Sage's POV
Napahugot siya nang hininga bago napakurap.
"W-what?"
Bumuntong hininga ito bago sumagot.
"I'm Isaac. You're dagirluneed right?" He asked kaya tumango siya bago nag iwas nang tingin.
"Ahm upo ka." Sabi niya bago pilit na ngumiti. "I'm Sage." She said bago inabot ang kamay dito.
When their hands touch each other ay tila may kuryente siyang naramdaman pero panandalian lang yun dahil agad na bumitaw si Isaac sa kanya bago ito umupo sa harap niya.
Peste bat walang nag inform na ang gwapo nito. Nakakahiya tuloy dahil naka simpleng dress lang siya na lagpas tuhod at sneakers. At kahit lipstick ay wala siyang inalagay sa mukha. Inshort mukha siyang dugyot sa harap nito.
"May napili ka nang pagkain?" Tanong nito.
Namula siya bago tumango, "beef menudo lang tas yung chicken bbq."
Tumango ito bago may tinawag na waiter. Hindi niya tuloy maiwasan na pagmasdan ito habang umuorder nang pagkain nila. Maliban sa gwapo ito ay napaka maotoridad din nang boses nito. He talk calmly but with conviction.
"So tell me Sage, why did you join tinder?" Biglang tanong nito nang maka alis ang waiter.
Napakagat labi siya bago sumagot. "Bored ako kanina." Mahina niyang sabi bago ngumiti. "Isa pa nakocurios din ako kung ano ang pakiramdam na may mameet ka online."
Tumango ito at agad siyang napaiwas nang tingin nang dumaan ang ilang segundo na nakatitig lang ito sa kanya.
"Tell me about yourself sage." He said.
Napabaling siya dito bago huminga nang malalim. "Maliban sa pangalan ko wala namang interesante sa buhay ko. Normal na empleyado lang ako. Mag isa sa buhay, nagtatrabaho, kumakain at natutulog lang naman ang ginagawa ko sa araw araw na ginawa nang diyos. Ikaw ba?"
Akala niya sasagot ito pero nagkibit balikat lang ang binata bago tumingin sa paligid. And from that moment ay di na ito nagsalita pa. Nakakailang man dahil lagi itong nakatitig sa kanya pero ipinagkibit balikat nalang niya iyon hanggang sa makakain sila.
Isaac didn't let her pay the meal she eat. Hindi niya alam kung normal na ganun ba ang nangyayari sa date kasi ito naman ang first time niya. Pero sigurado siya na nabored lang sa kanya si Isaac.
For the whole duration of their date ay wala silang kibuan. Sulyapan oo pero after nitong magtanong ay di na ito nagsalita. Though she doesn't feel uncomfortable with that, pero sure siya na ito na ang una at huli nilang pagkikita.
"Ahm sige dito nalang ako." She said nang makalabas sila nang restaurant.
Isaac look at her bago nagsalita.
"I can send you home. Dala ko ang kotse ko. And don't worry I'm not a bad person." Sabi nito.
"Hala siya wala naman akong iniisip na masama kang tao." She said bago namula. "Tsaka ano ok lang. mag tataxi nalang ako."
Tatalikod na sana siya nang hawakan nito ang kamay niya.
" I insist. Come on." Sabi nito bago siya hinila patungo sa magarang sasakyan.
Inalalayan siya nito paupo sa passenger seat bago ito nagtungo sa driver seat. He asked for her address kaya agad niyang binigay yun. And gaya kanina sa restaurant tahimik lang ulit ito.
"Sorry if I bore you." Sabi nito nang pumarada ang sasakyan nito sa harap nang apartment na inuupahan niya.
Napatingin siya dito at napangiti nang magkasalubong ang tingin nilang dalawa.
"Hindi ok lang. Sige mauna nako. Salamat sa pag hatid at sa paglibre nang pagkain. Ingat ka." Sabi niya bago bumaba nang kotse nito.
"Sage." Tawag nito kaya napatingin siya sa binata.
"Would you say yes if I invite you again for another date?"
Napakurap kurap siya.
"Date?"
Huminga ito nang malalim bago tumango.
Napatitig siya dito bago ngumito tsak tumango."Sure."
---------####----------
Gabriel143