Hana's POV
Nagising ako nang bigla kong narinig ang nakaka inis kong alarm. Bubuhat na sana ako nang biglang sumakit ang ulo ko. Shit! May hangover ako. Uminom ba ako kagabi? Ang alam ko lang naman ay uminom lang ako ng usual orang juice. Hayst, sa sobrang saya ko ata uminom ako nang alak. Just reminding the face of Gabb when Stell saw her making out with that boy makes me smile like an idiot. Ako tuloy ang nag mumukhang kontrabida, eh siya nag simula ginamit niya lang ako para sa pera, popularity, at para maka lapit lang kay Kuya. At hanggang ngayon umaasa pa siya na magugustuhan siya ni Kuya? Bruha at Kuya ko? No way! Mas pipiliin ko nang mag pakasal si Kuya sa isang manok tutal manok rin naman siya.
Dahan-dahan akong bumaba nang hagdan habang hinahawakan ang ulo ko sa sobrang sakit. Pag tingin ko sa kusina nakita ko si Kuya na parang nasa parehong kondisyon ko rin. Dumating yung maid na may dalang pills para sa hangover at syempre hindi mawawala ang hangover soup. Naka upo na si Kuya sa umupo na rin ako sa harap nito. Kinuha ko muna yung hangover pills at kinain na ang soup na ginawa nang aming maid.
Pag katapos kong kumain at inimon yung pills. Dali-dali akong umakyat sa kwarto para mag ayos. Kailangan kong pumasok kasi baka mawala ako sa ranking at mawala na rin yung pinapangarap kong maging isang trainee. Pumasok na ako sa CR at ginawa ang lahat ng kailangan kong gawin.
Bumababa na ako at nakita ko si Kuya nanood ng TV katabi si Jogart. Kinuha ko ang bag ko at lumapit sa kanya.
"Hindi ka nanaman ba papasok?" tanong ko sa kanya.
"Kailan ba naman ako hindi pumasok?" palusot niya. Well, may point siya pero kailangan niya pumasok porket trainee na siya. "At masakit ulo ko, diba may hangover ka rin?"
"Oo, pero kaya ko naman pumasok" sabi ko. Tumango lamang ito. Yinakap ko muna si Jogart at nag paalam kay Kuya bago umalis.
Sumakay na ako sa aking kotse at umalis na sa aming bahay. Naka rating na rin ako sa academy right on time. Not too early, but not too late just right. Bumaba na ako sa aking kotse bitbit ang aking bag at pumasok sa academy. Pumunta ako sa aking locker at kinuha ang aking mga libro for the first subject. Narinig ko ang mga sigawan at tilian ng mga babae. Argh! Hindi ba nila titigilan si Josh, alam naman nilang boyfriend ko siya eh what's the point on still fangirling on him. As if mawawala sa akin si Josh.
Narinig ko ang kalabog sa tabing locker. Na-alala ko nanaman tuloy si Justin, sana umuwi na siya dito. Tumingin ako sa tabing locker at nakita si Josh na may dala-dalang milktea habang naka ngisi sa akin. Shit! Yung favorite milktea ko. Kukunin ko sana ito sa kanya ng ilayo niya ito sa akin. Ti-nry ko nanaman itong kunin pero tinaas niya naman ito. Aaminin ko na mababa si Josh para sa lalaki pero mas mababa ako sa kanya. Hindi ko na kaya at nag give up na ako. Ngumisi naman si Josh dahil nakita niya na tumigil na ako.
"Wala bang morning kiss?" tanong nito habang naka nguso ang bibig. Ay, makapal!
"Milktea muna" sabi ko habang naka ngisi. Hahaha! May plano na ako.
"Kiss muna" sabi nito. Ay, matigas rin naman.
"Oh well, edi walang kiss tsk tsk" sabi ko at tatalikod na sana ako para umalis ng bigla akong tawagin nito.
"Oi, joke lang. Ito na milktea mo oh" sabi niya, agad naman akong lumingon at kinuha ito. Wah, ilang weeks na kaya ako hindi nakaka inom ng milktea.
"Hoy asan na yung kiss ko?" tanong nito at naka nguso nanaman ang bibig. Hinalikan ko lamang ito sa pisnge at tumakbo papalayo papuntang classroom. Alam ko namang mag kikita lang naman kami sa classroom pero hindi na kami mag katabi. Pag katapos ng ilang minuto pumasok na ang aming adviser kasunod si Josh, sinamaan ako nito ng tingin habang ako linabas ko lamang ang aking dila. Nag simula nang mag salita ang aming adviser nang kung ano-ano man at ako ay lowkey na natutulog na.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Love || • SB19 Josh •
Fanfiction"𝐁𝐞𝐜𝐚𝐮𝐬𝐞 𝐭𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐡𝐨𝐰 𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐲 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞𝐚𝐭 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐡𝐲𝐭𝐡𝐦 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮." - Josh Cullen Santos ✓In which Hana Suson a normal teenage girl with her normal teenage life met the one and only Josh Cullen Santos...