Sage's POV
Nanginginig ang kamay na hinaplos niya ang piklat na ebidensya nang pagkakaroon niya nang isa pang tsansa na mabuhay. Gusto niyang ngumiti pero tila may nakabara sa lalamunan niya.
Nang gabing malaman nila ni Isaac na puso niya ay galing kay Carol ay umalis ito at lasing na nung umuwi. And from that day halos dalawang linggo na silang di nag uusap. He always leave way too early to go to work at late na umuuwi. So today...
Bumuntong hininga siya bago tiningnan ang dalawang maleta. Aalis nalang siya, mas nahihirapan kasi siya na makasama ang asawa sa iisang bubong na ganito ang nangyayari.
Actually she don't know anymore. She should be happy that its his ex wife who give her heart for her pero kabaliktaran ang nararamdaman niya. Nasasaktan siya lalo na dahil sa reaksiyon ni Isaac. She don't know kung saan siya lugar ngayon kaya mas mabuti nalang ang umalis.
Huminga siya nang malalim bago inayos ang damit. She then grab her two suitcases at naglakad na patungong pinto ng kwarto. Pero ganun nalang ang pagkagulat niya nang pagbukas nito ay siya ring pagtangkang pagkatok ni Isaac.
Nagkatitigan sila nang ilang segundo bago bumaba ang tingin nito sa mga maletang hila hila niya. Kitang kita niya ang pagdaan nang takot, lito , pangamba sa mga mata nito nang mag angat ulit ito nang tingin sa kanya.
"B-baby."
Ngumiti siya, ngiting walang buhay.
"H-hi."
"A-anong ibig sabihin nito? You're leaving me?" Tanong nito sa boses na punong puno nang takot.
She stared at him, bago dahan dahan tumango na ikinasinghap nito.
"W-why?"
Huminga siya nang malalim. "Why not?"
Kita niya ang pagdaan nang sakit sa itsura nito dahil sa sagot niya bago nangilid ang luha nito na ikinakurap niya. Bumuka ang bibig nito para magsalita pero tila wala itong maapuhap na sasabihin kaya bumuntong hininga siya.
"Padaan."
Agad siyang napahakbang paatras nang bigla itong lumuhod sa harap niya.
"P-please dont. D-dont leave me Sage."
Nasaktan siya nung iniwasan siya nang asawa nang malaman nito na puso ni Carol ang nasa kanya. Pero may sasakit pa pala dun, at yun ang makita itong puno nang takot habang nagmamakaawang wag siyang umalis.
"You never give me a reason to stay Isaac." Mahinang sabi niya na ikinakuyom nang kamao nito. "Naghintay ako araw araw mula nang gabing yun, pero iniwasan mo lang ako. Diko alam kung bakit ganun ang nagiging reaksiyon mo pero nasasaktan ako. Ayaw kung magtampo o magalit pero ang hirap." She said bago tumingala para di magtuluan ang luhang namuo bigla.
"Ang hirap makipag kumpetensiya sa patay na. I am grateful that Carol's the reason why I'm alive right now. Pero bat ganito ka---."
"I love you sage." Putol nito sa sasabihin pa niya. "I fcking love you."
"Ako nga ba?totoo ba yan? Kasi sa nakalipas na mga araw diko naramdaman yan."she said bago hinawakan ang dalawang maleta na ikinataranta ni Isaac.
"No no no, dika aalis. Di ako papayag." He said in panic na nagpanguso sa kanya.
His eyes are begging for her to not go kaya napabuntong hininga bago hinila ang mga maleta at naglakad papasok sa loob nang kwarto nila. She placed her suitcases on the side wall bago siya umupo sa kama. She then look at Isaac na nakaluhod parin sa may pinto at nakasunod ang tingin sa kanya.
"Come here. Tumayo kana diyan." Sabi niya at agad itong tumayo bago pumasok and he made sure to lock the bedroom door na ikinailing lang niya.
"Sage baby."
"Shhh don't talk, umupo ka sa tabi ko." Sabi niya na agad nitong sinunod. "May tanong ako. Mahal mo ba ako Isaac? No let me change that, mahal mo paba ako bilang ako? O nasasabi mo lang na mahal mo ako ngayon dahil nasa akin ang puso nang asawa mo?" Mapait niyang tanong.
"Sage."
"And please don't lie."
Napakuyom ito bago sumagot.
"I love Carol." He whispered at tila siya sinaksak nang napakadaming karayom sa puso. "But I never love her as intense as I love you."Nahigit niya ang hininga lalo na at pinakititigan nito ang buo niyang itsura.
"I love you Sage and I'm sorry for giving you a reason to doubt that. I-i was just lost nang malaman kung puso ni Carol ang bumuhay sayo. When she died ni hindi ko siya nakita sa huling sandali dahil dalawang araw akong na stuck sa japan and her parents decided to cremate her body without my consent. Kaya nung nalaman ko na puso niya ang nasa sayo I felt lost again, I felt grieving again."
"Umalis ako that time para magluksa for the last time. I drunk at got home, and looking at you sleeping in our bed with a tears in your eyes is my wake up call. Naguilty ako, nahiya kaya sa sumunod na araw umiwas ako. But sht happens kung kailan susuyuin na kita ay tsaka naman nagkaproblema ang kumpanya. That's the reason why I leave early and go home late for the past days. Ngayon lang naging ok ang lahat kaya umuwi agad ako para suyuin ka at magpaliwanag sayo. And thank god I did dahil kung nahuli lang ako baka wala ka na dito."
"I love you bilang ikaw Sage. Minahal kita nang hindi nalalaman na puso ni Carol ang nasa sayo. At mamahalin kita lalo dahil ikaw ngayon ang asawa ko at deserve mo yun. Deserve mo ang mahalin nang puro, nang walang kahati. At kaya ko yung ibigay sage. Learning that you have her heart won't change anything. Ikaw ang Sage ko. At subrang iba at lalim
Nang pagmamahal ko para sayo kumpara sa kanya."Agad nagtuluan ang luha niya sa sinsero nitong pagkakasabi nang mga salitang gusto niyang madinig.
Ngumuso siya bago ibinuka ang mga braso. "Lika nga." She said and Isaac hug her right away.
Kumalas ito saglit para lang ihiga siya sa kama bago ito tumabi sa kanya at yumakap nang mahigpit sa bewang niya habang ang mukha ay nasa dibdib niya.
"Baby?"
"Hmm?"
"I love you. I truly do."
----------####---------
Gabriel143