•Pageant

75 2 0
                                    

Hana's POV

Oh my gosh! I'm so nervous. Ngayon na nga ang araw na pinaka-hihintay ko. Today is the pageant, just thinking of it makes me sweat like crazy. Bakit ba ako kinakabahan ng sobra-sobra? Is it because it's my first ever pageant? Hayst, isipin mo na lang Hana na gagawin mo lang toh para mapasaya Mom mo. By the way, andito kami sa house and andito si Mom and Dad. Yes! For the first time ngayon lang sila umuwi para sa isang contest na sinalihan ko. Gusto kasi ni Mom makita ang 'beautiful daughter' niya daw na suot-suot yung long gown na siya mismo ang gumawa. Gusto niya rin nga siya ang mag make-up sa akin, pero tumanggi ako. Haha! Hindi kasi marunong si Mom humawak ng mga make-up so nag-hire siya ng makeup stylist. Para naman kay Dad ayaw niya eh. Sa kanya naman, ayaw niya pang makita ang 'baby girl' niya na grown-up na. Hindi sila parehas ng ini-isip no? Haha!

And one thing, it's also my first day of not being single. Yes! Sinagot ko na si Josh, I've realized na gusto ko siya pero I kept on denying it. Magaan pala sa pakiramdam na hindi mo na kailangan problemahin kung ano talaga ang totoo mong nararamdaman kung nasabi mo na. Kinakabahan rin akong makita si Josh, sana since kami na maging less awkward ang atmosphere sa amin. Gusto ko lang naman ng simpleng relationship, yung kagaya lang ng mga normal na tao na nag sasamahan dahil sa pag-ibig. Hindi na ako na-weirdan na isipin na kami na ng rivals ko, it just normally happened. Now I believe that nothing's impossible. Nasabi ko na rin sa parents kk about sa amin ni Josh. To my luck, hindi sila tutol dito kasi dati daw nag pagawa ng gown ang mother ni Josh at naging friends daw sila. Yun ang alam ko.

So nasa dining table na kami lahat, kumakain. Si Dad naman ang lumuti ngayon, nag mana si Kuya ng cooking skills kay Dad eh ako naman walang minana kahit isa sa galing ni Dad mag luto, lahat kay Kuya. Breakfast namin ngayon ay waffles, bacon and orange juice. Masarap noh? Ngayon na lang kami mabuo, para bang once in a blue moon if you get it? Haha! Simula ng sumikat sila Mom and Dad, lagi na silang may mga trip overseas so lagi silang wala sa bahay.

Tapos na akong kumain at tumayo. Hindi pa sila tapos kaya ako ang nauna. Aalis na sana ako ng tawagin ako ni Mom.

"Hana" sabi niya. Lumingon ako at tiningnan siya.

"Po?" magalang kong tanong. Nasanay ako mag 'po' at 'opo' sa kanila, pati rin mga kasambahay namin ginagalang ko rin.

"Maligo ka na, mag-aayos ka pa" sabi nito at bumalik sa pag kakain. Tumango lamang ako kahit alam kong hindi niya ito nakita at pumunta na sa kwarto.

Pumunta na ako sa sarili kong bathroom at nag simula ng maligo. Pag katapos kong maligo nag suot muna ako ng comportableng damit, dahil papalit ako pag tapos na ang hair and make-up ko. Bumaba ako at nakita ko si Mom at a guy- Wait gay ata. Hindi ko nakita si Dad at Kuya, baka nag usap lang yung dalawa. Nasabi na ba ni Kuya sa kanila? Lumapit ako sa kanila at umupo sa sofa.

"Hana, this is Rocky aka Rockielitta Sy. Siya ang magiging make-up and hair artist mo ngayon." pakilala sa akin ni Mom. Ah, tama nga akong Gay siya. No offense ha, wala akong problema sa mga gay. Ngumiti ito sa akin at nginitian ko rin ito.

"Hi po, I'm Hana Suson" sabi ko. Tumango lamang ito habang nak ngiti.

"Ok so let's start" sabi ni Rocky. Masyado kasing mahaba yung Rockielitta, kaya Rocky nalang. Kumuha ito ng foldable chair, at pina-upo ako rito. Sinimulan niya nang lagyan ng make-up ang aking mukha. Si Mom naman ay busy na ayusin ang aking long gown, 'masterpiece' niya daw yun eh.

Few Hours Later...

Yay! After a few hours of just sitting and letting this person over there put something on my face, it's finally over. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at Wow! I never saw myself like this before. Hindi ako masyadong nag lalagay ng makakapal na make-up at first time kong ma-appreciate ang sarili ko.

Rhythm of Love || • SB19 Josh •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon