PROLOGUE

35 7 2
                                    

Kanina ko pa pinagmamasdan ang babaeng ito. Tutok na tutok sa kanyang cellphone. Ano kaya ang tinitingnan niya dito? Kilig na kilig siya. Pumapadyak pa. At grabe ang takaw niya!

Kahit na medyo may kalayuan itong pwesto ko sa kinauupuan niya, kitang kita ko na maraming pagkain na nakapatong sa lamesa na nasa harap niya.

Sa tuwing narito ako sa secret place ko, ramdam ko ang katahimikan ng mundo. Dito ako nakakapag isip. Dito ako nakakatakas sa gulo. Dito ako nakakahinga. Dito ko nailalabas ang tunay na ako....Pero parang hindi na secret ang lugar na ito dahil dalawa na kaming nakaka alam. Sabi nga nila, ang sikreto ay hindi na sikreto kung may dalawa o higit pang nakaka alam.

Sa sobrang pag katutok niya sa kanyang cellphone, hindi niya ako napapansin. Pero ako kitang kita ko ang bawat galaw niya. Ang pagtili, ang pagkakilig, ang pag padyak at bawat pagsubo sa kanyang pagkain.

Paano kaya nagkakasya lahat ng pagkain na nasa harapan niya sa kanyang bituka? Nakakamangha naman tong babae na ito. Sana mabigyan ako nn pagkakataon na makilala siya ng husto. Pero parang mailap siya sa mga tao. Kasi lagi ko siyang nakikitang mag isa. Hindi lang dito sa secret place ko, namin pala kundi sa buong campus.

Lalo akong namangha ng hawiin niya ang bangs na tumatakip sa kalahati ng mukha niya. Dahan dahan niyang tinganggal ang kanyang salamin at pinunasan ang mga ito.

Hindi ko maialis ang aking paningin at tanging ang salitang "WOW" lang ang lumabas sa bibig ko.

Don't forget to vote, comment and share😊😊😊

Wattpader and the WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon