YSAY'S POV:
Kinuha ko ang phone sa aking bag. Natapos ko na kasing basahin ang pang apat na wattpad book na bigay ni Kuya Yvo. Grabe nakakakilig ang lahat ng story dito. Sana ako rin magkaroon ng love life.
Ako na lang ata ang walang love life dito sa campus. Si Beky nga may love life. Pati ying mga elementary na bata kanina, nakita kong magka holding hands sila sa may play ground. Nakaka inggit naman.
Napansin ko na may bagong work ang misteryosong writer. My own love story ang title nito. Kakaunti pa lang ang chapter na meron. Binasa ko ito.
"Totoo kayang love story ito ng writer? Lalaki siya. Aww. Kabaligtaran pala ng mga love story sa ibang wattpad books niya ang love story niya." mahinang sambit ko sa aking sarili.
"Nakakabitin naman basahin ito, iilang chapters pa lang kasi. Sana makapag update siya kaagad. Mahahanap niya na kaya ang babaeng para sa kanya?" palaisipan sa akin ang binasa ko. Ganito pala ang feeling ng nabibitin sa pagbabasa ng di pa kumpletong story.
Pagtingin ko sa baba may nakita akong kulay brown na notebook. May naka engrossed dito na seaanemone.
Dinampot ko ito agad at binuklat."O.M.G! parehong pareho ang nakasulat dito sa kababasa ko na story. Andito si seaanemone!" napatili ako sa sobrang saya.
Teacher kaya siya, estudyante kaya. Hala. Kaya siguro hindi pa niya na a-update yung bagong work niya dahil nalaglag niya tong notebook niya.
E paano ko maibabalik sa kanya to? Di ko naman alam kung sino siya? Puntahan ko kaya si Max, baka matulunagn niya ako. Sabi ko sa loob loob ko.
Dali dali akong nagtungo sa room. Nakita ko si Max, nakaupo sa upuan niya. Mukhang may hinahanap siya sa bag niya.
"Max" tawag ko.
"O bakit?" sagot nito at patuloy pa rin sa pagkalkal ng bag niya.
"Ano bang hinahanap mo diyan?" pang uusisa ko.
"Nawawala yung isang notebook ko, alam ko dito ko lang nailagay sa bag ko yun e." sabi nito sabay angat ng mukha.
Nabaling ang pansin niya sa hawak kong notebook. Nakatitig siya dito.
"Ano bang notebook hinahanap mo?" panguusisa ko.
"Math" tipid na sagot nito.
Umupo ako sa tabi niya.
"May napulot akong notebook" sabi ko sa kanya. "Alam mo ba favorite ko tong writer na ito, si seaanemone." dagdag ko habang pinakita sa kanya ang notebook.
"Talaga?" tanong nito.
"Oo. Alam mo Max, meron na ako nung apat na books niya. Nakita ko kanina na may bago siya sinusulat pero ilang chapters pa lang ang meron. And only to find out andito siya sa campus. Sana makilala ko siya para makapag pa autograph ako sa kanya." Nakapanglumbaba ako habang nagsasalita
Nakatingin pa rin siya sa notebook na hawak ko.
"Ay, Max o. Baka hinahanap na ito ng may ari. Ikaw na lang magdala sa lost and found section. Malamang mahalaga ito sa kanya." mahinang sabi ko sabay abot ng notebook sa kanya.
"Ako na ang bahala." pagbibigay niya naman ng assurance sa kanya.
*****
MAX'S POV:Pinagmasdan ko ang notebook na inabot ni Ysabelle sa akin. Hinaplos ko ang naka engrossed na pangalan - seaanemone.
Maya maya pumasok na ang teacher namin at nagturo. Nilagay ko sa loob ng bag ko ang notebook na bigay niya at nagsimula ng makinig.
Napakabilis ng oras. Natapos ang maghapon. Inayos ko ang mga gamit ko para makapunta na sa gym.
Medyo maaga ako ngayon si Yves pa lang ang naroon. Naupo ako sa tabi niya nginitian niya ako. Madlas siya ang nauuna, team captain kasi.
"Yves, may tanong ako" seryosong sabi ko sa kanya.
"Ano yun?" tanong niya habang nakangiti.
"Kamusta na ang mommy mo?" tanong ko.
"Aa..m okay na." sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin.
"Nakita kita sa may convenient store nung gabi na nagpaalam ka kay coach." mahinang sabi ko pero seryoso ang tono ng boses ko.
Tahimik lang ito.
"Dude, last year na ng paglalaro mo dito sa school. Sayang naman kung hindi mo makuha ang MVP." dagdag ko.
"Dude, di mo ako naiintindihan." mahinang sagot nito.
"Kung babae and dahilan mo, maiintindihan ko naman. Ikaw ang nagturo sa akin na mahalaga ang bawat oras ng pageensayo. Seryosong tono ng pananalita ko.
Hindi lang kasi moves and tricks ang tinuturo ni Yves sa akin, pati values. Kung paano magpahalaga sa lahat ng meron ako ngayon.
"Mas mahalaga kasi siya keysa dito." sagot nito habang naka yuko.
"Kitang kiya ko nga kung gaano kayo ka sweet habang kumakain ng ice cream. Parang pinunasan mo pa nga ng tissue yung mukha niya e. Sayang lang di ko nakita yung mukha nung babae natakpan kasi ng poster na naka post sa labas ng salamin." Seryoso pa rin ako sa pagsasalita habang umiiling.
Ngumisi lang si Yves. Sabay tingin sa akin.
"Ano bang pinagsasabi mo. Kapatid ko yung kasama ko sa convenient store. I just need to cheer her up. She's not okay during that time. At alam kong chocolate ice cream lang ang katapat ng kalungkutan niya." natatawang sagot nito sabay gulo sa buhok ko.
Nagsimula ng mag datingan ang mga kasamahan namin kaya naman nagstart na kmi sa aming practice. Ilang araw na lang start na ang season.
Pagkatapos ng practice nauna akong pumunta sa shower room. Pagkatapos ko siya namang pag pasok ni Yves.
Lagi siya ang una at huling umaalis sa gym kapag may practice kami. He's very responsible. Bagay na bagay ang pagiging team captain.
Nakatayo ako sa may labas ng school para magantay ng masasakyan. Mukhang magtatagal ako dito at anong oras na. Wala kasi akong sariling sasakyan.
Habang patuloy ako sa pagaabang, nakita ko ang kotse ni Yves. Huminto sa may waiting shed. May sinakay siyang babae. Girlfriend kaya niya yon? Pero wala naman siyang nababanggit na girlfriend sa amin. Parang kami lang dalawa sa team ang walang girlfriend. Pero, baka naglilihim siya. O baka kapatid niya iyon. Medyo malayo kasi itong kinatatayuan ko sa may waiting shed kaya di ko makita.
"Hayst! Bakit ba ako nakikialam. E ano kung girlfriend niya iyon. O, e ano din kung yung kapatid niya iyon." mahinang sambit ko.
Maya maya pa ay may taxi na. Sa wakas makakauwi na rin ako.
Don't forget to vote, comment and share😊😊😊
BINABASA MO ANG
Wattpader and the Writer
Teen FictionMadalas happy ever after ang ending ng kwento sa mga wattpad books ng wattpader na si Ysay. At dahil sa mga nabasa niya, umaasa siya na magkakaroon siya ng mala-fairytale na lovelife. Yung may happy ever after. Magkakaroon din kaya siya ng happy ev...