Hana's POV
I'm inside my car right now, papa-uwi na kami sa bahay. Yung mga pangyayari kanina umiikot lang sa utak ko, hindi ko maalis. Totoo ba talaga yun? Ang hirap naman kasi mag tiwala sa ibang tao. Pag tiwalaan ko ba siya? Hayst, huwag mo muna yan isipin Hana. Mag re-relax muna tayo ok? Hindi ko namalayan na nasa front gate na kami ng bahay namin habang binubuksan ng isang maid ang gate. Bumababa na ako at pinasok ng aking driver ang kotse ko at pi-nark sa loob ng garage. Sana andito na si kuya.
Pag pasok ko sa loob, wala paring pinag-bago. Still no sign of that chicken. Susko Ken Suson, ano kaya ang ginagawa mo ngayon. Lagot ka kapag sinumbong kita kila Mom. Kung kasama mo man si Ate Coleen ano kaya ginagawa niyo? Hm, ish ang bastos mo talaga mag isip Hana. Hindi naman nila yun gagawin diba? O oo kaya? Kadiri ka talaga Hana, matulog ka na lang nga!
Pumunta na lang ako sa kwarto ko, baka kung ano pang iba ang isipin ko. Nag palit ako ng pambahay at tiningnan ang oras. 3:18, wow ang aga pa pala. Matutulog muna talaga ako. Inayos ko ang higaan ko at kinuha yung stuff toy na binigay ni Josh at linagay sa aking tabi. Hindi ko alam pero pag tinitingnan ko ito na-aalala ko lang si Josh. Ay oo syempre, siya ang nag bigay eh. Habang yina yakap ito unti-unti kong pinipikit ang aking mata at naka tulog.
Ken's POV
Galing ako sa main building ng ShowBT dahil may practice kami. Hindi pa ako nakaka-uwi sa bahay dahil sa sobrang practice. Hindi pumasok si Josh dahil masakit daw yung paa, psh palusot lang niya yun. Alam ko namang gusto niya si Hana, hindi ako tutol dito kasi mabait naman talaga si Josh mapag-biro nga lang.
Nagmamaneho ako ngayon dahil tinawagan ako ni Coleen na kumain muna daw kami. Pumayag naman ako, dadalhan ko nalang si Hana kawawa naman patay gutom pa naman yun. Mabait na bata yan si Hana kaso may pagka maldita lang minsan. Ano kaya ang ginagawa ng babaeng yun? Baka nag dala na nang lalaki yun sa bahay. Tawagan ko kaya ang maid namin? Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang phone ng house, sana sagutin ng maid. Pag katapos ng ilang segundo sinagot rin ito.
"hello sino po ito?" tanong ng isang maid namin.
"Si ken ho ito, kamusta po si Hana?" tanong ko. Kahit maid namin sila, gina galang parin namin sila lalo na medyo may edad na sila.
"ah, nasa kwarto ho. Kakagaling pa lang sa mall" sabi niya. Ano?! Galing sa mall?! Bakit naman nag layas ang babaeng yun. Baka may boyfriend na yun. Hindi ko mapigilang mag-alala kahit nasa bahay na ito. Bakit kaya yun pumunta sa mall, ngayon lang siya pumunta mag-isa ah. Hayst, malaki na si Hana, kaya niya na yan mag-isa.
"Ah sige po, salamat. Paki sabi na lang ho na uuwi na ako maya-maya." sabi ko sa maid. Nag 'ok po' na lang ito at binaba ko na ang tawag.
Nasa harap ako ngayon ng Dunkin Donuts at hinihintay na pumasok si Coleen. Nang makita ko na ito pumasok sa loob pumasok na rin ako. Nakita ko ito naka upo sa isang table sa malaking bintana. Kumaway ito sa akin at lumapit ako. Agad ako nitong yinakap at hinalikan ang aking pisnge.
"Oh musta bae? Pagod ka ba?" tanong nito sa akin. Eto talaga ang pinaka gusto ko kay Coleen napaka lambing at sobrang maalahanin. Umupo na kami at tinawag namin ang isang waiter para sa order namin at nag order rin ako ng tatlong donut kay Hana, ganun yun katakaw.
"Oo, ok lang ako. Ikaw?" tanong ko sa kanya. Huminga ito nang malalim at tiningnan ako sa mata. Hala, parang seryoso siya. Ano kaya sasabihin nito? Nanatili akong kalmado.
"Kasi bae... Nakapasa ako sa model agency" sabi nito habang naka tingin sa sahig na parang malungkot. Napa ngiti ako na abot hanggang sa aking tainga.
Pangarap niya talaga maging model, diba bagay? Dancer at Model? Haha! Nagtataka ako kung bakit siya malungkot, parang mas masaya nga ako eh. Bago ako mag salita, dumating na ang waiter dala-dala ang aming order. Nag thank you ako at umalis ito. Bumalik ang attensyon ko kay Coleen na natiling naka tingin sa sahig. Ano ba ang problema ng babaeng toh? Dapat masaya siya, pangarap niya yan eh. Parehas na namin matutupad ang aming pangarap edi doble saya. Tiningnan ko ito habang nananatili ang ngiti sa aking mga labi.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love || • SB19 Josh •
Fiksi Penggemar"𝐁𝐞𝐜𝐚𝐮𝐬𝐞 𝐭𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐡𝐨𝐰 𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐲 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞𝐚𝐭 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐡𝐲𝐭𝐡𝐦 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮." - Josh Cullen Santos ✓In which Hana Suson a normal teenage girl with her normal teenage life met the one and only Josh Cullen Santos...