!" sabi ni Stell at narinig ko na umalis na sila. Pina-tuloy ko parin ang pag pukpok ng pintuan pero walang nangyari. Hayst, locked na ako sa bahay nato, kasama si Hana. Right in time, narinig ko ang boses ni Hana sa likuran ko.

"Hoy Mr. Cullen. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Sisirain mo ba yan na pintuan namin?" sabi niya sa akin at tinaasan ako ng kilay.Humarap naman ako sa kanya pawisan. Agad namang kumunot ang noo niya. I found it cute, her reactions is just so cute and funny at the same tim it gives me butterflies on my stomach.

Rhythm of Love || • SB19 Josh •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon