YSAY'S POV:
Maaga pa lang may kumakatok na pinto ko. Dali dali ko itong binuksan. Si Kuya Yves ang bumungad sa akin.
"Ysay, may pupuntahan tayo. Maligo ka na at mag ayos." sabi nito at agad na umalis at pumasok sa kanyang kwarto.
Wala aking ideya kung saan kami pupunta ni Kuya Yves. Sabado ngayon, kumpleto kami sa bahay. Saan kaya kami pupunta? Tanong ko sa aking sarili.
Nagtungo ako sa banyo para maligo. Pagkatapos nagbihis ako nag ayos ng sarili.
Lumabas ako sa aking kwarto at agad na bumaba. "Kuya Yves, nakabihis na ako. Saan ba tayo pupunta?" sabi ko habang pababa sa hagdan. Natigil ako sa paghakbang nang makita ko si Max, nakaupo may hawak na bulaklak at cake.
"M...Max, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sabay hawi sa.bangs ko.
" Anak manliligaw mo." sabi ni daddy. Umakyat ang.dugo sa.mga pisngi ko kaya bihla kong tinakpan ang bibig ko.
"Ysay, halika." seryosong sabi ni kuya Yvo. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi ko maihakbanh ang mga paa ko.
"Entertain your suitor." nakangiting sabi nito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hiyang hiya ako.
"Let's go!" bulalas ni Yves. Buti na lang andito na siya. Malapit na akong mahimatay dahil sa hiya atnkaba na nararamdaman ko.
"Mom, dad, kuya Yvo and kuya Yñigo alis na po kami." nakangiting sabi nito.
"Saan ang punta ninyo?" tanong ni daddy.
"Group date" sabi nito sabay kuha sa cake at flowers na hawak ni Max. "Iwan na natin to. Let's go" sabi niya sabay halik kay mommy. Humalikan ko din sila mommy at daddy bago umalis
"Enjoy guys." sabi naman ni daddy.
Agad naman kaming sumakay sa kotse ni kuya Yves.
*****
Nagulat ako nang bigla kaming binaba sa may gilid ng isang mall. Susunduin nya na kang daw kami mamaya.
Nagtinginan kami ni Max, bago bumaba. Agad naman pinaandar ni Kuya Yves ang sasakyan.
Nfinitian ko siya at sinuklian niya naman ako ng matamis na ngiti sabay lahad ng kamay niya. Ibinigay ko naman ang kamay ko. HHWW kaming pumasok sa mall
"Ysabelle" sabi niya.
"Mmm?" sambit ko sabay tingin sa kanya.
"Gusto mo bang manood ng sine?" sabay naming sabi tapos sabay tawa.
"Sige." sibi ko sabay ngiti.
Nasa pinakataas na palapag ang sinehan. Naglakad kami papuntang elevator. Nahinto sako saglit. Tiningnan niya ako sabay sabing "Don't be afraid andito ako." sabay higpit sa pagkahawak sa kamay ko.
Huminga ako ng malalim. Bago kami pumasok. Pagsara ng pinto, pumikit ako at humigpit ang hawak sa kamay niya. Hinigpitan niya rin ang hawak sa kamay ko bilang tugon.
Maya maya biglang tumigil sa pagakyat ang elevator. Kumurap din ang ilaw sa loob. Bumilis ang tibok ng puso ko. Humihinga ako ng malalim para kumalma. Pumunta siya sa harap ko sabay hawak sa magkabilang braso ko.
"Ysabelle, relax" sabi nito. Nag sisimula na akong magpanic attack.
"Hinga dahan dahan" sabi nito na siya namang pilit kong ginagawa.
"Focus on 5 thinks that you can see." sabi ko niya at unti unting nililibot ang paningin ko. "Just breath slowly Ysabelle." pagpapatuloy niya. Hirap pa rin akong huminga. Naiiyak na ako. "Mag isip ka nang apat na bagay na naririnig mo. Relax lang" muling sabi nito. "Tapos pakiramdaman mo ang tatlong bagay na nahahawakan mo." pagpapatuloy niya huminga ako ng malalim. "Focus ka sa dalawang bagay na naamoy mo." sabi nito. Sakto naamoy ko ang mild scent na pabango niya. Medyo umaayos na ang paghinga ko at di na rin ako naiiyak. "Tumingin ka sa akin." sabi niya dahan dahan naman akong tumingin sa kanya. "Andito lang ako di kita papabayaan." tagos sa puso ko ang bawat salitang binitawan niya. Nginitian ko siya sabay yakap ko sa kanya."Thank you Max." sambit ko. Niyakap niya rin ako kaya naman mas hinigpitan ko ang pagkayakap sa kanya. Pakiramdam ko na safe ako sa mga bisig niya. Nawala ang aking takot.
Maya maya, gumalaw na ang elevator. Unti unting kong tinanggal ang pagkayakap sa kanya. Tumunog na ito at bumukas. Dali dali kaming lumabas.
"Okay ka na?" tanong niya sa akin Tumango naman ako at kumapit sa braso niya.
Tiningnan namin ang mga palabas lahat horror. Wala akong tulak kabigin sa mga ito.
"Max, ito ang panoorin natin." sabi ko. Sabi kasi ni Bety sobrang nakakatakot yun. Inaantay ko ang sagot niya kaya bahagya kong itinaas ang kilay ko. Tumango na lang siya.
"Buti na lang di pa nagsisimula." nakangiting sabi ko.
Bumili na siya ng dalawang ticket, at agad kaming pumasok sa loob.
Pagupo namin sakto magsisimula na ang palabas. Pansin kong di na siya mapakali. Mukahang natatakot siya. Ang cute niyang tingnan. Bakit kaya ganiyo ang pwesto niya? Nakakatawa siya. Tumingin siya sa akin.
"Natatakot ka ba?" pabulong na tanong ko.
Umiling lang siya.
Ramdam ko na natatakot na siya kaya inakbayan ko siya at sinandal ang ulo ko s kanya."Wag ka matakot Max, andito lang ako." bulong ko sabay haplos sa pisngi niya at hinawakan ko ang kamay niya. Ang lamig ng mga ito.
Nanatili kami sa ganong pusisyon ganggang matapos ang palabas.
"Ayan Max, tapos na. Kain na tayo" sabi ko sabay tapik sa balikat ko.
*****
Niyaya ko siyang kumain sa isang Korean na restaurant. Favorite ko kadi ang pagkain doon.
Hindi ko ba maintindihan..sobrang komportable ako na kasama ko siya. Ibang saya ang nararamdaman ko.
Pagkatapos namin kumain sumenyas ko waiter. Lumapit naman ito agad.
"Ako naman, ikaw kanina e." sabi ko sabay abot ng bayad sa waiter.
"Max, wag ka magagalit ha. Hindi naman maganda kung ikaw lagi ang sasagot pag nagdadate tayo. Isa pa, mas marami akong nakakain sa iyo." sabi ko sabay halakhak.
"Let's go?" tanong nito. Tumango naman ako.
Naglakad lakad kami habang naka kapit ako sa braso niya. Nang mapagod kami sa kakalakad, naupo kami sa may bakanteng bench. Nakita namin si Yves na naglalakad.
"Kuya!" sigaw ko sabay kaway. Agad naman siyang lumapit.
"Oh, how's your date?" tanong nito sa amin.
Sabay kaming nag two thumbs up. Parang lagi kaming pareho ng iniisip.
"Mukhang nagenjoy kayo a. Ready to go home na ba?" tanong nito.
Tumango naman si ako.
Agad kaming nagtungo sa parking area at agad na umuwi.
Nagpasalamat si Max kay kuya bago bumaba ng sasakyan.
*****
Pagpasok namin sa bahay, nakaupo sila mommy, daddy, kuya Yvo at kuya Yñigo sa sala. Parang inaantay kami.
Nagmano kami ni kuya Yves kila mommy at daddy.
"Kumusta ang group date?" nakangiting tanong ni daddy.
Naramdaman ko ang pag akyat ng dugo sa pisngi ko.
"Okay lang po. Sagot ko sabay yuko.
"Dad, dalaga na ang prisesa natin." dagdag ni kuya Yvo. Gustong lumubog sa kinatatayuan ko sa sobrang hiya sa kanila.
"Anak, seat beside me." sabi ni mommy.
"Alam namin na darating at darating ka sa stage na ganito. Masaya naman kami at si Max ang nanliligaw sa iyo. Alam namin na mabait siya. Sana wag mong papabayaan ang pag aaral mo ha. Just enjoy and be reminded of your limitations." mahinahong sabi ni mommy sabay haplos sa buhok ko. Nakatingin naman sila daddy at ang mga kuya ko sa akin at naka ngiti silang lahat.
"Sige na, magpahinga na kayo ng Kuya Yves mo." sabi ni daddy.
Hinug ko sina daddy at mommy. Pati si kuya Yvo. I'm so blesses to have a very supportive family.
Don't forget to vote, comment and share😊😊😊
BINABASA MO ANG
Wattpader and the Writer
Teen FictionMadalas happy ever after ang ending ng kwento sa mga wattpad books ng wattpader na si Ysay. At dahil sa mga nabasa niya, umaasa siya na magkakaroon siya ng mala-fairytale na lovelife. Yung may happy ever after. Magkakaroon din kaya siya ng happy ev...