•Win my heart

61 5 0
                                    

Josh's POV

Na send ko na kay Hana yung message ko at pinakita kay Olivia. Mag sasalita na sana siya ng may bigla kaming narinig na ringtone. Tumingin ako sa direksyon nito at nakita si...

Hana?!

Nakita namin si Hana na kinukuha ang cellphone niya sa kaniyang mini backpack. Nang tumingin ito sa amin direksyon, hindi ko mapigilang magulat. Narinig niya ba lahat? Alam niya na ba? Dapat niya na bang malaman?

"Hana?" sabay naming tanong sa kanya. Ngumiti ito sa amin at agad na tumakbo papalabas ng gym. Tiningnan namin ni Olivia ang isa't-isa.

"So...Baka alam niya na" sabi niya sa akin. Agad naman akong kinabahan. Hayst, ano ba naman yan! Hindi pa ako ready mag confess ng tunay kong nararamdaman para sa kanya. Nalaman niya tuloy sa hindi ko inaasahang pangyayari.

"Olivia, tulungan mo ako. Ano ba ang gagawin ko?" pag mamaka-awa ko kay Olivia. Agad itong ngumisi at tiningnan ako ng ilang segundo.

"Go ahead, follow her! Tell her the truth, baka maguluhan pa yung babaeng yun." sabi niya sa akin. Napa-isip ako ng saglit. Tama ba ito? Kailangan ko na ba talaga sabihin? Ito na ba yung tamang panahon? Tanong ko sa aking sarili. Oo, heto na ata ang tamang panahon.

"Thank you ha!" pag papasalamat ko sa kanya. Hindi ko na ito pina salita pa at agad na umalis sa loob ng gym. Hinanap ko si Hana sa buong campus pero hindi ko siya makita. Nalibot ko na halos lahat ng sulok ng campus na hindi ko pa napupuntahan. Meron ba akong hindi pa napupuntahan? Ah Oo! Rooftop. Baka andoon si Hana, lagi yun naka tambay roon. Tumakbo ako papuntang rooftop.

Hana's POV

Nandito ako ngayon sa rooftop nag papa presko. Anggulo ng mga pangyayari ngayon, parang ang bilis. I didn't expect everything to happened. Kaya nga dapat, expect the unexpected daw. Ay oo nga pala! Hindi ko pa nababasa yung message sakin ni Mr. IDK pero nakakakilig or for a fact Josh. Binuksan ko ang phone ko at binasa ito.

You received a message from Mr. IDK pero nakakakilig...

I love the way you make me feel  even your nowhere near.

What the heck? Those simple yet short words makes my heart go back flippin'. He is such a tease. Ganyan na ba ako na aapektuhan sa mga simpleng bagay lamang o dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganito? Do I like him? Nop, it's a 100% positively no. I just feel this way, kasi first time ko makatanggap ng mga sweet messages maliban sa kuya ko at parents ko syempre.

Kailangan ko na pala palitan ang contact name nito, since kilala ko na kung sino talaga siya. What should I name him? Uh, Josh nalang kaya. I have nothing to name him so i'll just put Josh. Habang pinapalitan ko ang contact name niya, hindi ko napansin na may tao na pumasok sa rooftop. Nagulat nalang ako nang nakita ko si Josh sa harapan ko ng pawisan.

"O-oh, Hi Josh?" hindi ko alam kung bumabati ako o nag tatanong dahil hindi ko ma ayos ang pag iisip ko tuwing kausap ko siya o talagang hindi ako marunong makipag kaibigan sa mga tao?

"Hana" maikli nitong sinabi at tumingin sa sahig habang hinahabol ang kaniyang hininga. Agad namang kumunot ang noo ko. Bakit kaya pawis na pawis ang lalaking toh?

"Ano nangyari sayo?" tanong ko. Oo, hindi ko maiwasang maging concerned hindi ko rin nga alam kung ano pumasok sa isipan ko. Napangiti ito sa sinabi ko. Ano kata iniisip ng lalaking toh?

"I have something to tell you" seryoso niyang sinabi sa akin. Hindi ko maiwasang tumingin sa kaniyang mga mata.
He had beautiful eyes, the kind you could get lost in, and I guess I did.

"A-Ano yun?" nauutal kong tinanong. Nag hinga muna siya ng malalim at pinikit ang kaniyang mata. Hindi ko maiwasang kabahan.

Bakit ba ako kinakabahan? O baka dahil sa curiosity ko lang toh? Yung mga pangyayari kanina is still fresh in my mind, it's kinda haunting me pero binabalewala ko na lang ito. Inimulat niya na ang mata niya. Nanlaki ang mga mata kk ng makita ko ang pag itim ng kulay ng mata niya. Mukhang seryoso siya, mag seryoso ka nga Hana!

Rhythm of Love || • SB19 Josh •Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon