Josh's POV
Andito kami ni Gabb sa mall nag hahanap ng pwede iregalo kay Hana. Sabi kasi ni Gabb, pwede niya daw ako tulungan para maging kami ni Hana. Nung una hindi ako sigurado pero wala akong choice kung hindi pumayag. Habang nag lalakad-lakad nakita namin ang Miniso.
"Eto yung favorite place ni Hana. Gustong-gusto niya ang stuff toys dito" sabi nito sabay turo sa store.
"Hm, what if dito na lang tayo bumili?" tanong ko sa kanya. Agad naman itong tumango. Pumasok na kami sa loob ng store at hinanap ang section kung saan yung mga stuff toys nila. Nahanap rin naman namin ito ka agad kay nag simula na kaming pumili kung alin ang maaring magustuhan ni Hana.
"Ano Gabb naka hanap ka na ba?" tanong ko sa kanya habang pumipili ng stuff toy.
"Hindi ako sigurado pero mahilig si Hana sa mga cute na bagay, so try to find a cute one" sabi nito, well it makes sense kasi ang cute niya naman so cute rib ang gutso niya kagaya niya.
"Ok, I'll try to find one." sabi ko at bumalik sa pag hahanap. After a few minutes, biglang sumigaw si Gabb.
"Omg! I found the one! Eto Josh oh." sigaw nito. Shit, nakakahiya kasama toh si Gabb bigla-bigla nalang sisigaw parang wala sa public place. Lumingon ako sa direksyon niya, nakita ko na hawak-hawak niya ang isang We Bare Bears na stuff toy si Grizzly. Yes! It's perfect for Hana.
"Yap, that's perfect. Pero, mas maganda ata kapag si Ice Bear na lang." sabi ko at kinuha ang stuff toy na si Ice Bear at lumapit sa kanya.
"Hm, yeah I think so too. Sige, bilhin mo na lang yan si Ice Bear hintayin kita sa labas." sabi niya at umalis sa loob ng store. Pumunta na ako sa cashier at pumila. Hayst, mabuti naman at hindi gaanong mahaba yung line kung hindi matatagalan talaga ako dito. Habang naka pila, iniisip ko ang magiging reaksyon ni Hana kaoag natanggap niya itong stuff toy. Magugustuhan niya ba? Ayaw niya ba nito? Hindi niya kaya toh tanggapin? Ano ba yan Josh! Think positive. Hindi ka pa gaanong kilala ni Hana at kailangan mo ipakita na karapat-dapat na manalo ka sa puso niya.
Few minutes later...
Yay! Ako na ang sunod. Oo, ang tagal ng pila dito. Andami kasing bumibili. Ang kyut naman kasi ng mga gamit dito, kaya pala gusto ni Hana. Gustong-gusto niya talaga ata ang mga bagay na kyut. Natapos na rin mag bayad yung nasa unahan ko at umalis. Linagay ko sa cashier yung stuff toy at linabas ang credit card ko. Mabuti naman at tumatanggap sila ng card kung hindi, patay tayo diyan mag widraw pa ako niya. Linagay nila ito sa paper bag na puti na may nakalagay na Miniso. Binigay niya ito sa akin at umalis na ako sa loob ng store. Naka labas na ako at nakita ko si
Gabb at Hana nag uusap.
Hana's POV
Nakita ko si Josh at Gabb sa loob ng Miniso, tuloy nawalan ako ng gana na bumili dahil nakita ko lang ang makakapal na pag mumukha ng dalawang yun. Kupal ng babaeng yun pati si Josh hinaharot, isa rin tong Josh Cullen na toh eh alam naman ata niyang sine-seduce lang siya ng bruhang yun. Na hi-high blood ako sa mga kupal na yun, sarap tanggalan ng buhok.
Lumabas nalang ako ng store at tumayo sa labas nito. Hayst, andami pa namang cute na gamit dito na gusto ko bilihin kaso nasir ng dalawang yun ang moment ko eh. Talaga Josh Fucking Cullen ah, you want to win my heart? The fuck you sayin'? Hindi talaga kita mainitindihan minsan. Gusto mo talaga ako o may gusto kang iba? Kase kung hindi tigil-tigilan mo na ako. At ito namang bruhang toh, ang sipsip kung sino-sino nalang linalandi yung mga tao pa talagang involve sa buhay ko kapag sinabunutan kita diyan baka walang matirang buhok sa ulo mo. Kinuha ko nalang ang phone ko at tinawag ang driver ko na pumunta na sa parking lot dahil babalik na ako. Akala ko pa naman magandang ideya ang pag punta dito, eh hindi naman pala plus pag dating ko sa bahay maririnig ko nanaman ang pag tiktiklaok ng manok. Nakaka stress na ang mga pangyayari ngayon, baka wala sa oras sumabog na tong isip ko sa sobrang daming iniisip.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love || • SB19 Josh •
Fanfiction"𝐁𝐞𝐜𝐚𝐮𝐬𝐞 𝐭𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐡𝐨𝐰 𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐲 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞𝐚𝐭 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐡𝐲𝐭𝐡𝐦 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮." - Josh Cullen Santos ✓In which Hana Suson a normal teenage girl with her normal teenage life met the one and only Josh Cullen Santos...