Chapter 19 The last chapter

4 1 0
                                    

YSAY'S POV:

After 2 years.....

Excited na kaming lahat para sa aming graduation. Masayang masaya kami habang suot suot ang aming school uniform. Ito na kasi ang huling araw na isusuot namin ang aming uniporme.

Isa isa ng tinawag ang aming pangalan para kuning ang aming certificate. Isa ito sa pinaka masayang araw sa buhay namin. Isa na naman itong hakbang para makamit ang aming pangarap.

Pagkatapos ng graduation nagtungo kami sa aming bahay para magcelebrate. Kasama ni Max ang kanyang mommy at daddy.

*****

Habang kumakain kami, bakas sa mukha ng aming mga magulang ang saya. Nagtapos kami ni Max na with highest honors at dahil dito nakakuha kami ng scholarship sa isang kilalang university. Balak naming kumuha ng Accountancy at pagkatapos, sabay kaming kukuha ng kursong abogasya.

Close ang mga magulang namin. Business partners sila daddy at mga magulang ni Max kaya naman nung malaman nila na kami, full support din sila sa amin.

Pagkatapos naming kumain, umakyat kami ni Max sa aking kwarto. Kinuha ko ang notebook niya na pinagsusulatan namin ng mga magagandang ala ala.

"Pang ilang chapter na natin my love?" tanong nito.

"Pang 143 na my love" nakangiting sagot ko.

"Wow, ang dami na nating masasayang ala ala my love." sabi nito sabay akbay.

Inabot ko sa kanya ang ballpen at nagsimula na siyang magsulat.

Pagkatapos namin, bumaba kami dahil uuwi na sila Max.

Bukas sabay kaming mageenrol sa university. Magsisimula na naman kami ng panibagong chapter.

Masayang nagpaalam si Max kina mommy at daddy. Ganon din ako sa mga magulang niya.

"My love see you tomorrow. Basta lagi mong tatandaan mahal na mahal kita. Hinding hindi yun magbabago kahit na anong mangyari" sabi nito sabay yakap at halik sa noo ko. "Kahit pa sa kabilang buhay." dagdag pa nito

"Mahal na mahal din kita Max." sabay higpit ng yakap.

Kumaway kaway ako hanggang sa mawala sa paningin ko ang kotseng sinasakyan nila Max.

*****

Habang nagliligpit kami nila mommy, biglang dumulas sa kamay ko ang isang plato sabay nag ring ang telepono. Sinagot naman ito ni Kuya Yvo habang nililinis ko ang mgap iraso ng platong nagkalat.

"Mom, it's an emergency. Ang mga Clarkson nadisgrasya!" sabi nito na bakas ang pag aalala sa boses niya.

Natulala ako sa sinabi niya. Tanging pangalan lang ni Max ang nasambit ko.

Nang makita ko na paalis na si kuya. "Kuya, sama ako." nangingilid ang mga luha sa mata ko.

*****

Pagdating namin sa hospital agad kaming nagtungo ni kuya sa operating room. Tanging pagsilip lamang sa maliit na bintana ang nagawa ko. Kitang kita ko si Max duguan. Maya maya lumapit ang mommy niya sa akin. Tanging galos lang ang natamo nito.

Niyakap niya ako habang nakasilip din sa bintana ng operating room.

Parang natataranta ang mga nurse sa loob habang ang mga doktor ay kalmado pa rin. May mga inaabot silang aparato sa mga doktor.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Clear..." sabi ni kuya.

"Clear..." muling sabi nito

"Clear..." pagkasabi niya tanging mahabang tooooooooooooooooooooooooooot lamang ang tunog na narinig ko.

"Max Clarkson, time of death 9:00 pm". Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang mga salitang iyon. Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko kaya napasalampak ako sa sahig. Patuloy ang pag agos ng luha sa aking mga mata.

"Hindi pwede Max, hindi pwede. Wag mo ako iwan Max. Gagawa pa tayo ng mamasayang memories. Wag mo ako iwan" sabay hagulgol pagkayapos kong sambitin ang mga salitan iyon.

Lumabas si Kuya Yvo sa operating room, agad na lumapit sa akin. Inalalayan niya akong tumayo.

"Sorry Ysay, ginawa ko ang lahat. Sorry." halos pabulong na sabi ni kuya habang umaagos din ang luha sa kanyang mga mata.

"Kuya, buhay siya. Buhay si Max!" pasinghal sa sambit ko. Sabay yakap sa kanya.

Maya maya dumating na rin sila mommy at daddy. Nadatnan nila kaming magkayakap ni Kuya Yvo habang nakaupo naman ang mommy at daddy ni Max sa upuan na nakalagay sa labas ng operating room.

Tumingin si Kuya Yvo kay mommy at daddy at umiling ito.

Napatakip si mommy sa kanyang bibig. Hindi makapaniwala sa nangyari.

Nang mahimasmasan ako nagpasya ako na pumasok sa operating room para tingnan si Max.

Mabigat ang bawat kahbang ko papalapit sa nakahimlay at walang buhay niyang katawan. Hindi pa rin tumitigil ang mga luha sa pag agos.

Hinawakan ko ang kamay ni Max, hindi na gumagalaw ang mga ito. Hinaplos ko ang kanyang muhka. Wala na....wala na si Max! Niyakap ko siya.

" Max, bangon Max." sambit ko. "Nangako tayo sa isat is diba na walang iwanan. Ang daya mo naman. Marami pa tayong pangarap Max. Marami pa tayong masasayang ala ala na gagawin. Max, my love please. Wag mo akong iwan Max!" marahan ngunit mafiin ang bawat salita. Biglang nagdilim ang paningin ko.

*****
THIRD PERSON'S POV:

Pagdilat nga mga mata NI Ysay, kulay puting kisame ang bumungad sa kanya.

"Gising na si Ysay!" sambit ni Yves. Agad namang lumapit ang mommy at daddy nila sa kanya.

"Ysay, gutom ka ba? Tanong ng daddy nito.

Umiling lang siya habang unti unti ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang mga mata.

Maya maya pumasok si Yvo sa pinto, nag aalala itong lumapit ka Ysay na nakatitig lamang sa kisame.

Awang awa ang mga ito sa kaya. Alam nilang sa ngayon, wala silang magagawa para mapawi ang sakit na nararamdaman ni Ysay.

Maya maya pumasok ang mommy at daddy ni Max sa kwarto Ysay.

"Nahuli na ng mga pulis ang salarin" nangingilid ang luha na sambit ng mommy ni Max. Niyakap naman siya ng mommy ni Ysay.

Lumapit ang.mommy ni Max kay Ysay.

"Ysay, anak. Kailangan nating magpakatatag." sambit nito sabay haplos kay Ysay na nakayinging panrin sa kawalan. At tanging pagluha lang ang kayang reaksiyon sa sinabi na mommy ni Max.


Don't forget to vote, comment and share😊😊😊


Wattpader and the WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon